Chapter Sixty Three

82.5K 936 48
                                    

Chapter 63

 

SOPHIA's POV

 

 

Buong gabi kong pinag-isipan yung tungkol sa sinabi ni Ate Zea kahapon. Kagabi bago kami matulog ni Dylan tinangka ko ng iopen yung usapin na yun kaso tinulugan naman niya ako.  Ngayon nag-iipon lang ako ng lakas ng loob para mabanggit sa kanya yung tungkol sa pagpapaDNA test.

Magkatabi kami ngayon dito ni Dylan sa sala habang naglalaptop siya at nag checheck ng importanteng e-mails.

Hinawakan ko siya sa kaliwang binti niya. "Dy, may sasabihin sana ako sa'yo."

"Mmm? Ano yun?" Tanong niya lang habang seryosong seryoso pa din siya sa mga binabasa niya. Lumingon lingon muna ako sa paligid, sinaktuhan ko kasing kaming dalawa lang ang tao bago ko sabihin sa kanya yun.

"Kasi, naisip ko lang para lang naman makasigurado. Ipa-DNA test natin si Zion." Pagkatapos kong sabihin yun hinanda ko na yung sarili ko sa kung ano mang pwedeng kahantungan ng usapan namin.

Pero kalmado lang si Dylan na sumagot. "Hindi na kailangan baby ko."

Anong hindi kailangan ang sinasabi niya? "Bakit? Para lang naman sure tayo e. Kasi alam mo na..." Hindi ko na tinapos yung sasabihin ko.

Naka focus pa din siya sa harap ng laptop niya. "Malaking pera pa yun e, hindi naman importante."

"Pero Dylan, sakin importante yun. Kung iniisip mo yung gagastusin para dun ako ang gagawa ng paraan."

Napaatras ako ng konti ng padabog niyang sinara yung laptop niya at matalim na tumingin sakin. "Ano pa bang gusto mong gawin ko Sophia? Wala ka bang tiwala sakin? Wala ka bang tiwala sa mga sinasabi ko? Sa mga nararamdaman ko?"

"May tiwala ako sa'yo! Ang sinasabi ko lang, kailangan ko lang din yun. Kailangan natin yun! Kailangan lang natin manigurado!" Madiin yung boses ko pero hindi ako sumisigaw. Ayokong isipin niyang sinisimulan ko siyang awayin. Hangga't maaari gusto kong mapag usapan namin 'to ng maayos.

Pero mukhang iba na naman ang interpretasyon niya. "Pagkatapos ng lahat nagdududa ka pa din pala? Pinagdududahan mo pa din yung mga sinasabi ko?" Bigla bigla na lang umiyak na siya sa harapan ko. Naguilty naman tuloy ako bigla. "Ikaw yung unang taong inaasahan kong maniniwala sakin. Na makakatanggap sakin at sa sitwasyon natin. Sophia, alam mo naman na mahal na mahal kita. Hindi ko magagawang mag sinungaling sa'yo. Hindi naman kita ilalagay sa ganitong sitwasyon kung alam kong masasaktan ka lang. Pero Sophia wala na akong choice. Anak ko din si Zion. Parte din siya ng buhay ko."

Dahil sa mga sinabi niya hindi ko napigilang hindi din maiyak.

"Bago pa lang kami maghiwalay noon ni Alisha, bago pa siya sumama sa iba. Alam kong buntis na siya at alam kong anak ko yun. Pero umalis siya at nilayo sakin si Zion, pinag kait niya dahil lang hindi na niya ako mahal noon. Pero kasalanan ko din kasi hindi ko hinabol, hindi ko din pinaglaban yung karapatan sa anak ko. Naduwag na din ako nun, at nagalit kay Alisha. Dahil iniwan na niya ako, pinagkait niya pa sakin yung anak ko."

Naalala ko bigla yung araw na sinabi ko kay Dylan yung pagbubuntis ko. Yung tono ng boses niya noon parang guilty na guilty siya. At yung isang linyang hindi ko makakalimutan sa mga sinabi niya.

"Salamat din dahil sinabi mo sakin, hindi mo pinagkait."

"Ang sakit Sophia. Na akala ko ayos na sa'yo. Akala ko hindi na kita nasasaktan, na hindi ka nahihirapan. Pero mali pala ako. Msakit kasi kailangan pa kitang saktan dahil sa katotohanan. Pero wala akong magagawa. Anak ko si Zion, gaya ni Aian mahal ko din siya." Iyak na siya ng iyak habang sinasabi niya yun.

Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon