Dedicated to a new friend here on wattpad. Enjoy the update Jas. :)
{No one else comes close by Backstreet boys}
Perfect Mistake Chapter 28
*Sophia's POV*
"Mas mabuti pa maghiwalay na lang tayo."
Pagkasabi ko nun lumabas na lahat ng mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Palabas na sana ako ng pinto ng hatakin ako ni Dylan sabay yakapin.
Sobrang higpit na yakap.
"Tsk. Baby ko ano ba yang sinasabi mo? Bakit mo ba sinasabi yan? Wag mo 'ko iiwan." Umiiyak na din pala siya. Mas lalo naman ako napaiyak sa ginawa niya.
'Sorry sorry baby. Sorry." Paulit-ulit niyang sinasabi sakin habang ako tuloy lang sa pag-iyak.
Hindi ko na napigilan yung sarili ko na yakapin din siya at pinilit kong magsalita kahit umiiyak.
"Sorry Dy, sorry hindi ko sinasadya." Hindi ko talaga sinasadya yung sinabi ko. Siguro nadala lang ako, never ko iisipin na maghihiwalay kami. Hindi ko kaya.
"Sshhh. Sorry baby. I'm very sorry. Stop crying." Sabi niya habang mahigpit pa din akong yakap at hinimas yung buhok ko para patigilin ako sa pag iyak.
Pero mas lalo akong napapaiyak sa ginagawa niya, na realize ko na nasaktan ko din pala siya. Masyado akong nagpadala sa galit ko kaya hindi ko siya pinakinggan.
"Dy.." Sabi ko habang nagpipigil ng iyak.
"Sorry baby, hindi ko sinsadya na sigawan kita. Sorry, please stop crying. Wag mo ko iiwan ha." Hinawakan niya yung makabila kong pisngi at iniharap ako sa kanya. Kitang kita ko kung pano siya umiyak, umiiyak si Dylan dahil sakin.
"Hindi mo naman ako iiwan di ba?" Umiiyak niyang tanong sakin.
Hindi ko nagawang magsalita pero umiling ako. Hinalikan niya ko sa noo bago magsalita.
"I love you babywifey. Tama na 'tong away na 'to. Nagkakasakitan na tayo eh. Isa pa miss na miss na kita. Kiss mo na nga ako." Natawang sabi niya sakin pero umiiyak pa din siya.
Pinapagaan niya yung mood namin kaya nangiti na lang din ako habang umiiyak. Oo alam ko para kaming baliw na dalawa, umiiyak habang nakangiti. Pero ayos lang sakin, importante mag kaayos kami. Ang hirap ng hindi kami okay ni Dylan.
"I love you too babyhubby. Ikaw na kumiss." Natawa na din ako.
Pinusanan niya yung luha niya at pati na din yung sakin. Tapos ngumiti na siya sakin.
"Ilan?" Tanong niya naman sabay lagay ng kamay niya paikot sa waist ko.
"Isa lang. Sobra ka!" Pinalo ko siya ng mahina sa braso kaya naman natawa din siya.
"Ang daya mo. Madami kang utang sakin." Sabi niya sabay ngiting pang-asar. Oh jusko po. Ang gwapo ng asawa ko.
"Eee. Isa lang kasi." Sabi ko sabay pout at sinamantala naman niya yung para magnakaw ng kiss.
"Ikaw talaga! Ayan bayad na ko ah." Nakanguso ko na namang sabi.
"Sige nguso pa. Hahalikan ko na naman yan." Sabi niya sabay smirk. Waaaah. Tinakpan ko tuloy agad yung bibig ko.
"Sa ayaw at sa gusto mo maniningil ako ngayon." Sabi niya bago niya ako buhatin, bridal style!
"Uy Dy ano ba? Ibaba mo na ko." Sabi ko habang pinapalo ko yung braso niya.
"Wag malikot asawa ko." Sabi niya habang naglalakad papunta sa kama.
Anuba Dy! Kakabati lang natin pinapakilig mo agad ako e.
BINABASA MO ANG
Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)
Storie d'amorePublished under Summit Media Pop Fiction Dylan and Sophia's first encounter might not be on the right foot as it involved beers, cigarettes and regrets. Sophia, mending a broken heart, made the worst mistake she had ever done her entire life, gettin...