Perfect Mistake Chapter Twenty
*Sophia's POV*
"Dylan?! Anong nangyari dyan?!" Gulat na gulat kong tanong nung nakita ko si Dylan na halos lupaypay na at bitbit nina Enzo at Nate.
"Don't worry Sophia, he's just sleeping." Sagot ni Enzo sakin. Umusod ako ng konti para makapasok sila sa gate.
"Tulog?! Bakit tulog? Anong ginawa niyo? Binugbog niyo ba?!" Nag aalala kong tanong sa kanila dahil halos sumasayad na yung paa ni Dylan habang bitbit siya nila Enzo. Kasunod naman nila si Kuya Brix. Kuya Brix na ang tawag ko sa kanya since fiancé na siya ni Ate Zea.
"Senglot Soph." Sagot ni Nate habang papasok sila sa front door. Nakasunod naman kami nila Janna sa kanila.
"Lasing?!" Histerya naman ni Krista sa likod ko.
Nasita tuloy siya ni Janna. "OA lang friend? Ikaw yung girlfriend?!"
"Ay sorry." Bulong naman ni Krista.
"Potek Dy! Ang bigat mo, ilalaglag na lang kita eh. Soph nasan ba yung kwarto niyo? Iaakyat lang namin 'to!" Reklamo na ni Nate. Obvious naman na nabibigatan na sila kay Dy kaya umakyat na ako sa hagdan.
"Sa Master's kami eh. Halikayo." Aya ko dun sa tatlong nag aalalay kay Dylan. Nagmadali akong buksan yung pinto ng kwarto para maipasok na nila si Dylan.
"Ah grabe! Ang sakit ng likod ko!" Reklamo na naman ni Nate nung naibaba na nila si Dylan ng padapa sa kama. Napailing naman tuloy ako.
Lumapit ako sa kama at inayos ko ng higa si Dylan. Nakapa ko din yung damit niya na basa na sa pawis kaya pumunta muna ako para kumuha ng basang towel at pinunasan ko si Dylan. Nakamaong pants pa pala siya, hindi siya pwedeng matulog ng ganito.
*gulp*
"A-ah uy, pwede bang pahingi ng favor?" Baling ko dun sa tatlo nung natapos ko ng punasan ng basang towel yung mukha ni Dylan.
"Yep?" Tanong ni Kuya Brix.
"Pwede niyo bang pakipalitan ng pantulog si Dy? Kasi alangan naman na matulog siya ng nakapants. Ayoko naman na... ano kasi..." Napayuko na lang ako dahil hindi ko magawang masabi. Pakiramdam ko kulay kamatis na nga ako ngayon sa hiya. Bigla naman kasi nagflashback sakin yung umagang nakita ko siya na walang suot, as in wala lahat! Kahit naman naging magboyrfriend na kami ngayon never pang naulit yung mga nangyari noon.
Tumawa ng mahina si Nate. "Bakit hindi na lang ikaw Soph? Asawa mo naman si Dylan eh." Tonong nang-aasar pa siya. Nahihiya na nga ako, nang asar pa.
"A-ah! Ano kasi, hindi ko kaya! Sige na, tatlo naman kayo eh! Pakipalitan na lang siya ng damit oh." Sabay talikod ko sa kanila para kumuha ng pair ng pajamas sa cabinet at hinagis ko sa kanila. "Ayan, sige na please pakipalit na lang."
"Dapat masanay ka na. Sooner or later, magiging mag-asawa din kayo. Ikaw na din ang magpapalit ng damit niya sa tuwing malalasing siya." Natatawa ding sabi ni Kuya Brix kaya pakiramdam ko mas lalo akong namula.
Napanguso ako. "Psh. Pag naglasing pa siya ulit sa banyo ko siya papatulugin." Bulong ko sa sarili ko pagkatapos tinignan ko silang tatlo. "Bababa muna ako, gusto niyo ba ng coffee?"
Tumango silang tatlo ng sabay sabay.
"Black coffee." Sabi ni Enzo.
"May creamer sakin Soph ah." Request naman ni Kuya Brix.
"May gatas kayo dyan? Kahit powdered? Yun sakin." Sabi naman ni Nate.
"Pfffft! Seryoso?!" Natawa ako sa kanya. Ano ba siya toddler? Yung mga kaibigan niya puro kape tapos siya gatas? Hahahahaha!
BINABASA MO ANG
Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)
RomancePublished under Summit Media Pop Fiction Dylan and Sophia's first encounter might not be on the right foot as it involved beers, cigarettes and regrets. Sophia, mending a broken heart, made the worst mistake she had ever done her entire life, gettin...