Perfect Mistake Chapter 47
*Dylan's POV*
"Sira ulo, isa pa kokotongan na kita." Sabi ko kay Nate at akma ko siyang babatuhin ng chips.
"Hep hep! Wag kang magkakamaling ibato yang hawak mong makating lalaki ka. Hindi naman kayo maglilinis dito mamaya tapos magkakalat ka pa? Ano kayo senyorito?" Nakakunot na sabi ni Cyril. Nandito kasi kami ngayon sa kaming lima sa unit niya at nag-iinuman. Nag-aya kasi si Enzo bigla.
"Ahem, yung nag-aya dyan wala bang sasabihin? Umay na ko sa bibig nung tatlo. Ano na? Spill it." Pagpaparinig ni Brix kay Enzo. Aaya aya kasi tapos di naman magkwekwento, parang baluga lang eh.
"I'll get some more beer." Sabi ni Enzo sabay tayo at deretso sa kusina ni Cyril para kumuha ng beer. Halatang umiiwas siya sa mga tanong namin sa kanya.
Bigla namang tumayo si Cyril mula sa upuan niya. "Teka nga, gusto ata ng black-eye ng kumag na yun eh."
Pasunod na sana siya sa kusina nung pigilan siya ni Nate. "Yaan mo na 'tol, damayan na lang natin baka maglaslas eh." Sigurado kasing mananapak na naman yan si Cyril dahil ayaw magsabi ni Enzo.
"Hayaan mo na, alam mo namang dati pa hindi na vocal yan sa mga problema niya." Pag-sang ayon ni Brix sa sinabi ni Nate. Si Enzo kasi lagi lang yang nagtatago samin ng problema niya, ewan ko ba dyan dakilang emongoloid ata.
"Vocal vocal pa kayong nalalaman hugutin ko vocal chords niya makita niya. Wala ba man lang siyang tiwala sa mala henyo nating utak na matutulungan natin siya sa problema niya?" Sa maniwala man ang iba o sa hindi seryoso na si Cyril sa sinabi niyang yan.
"Kung sayo baka wala, samin baka meron pa." Sagot ko sa kanya sabay ngisi.
Babatuhin niya sana ako ng chips kaso nagsalita ako. "Bato mo, ikaw naman maglilinis mamaya."
"Tungnu mo! Humanda ka mamaya, yang damit mo ipanlalampaso ko mamaya sa sahig ko pag nalasing ka."Asar na asar na sagot ni Cyril.
"Hahahahahahaha! Peste ka." Tawang tawa kong sagot sa kanya. Gustong gusto ko talaga pag napipikon ko siya. Hindi nga ako magpapakalasing ngayon baka mamaya umuwi akong walang damit, isipin pa ng asawa ko nagahasa ako sa labas.
Bigla akong may naalala.
"Tol, may problema nga pala ako." Biglang sabi ko sa kanila. Napatingin naman sila sakin ng seryoso.
"What is it?" Tanong ni Enzo na kababalik lang galing sa kusina ni Cyril dala yung mga beer na kinuha niya.
"May nagpapadala kasi kay Sophia ng kung ano-anong notes at text message. Nabobother na yung asaawa ko. Yun nga ang dahilan kung bakit napaaga yung panganganak niya eh." Kwento ko sa kanila.
"Text message at note?" Takang tanong ni Cyril."Anong klaseng note? Love letter? May stalker si Soph? O baka makikipagtextmate? O baka naman 'tol mga naawrowrong send lang yun na nanghihingi ng load." Tanong ni Nate. Nabatukan tuloy siya ni Enzo na nasa tabi niya lang.
"Incase you're not aware we're all serious here." Sabi sa kanya ni Enzo.
"Serious naman ako ah!" Sagot ni Nate sa kanya, napailing tuloy ako.
"Nananakot, wala kaming idea kung sino o kung bakit." Sagot ko sa kanila.
"Ano bang nakalagay sa message?" Tanong ni Brix bago inumin yung beer niya."Your happiness can be the reason of your grief." Sagot ko sa kanila habang napapailing. Alam ko hindi ako dapat magpadala sa mga ganung klase ng pananakot pero kasi hindi ko maiwasan na mag-alala para sa asawa at anak ko.
BINABASA MO ANG
Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)
RomancePublished under Summit Media Pop Fiction Dylan and Sophia's first encounter might not be on the right foot as it involved beers, cigarettes and regrets. Sophia, mending a broken heart, made the worst mistake she had ever done her entire life, gettin...