Special Chapter #5

22.2K 343 19
                                    

Sorry for being MIA for i dont know how long. Hehe. Salamat sa pag hihintay tho, and yes, I'm back on wattpad! =)



Perfect Mistake Special Chapter #5

Zea feels luckier than ever. Iniisip niyang hindi niya deserve ang isang mabait na asawa na gaya ni Brix. Kahit ngayon sa sarili nitong birthday party ay ayaw siya nitong pakilusin kahit na she insisted na ayos na ang pakiramdam niya. Brix has been like that since they almost lost the baby, and Zea admits na dahil ito sa kapabyaan at pagiging stubborn niya.

Abala ang lahat ng tao sa bahay ng mag-asawa. Naisip ni Brix na isang simpleng gathering lang ang gusto niya. Family at closests friends lang ang dadalo sa nasabing party na gaganapin sa backyard ng bahay nila.

Simpleng pag checheck lang ng paligid ang tanging ginagawa ni Zea sa party ng asawa. Medyo natatawa nga siya sa sobrang pagcacare nito pero naiintindihan nya naman, medyo kinikilig pa nga siya sa pagiging extra maasikaso at maalalahanin nito.

Nilapitan ni Zea ang asawa na medyo tulala habang nakapamewang sa harap ng long table kung saan ilalagay ng mga putahe na ipinaluto nila.

"Bakit ka tulala?"

Para namang nagising si Brix sa pag dadaydream at nakangiting nilingon si Zea, "Iniisip ko lang kung wala na ba akong nakalimutan."

"Sabi ko naman kasi sayo-" Simula ni Zea.

Pero bago pa man siya makasagot ay pinutol na ni Brix ang sinasabi niya.

"No need Zee."

She frowned a little pero binawi niya agad ito. Hindi lang yata sanay ang katawan niya na pinagbabawalan siyang magkikilos o gumalaw ng gumalaw. Pero alam niyang tama si Brix, dapat mas ingatan niya ang sarili niya ngayon.

Hindi tuloy mapigilan ni Zea na i-open up ang nangyari few days ago. Kahit anong pilit niyang 'wag isipin, may tanong na bumabagabag sa kanya. "Bee can I ask you something?" Panimula niya.

Inakbayan naman siya ni Brix at marahan na hinalikan sa noo. "Hmm, what is it?"

Lumayo ng kaunti si Zea para makita ang expression ng mukha ni Brix. "Why didn't you confront me?"

Umiling si Brix bago sumagot, "Because I don't need to."

"Why? Aren't you mad? Or even pissed?"

Natatawang umiling si Brix. "Kasi naiintindihan ko kung bakit mo ginawa 'yon, you wanted to give all to your work before giving your all to our baby. I have known you since mga bata pa tayo Zea, and I know your passion for your craft. And besides, I will owe you big time for giving me a baby so sino ako para magalit sayo? I'm just thankful to have you and that the baby is safe. Let's move past what happened."

Tanging buntong-hininga na lang ang sagot ni Zea. Half of her is still feeling guilty but the other half just wanted to tear up for having the most understanding man she prayed for.

"Hey, cheer up. Baka malungkot din 'yung baby pag malungkot ka." Brix said while tucking a few strands of her hair behind her ears.

"I'm not sad Brix," Zea gave him the most genuine smile, "I just realized how lucky I am to marry a guy like you."

Hinawakan ni Brix ang tyan ni Zea. "Thank you for your early gift, my love."

"Happy Birthday, bee."

***

After a while ay nag-sipag datingan na din ang mga bisita nila. Brix's parents with his kikay sister na si Brinna, sina Zeus at Dea. Sa mga kaibigan naman nila naunang dumating ang Villegas family na laging early bird sa mga tipon-tipon nila. Heart, Enzo and the twins Sam and Tom. Dumating din naman agad sina Dylan at Sophia with their kids.

Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon