Perfect Mistake Chapter Nineteen
*Sophia's POV*
"Dylan saan ka pupunta?!" Habol ko kay Dylan nung nakita kong galing sa taas dere-deretso lang siya palabas ng bahay.
"Dy!" Tawag ko ulit sa kanya pero hindi niya ako pinansin at tuloy tuloy lang siyang sumakay sa kotse niya at umalis.
Gusto ko na tuloy umiyak sa pagtrato sakin ni Dylan. Kanina bigla bigla na lang niya akong hinila papasok sa loob ng kotse at inuwi dito sa bahay. Pero sa buong byahe na yun hindi siya nagsasalita, hindi niya ako kinakausap, ni hindi niya man lang ako tinitignan.
Alam ko na galit siya sakin ngayon. Malamang pa nito iniisip niya na sinungaling ako dahil sinabi ko kay Cyril na wala kaming relasyon. Pero noon pa naman yun eh, hindi ko na nagawang linawin kay Cyril yung totoo kasi kanina lang naman kami ulit nagkita at hindi ko akalain na mag aabot abot pa kaming tatlo.
Hindi na naman ako mapakali sa sarili ko kaya naisipan kong tawagan yung taong makakatulong sakin ngayon, si Janna.
"Hello sissy? Whyness? Anong problema at napatawag ka?" Cheerful na tanong niya pagkasagot niya ng tawag ko.
"Janna, punta ka naman dito oh...please." Naiiyak ko ng sabi sa kanya. Ngayon lang kasi yata nagalit sakin si Dylan ng ganito. Mas gusto ko pang sinisgawan niya ako kesa yung hindi niya ako pinapansin at kinikibo.
"Bakla umiiyak ka ba ha?" Biglang napalitan ng pag aaalala yung cheerfulness niya kanina.
"Si Soph ba 'yan? Ano nangyari?" Narinig kong may nagsalita pang babae bukod kay Janna, malamang si Krista na yun.
"Oo bakla. Saglit ka lang dyan." Narinig kong sagot sa kanya ni Janna.
Pinigilan ko yung paghikbi ko para makapagsalita ako ng maayos. "Nag-away kami ni Dylan. Galit siya sakin, galit siya."
"Okay okay! Pupunta kami dyan, isasama ko na si Krista. Hintayin mo kami ha?" Nagmamadaling sagot ni Janna sakin. Nagpapasalamat na agad ako na pupuntahan niya ako, kailangan ko talaga sila ngayon.
"Sige, hihintayin ko kayo."
*
"Bakla! Don't cry out loud!" Sabi ni Janna nung pagkadating na pagkadating nila ni Krista, niyakap ko kaagad silang parehas.
"Just keep inside..." Sabi naman ni Krista habang hinihimas yung likuran ko na parang pinapatahan ako.
"And learn how to hide your feelings..." Dagdag naman ni Janna kaya humiwalay na ako sa pagkakayap ko sa kanila at pinalo ko silang dalawa sa braso.
"Pinagloloko niyo naman ako eh, sabi ko damayan niyo ako dahil kailangan ko ng kausap. Hindi ko sinabing bumirit kayong dalawa dyan eh." Natatawa pero naiiyak kong sagot sa kanila. Nakakabipolar talaga kasama ang dalawang ito.
"Ano ka ba Soph?! Ang tunay na friend patatawanin ka pag umiiyak ka. Babaliwin ka, o kaya naman pagtatawanan ka! Hahahahaha!" Tawa pa ni Krista ng parang baliw kaya binatukan siya ni Janna. "Aray naman bakla!"
"Gaga! Mag kaaway na nga sila ni Dylan tatawanan pa natin. Okay na yung papatawanin eh." Sermon ni Janna kay Krista sabay baling sakin. "May juice ba kayo bakla? Nauhaw na ako, nagmarathon kaming dalawa para makapunta dito sa'yo eh."
Napangiti ako sa presence nilang dalawa. Napapagaan talaga nitong dalawa na 'to ang mga problema ko.
*
BINABASA MO ANG
Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)
RomancePublished under Summit Media Pop Fiction Dylan and Sophia's first encounter might not be on the right foot as it involved beers, cigarettes and regrets. Sophia, mending a broken heart, made the worst mistake she had ever done her entire life, gettin...