AUTHOR'S FINAL NOTE, FAQS & FUN FACTS:
Final Note:
Hi guys! Almost two years in the running din ang story na PERFECT MISTAKE and now that it ended isa lang ang masasabi ko. THANK YOU.
Hindi ko expected na ganito ang magiging feedbacks sa final chapter ko. Sa totoo lang kinabahan akong isulat siya kasi first ending ko 'to na medyo madami dami ang nag-aabang so medyo pressured ako. Hopefully nabigyan ko naman siya ng maayos na ending.
Pero kayo, 'yung votes niyong biglang bumuhos. Yung touching at mahahabang comments niyo. Sana nabasa niyo 'yung replies ko sa mga comments na 'yun! Haha! Yun lang kasi ang way ko to say thank you para sa page effort niyong basahin hanggang dulo, sa pag aabalang magpost ng messages sa Message Board ko at sa inbox. Ramdam ko talaga ang support. Nakakatuwa 'yung mga nagsasabing nainspire sila sa story na 'to, haha, I never imagined that I have the power to do so, nakakaflatter lang.
Lalo na nung nag 2 Million reads na ang PM! Grabe, you guys are amazing! xo
There are different kinds of readers: active readers, mahilig magvote na readers, readers na mahilig magcomment, demanding readers, silent readers, kahit anong klaseng reader ka pa. Thank you!
Sophia and Dylan
Cyril and Honey
Janna and Nate
Heart and Enzo
Brix and Zea
Including the rest of the characters,
Also says thank you from the bottom of their fictional hearts. Hahaha!
Drowning in tears,
CrestfallenMoon
Frequently Asked Questions (Issues):
Q: May epilogue pa po ba ang Perfect Mistake?
A: Wala na. Final Chapter na 'yung last talaga. Binuhos ko na lahat ng gusto kong mangyari at sabihin sa Final Chapter that's why I didn't make an epilogue.
Q: May special chapters po ba?
A: Not sure yet but there might be possibilities na gumawa ako. POSSIBILITIES pa lang, meaning wala pang specific day kung kailan at kung magkakaroon nga, hindi pa sigurado. Kaya po sana wala pong mampressure tungkol sa Special Chapter.
Q: May Book 2 po ba? Sequel?
A: As for now, wala talaga akong plano. I ended PERFECT MISTAKE the way I wanted it. Sinatisfy ko din naman ang sarili ko sa ending kaya may peace of mind naman ako. Hahaha. Alam ko na bitin siya. Kasi lahat naman ng libro bitin. Depende na lang 'yun kung anong klaseng pagkabitin. Hindi naman kasi pwedeng forever ko silang isulat. Atleast, you guys know na happy naman sila di ba?
I'm not saying NO naman sa BOOK 2, but really, as for now, wala akong plano. Gusto ko muna mag focus sa ibang stories. Sana maintindihan niyo po.
Q: Anak po ba talaga ni Dylan si Zion?
A: Dito madami pa ding hopeful na ang sagot ay hindi. Nasa story naman po 'yun e, kung paano naging big factor si Zion sa pag-aaway nila, pero isa din 'yun sa big factor para maging mas matibay ang relationship nila.
I know it's unfair for Sophia's part, but in life not everything is fair. In reality naman nangyayari ang mga bagay na 'yun. And it's a way din para ipakita kung gaano kamahal ni Sophia si Dylan na kahit parts of his past ay ready niyang tanggapin. Let's face it guys, not every story is a fairytale.
Sana nagkaliwanagan na about this. Zion is Dylan's son.
Q: May story po ba sila Enzo at Heart? Ano pong title?
A: Yes meron. Actually matagal ko na 'yung napost. Dinelete ko lang kasi may konting babaguhin at aayusin sa plot and phasing. Kung gusto niyo siyang mabasa, pakiclick na lang 'yung external link sa gilid or bisitahin sa My Works. I already posted the prologue. THEY WON'T STAY po ang title. :)
Q: Magkakaroon po ba ng sidestory and ibang characters?
A: Wala. Only Enzo and Heart.
You can still ask questions if you like. Post niyo na lang sa Message Board ko para maiupdate ko dito at mabasa niyo.
Fun Facts:
1.
Medyo nagkapalit palit sila ng personalities. Originally, dapat masungit type of guy si Dylan. Si Nate dapat tahimik siya. Si Brix dapat childish at makulit. Si Enzo naman dapat ang babaero at si Cyril ang loverboy. Hindi ko din alam kung paanong along the way ay nag rumble ang personalities nila pero naging happy naman ako sa naging outcome.
2.
Hindi dapat kasama si Heart sa cast. (Pinilit lang talaga ako ng Wattpad bestfriend kong si SheCapturedHearts na isali siya sa cast. Hahaha. Joke). Dapat love triangle din ang Nate-Janna-Enzo kaso parang masyado nang talo-talo dahil may Cyril-Sophia-Dylan triangle na.
3.
Sa unrevised version ng Pefect Mistake, dating niligawan ni Nate si Zea. Kaso ayoko na nga ng talo-talo silang magbabarkada so nung nagrevise ako, inalis ko na 'yung part na 'yun.
4.
Nakailang beses ng narevise ang Perfect Mistake. Halos tatlo yata. Nung mga una kasi hirap pa akong mag build up ng characters dahil first story ko. Nagrevise lang ako hanggang sa nakuntento ako sa edited versions. (Pero hanggang ngayon ang dami pa ding plotholes. Hahahahaha)
5.
Biglaan lang ang pagpopost ko ng story na ito. Hindi gaanong pinag-isipan. Natripan lang dahil sa nabitin ako sa lovestory sa City Hinter kaya gumawa ako ng sarili ko. Hanggang sa scene lang na magkakagustuhan sila Dylan at Sophia ang plano ko. The rest, late ko na din naisip. Kaya din siguro matagal akong mag update.
For more questions, suggestion or messages feel free to post on my Message Board. Thank you. :)
BINABASA MO ANG
Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)
RomancePublished under Summit Media Pop Fiction Dylan and Sophia's first encounter might not be on the right foot as it involved beers, cigarettes and regrets. Sophia, mending a broken heart, made the worst mistake she had ever done her entire life, gettin...