Hi guys! Sorry it took me long to make an update busy kasi with school. Anyway after a year, haha, napost na din ang Special Chapter #4! May SC#5 pa pero di naman aabot 1 year. Haha baka by December ulit and I will also start updating my other stories. So thanks sa walang sawang naghintay at nagtyaga sa pagbabasa! =)
Perfect Mistake
Special Chapter #4
**HONEY**
Pagkagising ko nasa kwarto na ako. Nagtaka tuloy ako kung ano nga bang nangyari sakin bakit nawalan ako ng malay. Hindi naman ako masyadong pagod dahil hindi naman kami nagtagal ni Cyril sa party, sumakit lang talaga ang ulo ko. Siguro kulang lang ako sa tulog.
Babangon na sana ako para hanapin sina Lola at Cyril, kaso napahinto ako noong marinig ko silang nag-uusap, hindi naman kasi nakalapat ng sara 'yung pinto.
"Aba, apo, sagutin mo nga ako ng maayos. Buntis ba si honeybunny at kaya nawalan ng malay?" Mataray na tanong ni Lola kay Cyril. Ngayon ko lang siya narinig na magtaray kay Cyril.
"Hindi po." Sagot lang ni Cyril.
Naisip kong wag nalang muna lumabas at makinig pa sa kung anong pag-uusapan nila. Hindi naman sa mag uusisa ako, pero ganon na nga.
"Paano mo naman nasisiguro aber?" Mala-pulis na tanong ni Lola.
"Kung ano mang iniisip mo Lola, hindi pa namin yun ginagawa."
"Weh?"
Napahagikhik naman ako sa sagot ni Lola. Bagets talaga siya at cool.
"Syempre labs ko yung babae na 'yon kahit baliw yon kaya hintayin ko munang makasal kami." Narinig kong sagot ni Cyril kaya nanlaki ang mata ko.
Teka totoo ba yung narinig ko? Hinihintay niyang makasal kaming dalawa? Ibig sabihin papakasalan niya din ako? May plano din siya? Totoo ba ito?
"Mabuti kung ganon. Kailan mo naman siya balak pakasalan?" Very good ka talaga Lola!
Napigil ko ang hininga ko sa kahihintay sa sagot ni Cyril. Ang tagal tagal naman kasi, pasuspense pa siya samantalang inip na inip na ako. Naeexcite na akong malaman kung kailan!
"Aba bakit hindi ka sumasagot, apo? Ano? Kailan mo balak? Tumatanda na ako, gusto ko man lang makapaglakad pa sa altar sa kasal mo."
Halata ko sa boses ni Cyril na nakukulitan na siya ng sagutin niya si Lola. "Basta La, wag ka ngang excited. Handa naman ako lagi,"
H-handa sya lagi? Anong ibig sabihin ni Cyril?
Saglit na tumahimik silang dalawa sa labas ng biglang napatili ng mahina si Lola, sapat lang para marinig ko. Kaya kahit ayokong mahuli nila ako ay sumilip na ako sa siwang ng pinto.
"Ang ganda naman niyan apo! Aba ibigay mo na mamaya mawala pa! Ikaw naman kasi hindi mo naman sinabing nakabili ka na pala ng singsing!"
"Shhhh!" Saway ni Cyril.
Pero huli na, nakita na ako bigla ni Lola.
"Honeybunny!?"
Nakangiwi nalang akong lumabas ng pinto at alangan na tumingin kay Cyril. Nakita kong nasapo niya nalang ang noo niya at napakamot ng ulo, "Si Lola naman kasi."
"Aba, nanisi pa 'to. Malay ko bang gising na siya." Ismid ni Lola kay Cyril pero nung tumingin ako sa kanya bigla siyang kumindat at ngumiti na muntik nang umabot sa batok niya.

BINABASA MO ANG
Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)
RomancePublished under Summit Media Pop Fiction Dylan and Sophia's first encounter might not be on the right foot as it involved beers, cigarettes and regrets. Sophia, mending a broken heart, made the worst mistake she had ever done her entire life, gettin...