Dedicated to you. Natawa naman kasi ako sa tanong mo na "Bakit wala na pong titles ang updates mo ngayon? Tinatamad ka no? Wahahaha."Part na yun, LOL! Bukod sa nakakaloka mag-isip ng havey na title ay minsan nagiging spoiler na din siya so tinantanan ko na. Pwahaha.
Perfect Mistake Chapter 38
[Sophia]
Pagbukas ko... uwaaaah!
Ang ganda ganda nitong bahay. Grabe ang laki at ang lawak ng space. Kulang na lang siguro tumulo ang laway ko sa ganda ng bahay na 'to. Kumpleto na sa furnitures, kulang na lang yung titira.
"Nagustuhan mo ba?" Tanong ni Dylan sabay akbay sakin.
Nilingon ko siya at tumango ng tuloy-tuloy. Napatawa naman tuloy siya, ayan lumabas na naman ang precious dimples ng asawa ko.
"So peace na tayo baby ko?" Tanong niya naman sakin. Nagkunwari akong sumeryoso at umiling.
Bumagsak naman bigla yung ngiti niya. "Bakit naman? Hindi naman na talaga ako nagrarace eh. Yung pusta ko lang dito last time pinanglast payment ko sa bahay."
"Oh bakit ganyan mukha mo?" Tanong niya nung hindi ako sumagot.
"Bakit hindi mo kasi sinabi?" Nakanguso kong tanong sa kanya. Nasungit-sungitan ko pa siya nun tapos eto pala yung dahilan niya. Pero kahit na, ayoko lang talaga na magrarace pa siya ulit.
"Syempre surprise nga po di ba? Wag ka na sumimangot dyan. Sige na smile na babywifey ko. Smile na yan, paghindi ka ngumiti wala kang kiss." Sabi niya sabay pilit na inuunat yung kumunot kong noo gamit yung daliri niya. Natawa naman ako bigla lalo sa huling sinabi niya, siya nga mas mahilig mangkiss dyan e. Hahaha.
"Uy tumawa pa, gusto yata ng madaming kiss ah." Biro pa niya kaya napalo ko siya ng mahina sa braso.
"Loko ka, ikaw naman kasi bumili ka kaagad ng bahay. Okay naman tayo dun sa inyo eh." Natatawa kong sagot sa kanya.
"Eh syempre gusto ko yung masosolo kita." Sabi niya sabay taas taas pa ng kilay pagkatapos ay hinigit yung kamay ko. "Halika. I'll show you the rest of the house."
At ganun nga ang ginawa namin, pinakita niya sakin lahat simula sa kitchen, dining at kung saan-saan pa. Sabi niya mamaya na daw kami pumnta sa pool side pag medyo malilim na.
Simple lang yung design nung bahay, walang masyadong arte pero para sakin ang ganda ganda. Nung natapos na naman libutin yung baba, umakyat naman kami.
"Bakit parang ang dami yatang kwarto?" Puna ko, mga nasa lima yata kasi yung pinto na nakita ko.
"May tatlong rooms bukod sa Master's bedroom. Pwedeng kwarto pag may bumisita dito satin, o kaya playroom ng baby. Yung isa naman pwedeng thaeater room." Page explain niya.
"Wow! May theater room pa!" Excited kong sagot sa kanya. Ngiti lang naman ang sinagot niya sakin.
Hinawakan niya ulit yung kamay ko tapos dinala ako sa pinakdulong room.
"Buksan mo na." Sabi niya pagkahinto naman sa tapat. Siguro ito na yung kwarto namin.
Inikot ko na yung knob at dahan-dahan binuksan yung pinto.
Hindi ko mapigilan na mapangiti nung nakita ko yung loob ng kwarto. Para sakin nga talaga 'to, ang ganda. Mas malaki siya ng konti sa room namin dati, may walk-in closet pa nga eh. Pero hindi yun yung pinakanapansin ko. Kundi yung malaking frame sa dingding ng kwarto, picture naming dalawa ni Dylan.
BINABASA MO ANG
Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)
RomancePublished under Summit Media Pop Fiction Dylan and Sophia's first encounter might not be on the right foot as it involved beers, cigarettes and regrets. Sophia, mending a broken heart, made the worst mistake she had ever done her entire life, gettin...