Dedicated to my anak anakan Hannah. Pasalubong namin from Baguio ah. Hahaha. De joke lang. :*
Sorry, don't expect too much on this update guys. I'll tell you, sabaw siya. Tindi ng headache ko eh, yan lang kinaya ko so sorry again. :/
Perfect Mistake Chapter 40
[Brix]
"Fine, suit yourself. Sana minsan Zea maging sensitive ka naman." Seryoso kong sabi tapos dumeretso na ako ng tingin.
Hinihintay ko sanang mag-sorry man lang o siya humingi ng amuin ako per wala, bumaba lang siya at malakas na isinara yung pinto ng kotse ko.
TUNGNU! Kung hindi ko lang mahal yung manhid na yun sisingilin ako siya pagnasira yung pinto ng kotse ko eh!
Nakikiramdam lang ako, baka sakaling magbago ang isip niya at bumalik siya dito. Kahit kilala ko pa si Zea na mapride at manhid nagbakasakali pa din ako.
Pero pinairal na naman niya yung taas ng pride niya at sumakay ng taxi. Napapailing na lang akong pinaandar yung sasakyan ko at nagdrive papunta sa Black Griffin Bar. Kailangan ko lang mag-isip isip. Mabilis akong nakarating sa bar, umupo sa isang stool at umorder ng beer.
"Brass Monkey." Sabi ko dun sa waiter at agad niya naman ginawa yung order ko.
Napailing akong natatawa sa inorder ko. Monkey. Lagi niyang tawag sakin yun pag nabwibwiset siya eh, at madalas yun. Abnormal talaga yung babae na yun, bakit ba kasi ako nagmahal ng abnormal na manhid na babae?
Paano ko nasabing manhid siya? Matagal na kong may gusto sa kanya, siguro high school pa lang kami at una akong tinamaan ng pagbibinata ko. Bukod kasi na siya yung pinakaclose kong babae nun, natatawa ko sa ugali niya. Hindi normal eh, lahat kaming lima pinapatulan niya. Pero I must admit maganda talaga si Zea, ang kaso lang brutal at nakakatakot siya. Kaya siguro ilag din yung mga lalaki na manligaw sa kanya, at isa na ko dun. Kaya nga dinadaan ko na lang siya sa biro at pang-aasar noon pa eh, kasi natatakot ako baka sapakin niya ko pag sinabi kong liligawan ko siya.
"Brass Monkey sir." Sabi nung bartender sabay lagay nung drink sa harapan ko. Gusto ko nga siyang sapakin eh. Pakiramdam ko kasi inaasar niya ko sa monkey. Pikunin talaga ko sa totoo pero nasanay na ko sa ganyan lalo kila Nate.
"Pssst! Bigyan mo nga ko ng kahit anong nakakalasing dyan! Yung matindi ah! Sing tindi ng appeal ko!" Sigaw nung lalaking biglang umupo sa stool na katabi ng inuupuan ko. Sa kayabangan at boses pa lang kilala ko na kung sino yun.
"Hoy sira ulo, nagkalat ka pa ng kahanginan mo dito." Bati ko sa kanya. Hindi uso samin yung maayos na batian. Lalo na sa taong 'to.
"Pakyu! Totoo naman ah. Bakit ka andito?" Tanong sakin ni Cyril.
"Magshoshopping siguro tol. Tange ka din e no?" Natatawang sagot ko sa kanya. Tatanong pa eh
"Lul!" Nakasimagot na sagot niya sakin.
"Oh bakit lukot mukha mo?" Usisa ko sa kanya. Himala eh, hindi gumanti ng kagaguhan.
"Kasi hindi ko naplantsa eh!" Seryosong sagot niya sakin. Natawa naman ako, akala ko hindi gaganti eh.
"Bakit umiinom ka mag-isa dito? Ano ka Emo?" Tanong niya sakin sabay inom nung kung ano mang matinding alak daw na yun.
"Oo, peram nga ko blade. Laslasin ko leeg mo." Kunwari seryoso kong sagot sa kanya.
"Sabi ko na nga ba't insecure ka sa pagmumukhang 'to kaya tatapusin mo na ko eh." Mayabang niyang sabi sakin.
"Hindi naman 'tol. Babawasan ko lang populasyon ng panget sa mundo." Natatawa ko ng sagot sa kanya. Nakakawala talaga ng problema makipagbasagan sa sirang ulong 'to.
BINABASA MO ANG
Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)
RomancePublished under Summit Media Pop Fiction Dylan and Sophia's first encounter might not be on the right foot as it involved beers, cigarettes and regrets. Sophia, mending a broken heart, made the worst mistake she had ever done her entire life, gettin...