Perfect Mistake Chapter 56
*Sophia's POV*
Pagkadilat ng mata ko muntik na kong mahulog sa kama ko nung nakitang may nakatingin na pala sakin.
"Goodmorning baby." Nakangiting bati ni Dylan sabay halik sa lips ko. Hala ka, e hindi pa ako nakakamumog. Nakakahiya naman.
Pero napangiti na lang din ako nung magising ako na katabi ko na siya ulit. "Goodmorning Dy." Niyakap ko siya ng mahigpit.
Pagkatapos kasi naming mabasa ng ulan kagabi, patakas kaming pumasok dito sa loob ng kwarto ko dahil sabi nga niya gusto daw niyang dito matulog. Ikinuha ko na lang siya ng mga tuyong damit ni Shane sa sampayan namin. Mabuti na lang may malalaking damit si Shane na kasya kay Dylan.
"Di ka ba nalaglag kagabi? Ang likot likot na pala kasi ni Aian matulog." Tanong niya sakin habang nakayakap pa din. Dinantay niya pa yung isang binti niya sakin, namiss ko 'tong ganito.
"Di naman, muntik lang. Ang likot likot niyo kasing pareho. May pinagmanahan yang anak mo." Sagot ko sa kanya tapos humiwalay na ako ng yakap sa kanya para kurutin yung ilong niya.
"Syempre mana siya sa daddy niya, pogi!" Pagyayabang na naman niya kaya nagmake face lang ako tapos pinalo ko siya sa dibdib niya.
"Oo sobrang pogi mo nga eh, dun pa natulog yung ex mo sa bahay natin!" Inemphasize ko pa yung salitang natin para malaman niyang kailangan niya pa din ipaliwanag sakin lahat lahat. Kulang pa yung mga sinabi niya kagabi, madami pa kong gusting malaman.
"Baby ko naman mang aaway na naman. Kasi naman po, pinababantayan ko ng si Zion kaya doon sila natulog sa guest room. Natawagan ka pala aksidente nung bata dahil nasa speed dial kita, tapos hinahanap ko yung phone ko kaya dinaanan ko sila sa guest room. Papunta na talaga ako nun dito para sunduin kayo ni Aian e." Mahabang paliwanag niya. Sincere na sincere namana ng tono niya kaya naniniwala ako sa sinasabi niya. Alam ko kung kelan nagsisinungaling 'to sakin si Dylan.
"Oo na. Pero hindi ako uuwi dun ng dun nakatira yun. Ayoko magmukhang pang telenovela ang buhay nating tatlo sa bahay." Sagot ko sa kanya. Sino ba naman syempreng fiancé ang papaya na makitira ang ex sa bahay nila lalo pa may anak din sila. Magkakadigmaan talaga kami pag ganun.
"Oo naman baby. Aalis din yun pag uwi natin. Ikaw naman, syempre bahay mo yun eh. Bahay natin yun, si Zion lang naman ang ipinagpaalam ko sa'yo di ba?" Tanong niya tapos bigla bigla niyakap na naman niya ako at naramdaman ko na lang na dumampi yung labi niya sa buhok ko.
Tumango na lang ako habang nakasubsob sa dibdib niya. Wala na akong magagawa sa realidad na may anak siya bago pa maging kami, dapat tanggapin ko na lang. Wala naman akong nakikitang masama doon e, anak naman na niya yun bago pa kami magkakilala. Ang masama kung kasabayan lang ni Aian yung si Zion pero hindi naman. Siguro nga unfair yun para sa part ko pero ganun naman talaga siguro. Life was never fair.
Mas pipiliin ko ng tanggapin na si Zion kesa pakawalan si Dylan. Hindi ko kaya yun, at ayokong mawalan din ng Daddy ang anak ko.
"I love you." Bulong ni Dylan at mas lalo ko pang siniksik yung sarili ko sa dibdib niya. Tatanggapin ko lahat sa kanya kasi mahal ko siya.
Ilang saglit pa kaming ganun nung napatayo ako bigla. Pinalo ko si Dylan sa braso. "Dy si Mama!"
Napatayo din siya kaagad. "Oo nga! Pano yun? Baka magalit yun pag nalaman na dito ako natulog!"
BINABASA MO ANG
Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)
RomancePublished under Summit Media Pop Fiction Dylan and Sophia's first encounter might not be on the right foot as it involved beers, cigarettes and regrets. Sophia, mending a broken heart, made the worst mistake she had ever done her entire life, gettin...