Perfect Mistake
Special Chapter #2: 2 years after
**ZEA**
"Uy sorry girls ha? Kailangan ko lang talaga mag-vent. Sasabog na 'yung ugat ko sa ulo dahil kay Brix." Depressed kong sabi kina Sophia, Heart at Honey. Inaya ko kasi silang tatlo na mag-lunch. Mabuti na lang kahit may mga pinagkakaabalahan sila napagbigyan pa din nila ako.
Ngumiti naman si Sophia at kinumpas 'yung kamay niya. "Ano ka ba Ate? Okay lang 'yun, buti nga tinawagan mo kami. Kailangan ko din magbreathe out ng konting stress."
"At isa pa, minsan na lang natin 'to nagagawa. Nakakamiss nga." Dagdag naman ni Heart habang si Honey ngingiti-ngiti lang.
Dumating na din naman ang orders namin after pero hindi kami natigil sa pagkwekwento, lalo na ako.
"Grabe siya! Hindi ko alam pero inis na inis ako sa kanya lately, ayoko siyang nakikita. Tapos naiinis ako sa mga ginagawa niya." Panimula ko sa kanila. "Naiinis ako sa kanya tuwing inaagaw niya 'yung kumot ko pag natutulog kami, hindi ko naman kasi alam na ganun siya!" Hindi sila kaagad sumagot kaya nagpatuloy ako. "And another thing, ang bagal niya talagang maligo! Hindi ko alam kung natutulog pa ba siya sa loob o kung anong kalokohan ang ginagawa niya doon. I don't know kung nag-oorasyon pa ba siya pero ang tagal talaga swear. Matagal pa siya sakin maligo."
Humagikhik naman si Honey.
"Baka naman nag-yoyoga pa siya sa loob." Mapang-asar na dagdag ni Sophia.
Nakisali naman si Heart. "Pwede ding tinatanggalan niya muna ng isang layer 'yung balat niya kaya ganoon na lang katagal."
"Mga sira." Natatawang sagot ko sa kanila. "Madalas na siyang asarin ng boys noon dahil pagong nga daw sa pag-ligo, I never took it seriously, hindi ko alam totoo pala. Sa umaga madalas kaming nag-aaway dahil sa kabagalan niya sa pagligo."
"Sabi nga ni Enzo." Natatawang sagot ni Heart sakin. "Baka naman part lang 'yan ng pag-aadjust niyo as a married couple?"
"Hindi naman siguro 'to Postnuptial Depression, right?" Worried kong tanong sa kanila. I don't want to hurt Brix's feelings pag nalaman niyang nadepress ako pagkatapos kong magpakasal sa kanya. Kahit naman naiinis ako sa kanya, mahal ko ang kumag na 'yun.
"Hindi naman siguro, baka stressed ka lang po."
Bigla akong napalingon kay Honey. Nakakagulat na mag sabi siya ng ganun. Totoo nga yata na nagmamature na din siya kahit papano. Late bloomer lang ang peg. "I hope so. Natatambakan na nga din ako ng work e, hindi na din magkasya sa room dahil puno din 'yun ng gym equipments ni Brix." Malungkot kong sabi sa kanila at itinuloy ko na lang sa pagkain ang depression ko.
"Ako din stressed na from everything. Ang hirap pala pag lumalaki na 'yung mga bata, lalo na mag-aaral na si Zion next year." Pagkwekwento ni Sophia.
I know she has the every right to feel stressed. She is now the Manager of one of Enchante's branch at resident designer pa siya doon. Unti-unti na din siyang nakilala sa industry kaya naman dumadami na ang clients niya. Isa pa, having 3 kids is not easy. Parehas pa silang nagwowork ni Dylan.
"You can focus on being a designer muna if you want, okay lang naman sakin." Suggestion ko sa kanya. Baka kasi nahihiya lang siya magsabi sakin dahil ako ang nag-offer sa kanya ng position na 'yun after niya grumaduate.
Umiling si Sophia. "Kaya ko pa naman. Masaya maging Mommy ofcourse, pero masaya din ako sa profession ko. Feeling ko superwoman ako dahil napagsasabay ko." Natatawang sabi niya samin.
BINABASA MO ANG
Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)
RomancePublished under Summit Media Pop Fiction Dylan and Sophia's first encounter might not be on the right foot as it involved beers, cigarettes and regrets. Sophia, mending a broken heart, made the worst mistake she had ever done her entire life, gettin...