Author's Note:
Dedic for my watty bestfriend. :P
Perfect Mistake Chapter Seventeen
*Sophia's POV*
"Sissy! Kinakabahan ako, kasalanan ko 'to!" Kanina pa sinisisi ni Janna yung sarili niya kaya umalis bigla si Ate Zea.
Inawat ko naman siya sa pagpapanic niya. "Ano ka ba?! Kami ni Dylan ang may kasalanan nito kasi kami yung nagsinungaling. Maupo ka nga muna please, nahihilo na ako kakalakad mo."
Naupo naman si Janna sa upuan na katapat nung sakin pero hindi pa din naman siya mapakali dahil galaw pa din siya ng galawa. Nandito pa din kasi kami sa may terrace sa second floor. Malapit na din akong magpanic dahil hindi nagrereply si Dylan sa text ko, muntik ko na naman makagat yung mga kuko ko sa nerbyos ko.
"Sissy, tawagan mo na kaya? Natetense na ako talaga. Baka hindi na din kita mapigilan na makagat mo yang daliri mo!" Ninenerbyos na ding sabi ni Janna kaya tumango ako at kinuha kaagad yung phone ko. Hinanap ko sa contacts yung number ni Dylan at agad ko siyang tinawagan.
Sandali pa lang nagriring sinagot niya din kaagad. "Baby? Kakabasa ko lang ng text mo. Bakit? May problema ba sa bahay?"
"Dy umuwi ka na please. Alam na ni Ate yung tungkol sa pagpapanggap natin dati! Nagpapanic na ako Dylan!" Natataranta ko na talagang sabi sa kanya. Natatakot kasi ako na magalit si Ate Zea samin dahil sa nagawa naming pagsiinungaling sa kanya. Sobrang nakakaguilty talaga dahil ang ayos ayos ng trato niya sakin.
"Teka teka baby, wag kang magpanic! Uuwi na ako! Sandali lang, pag uusapan natin yan sa bahay." Sabi niya wag daw ako magpapanic eh sa naririnig ko mukhang nagpapanic din siya.
"Sige, ingat ka ha? Basta bilisan mo umuwi kasi natataranta na ako talaga." Bilin ko pa sa kanya ulit.
"Opo eto na, pasakay na sa kotse. I love you baby!" Napangiti naman ako kahit papano sa huling sinabi niya. Kahit nagmamadali siya hindi niya pa din yun nakakalimutan.
"I love you too Dy."
Napalo naman ako ni Janna na nasa tabi ko. "Ay bakla! H'wag niyo na akong pakiligin natataranta na nga ako dito oh!"
*
"Baby! Ano na? Ano nang nangyari?" Tanong kaagad ni Dylan nung sinalubong namin siya ni Janna sa sala. Kasama niya pa nga si Enzo.
"Dy kasi narinig niya na nag uusap kami ni Janna tungkol sa fake relationship. Sorry talaga, hindi ko alam na maririnig niya pala. Napakacareless ko." Guilty na guilty kong page explain kay Dylan.
"Sorry talaga Dylan! Kasalanan ko din eh." Dagdag ni Janna sa sinabi ko. Nakita ko naman na kinunutan lang siya ng noo ni Enzo.
"Ano bang sabi ni Ate? Nagalit ba?" Worried na tanong ni Dylan samin.
Umiling kami parehas ni Janna bago ako sumagot. "Parang hindi naman. Kaso nag aalala ako kasi bigla siyang umalis pagkatapos nun. Kaya hindi ko talaga alam kung galit siya."
"I'll call Brix, baka magkasama sila." Biglang sabi ni Enzo.
Tumango lang kaming tatlo at tinawagan na nga ni Enzo si Brix, niloud speaker niya aga nung sinagot ni Brix yung tawag niya.
"Dude, kasama mo ba si Ate?" Tanong kaagad ni Dylan kahit hindi pa nakakasagot si Brix.
"Oo. Wait hang on, lalayo ako ng konti." Sabi ni Brix mula sa kabilang linya. Siguro ayaw niya ipaalam kay Ate Zea na kami yung kausap niya. "Oh bakit?" Salita niya ulit.
BINABASA MO ANG
Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)
RomancePublished under Summit Media Pop Fiction Dylan and Sophia's first encounter might not be on the right foot as it involved beers, cigarettes and regrets. Sophia, mending a broken heart, made the worst mistake she had ever done her entire life, gettin...