Perfect Mistake Chapter 58
*Nate's POV*
"Sir Nathan, may bisita po kayo." Sabi nung mayordoma namin pagkatapos kong buksan yung pinto sa kwarto ko. Wala ako sa huwisyo lumabas kaya nagkukulong lang ako dito.
"Sino po?"
"Si Sir Enzo po." Sagot lang niya pagkatapos umalis na siya at bumaba.
Gumaan ng konti yung pakiramdam ko nung narinig ko kung sinong naghihintay sakin sa baba. Si Enzo ang bestfriend ko at sa tingin ko sa kanya ko dapat mag confide tungkol dito sa nararamdaman ko. Tutal naman, may tiwala ako sa kanya at ganun din siya sakin.
Inayos ko lang ng konti yung sarili ko dahil alam kong mukha na akong tanga kakamukmok at kulong dito sa kwarto ko. Kung papayag si Enzo baka pwedeng uminom naman kami sa labas para may kasama ako.
Bumaba na ako sa hagdan at naabutan ko siyang nakatayo sa may sala namin habang nakatalikod.
"Dude! Kamusta ka-"
Hindi pa man din ako nakakababa ng hagdan humarap na si Enzo at sinugod ako...
*boogsh!*
Napadausdos ako sa sahig. I was caught off guard. Hindi ko alam kung bakit bigla bigla na lang akong sinuntok ni Enzo.
"Dude ano bang problema mo?!" Malakas na tanong ko sa kanya habang hawak yung panga kong masakit dahil sa lakas ng suntok niya.
Napasabunot siya sa sarili niya sabay duro sakin. "You! You are my problem Nate! How could you do that to me?! To us?!"
Pinilit kong tumayo kahit na pakiramdam ko nabaliaan yata ako sa pagkakabagsak ko ng malakas. "Ano bang pinagsasabi mo? Hindi kita makuha!"
"Don't you ever deny what you've done! You're the only one who knows the whole truth and the only one we've entrusted with all what's happening between Heart and I! How did you dare telling her parent's first?!" Galit na galit niyang sabi sakin pero napailing ako. Anong pinagsasabi ng gungggong na 'to?
"Wala akong pinagsasabihan ng kahit na ano at wala akong balak sabihin kahit kanino!" Pagpapaliwanag ko sa kanya. Alam ko naman na ako lang ang pinagkatiwalaan nilang makaalam ng lahat ng plano nila. Plano din naman nilang sabihin sa iba yung mga nangyari pero hindi daw muna ngayon kaya hinayaan ko lang sila. Kaya nagtataka ako sa pinagsasabi ni Enzo, wala akong pinagsasabihan.
"You know we're trying to get there Nate! In fact we're almost there! We're so close to telling them about us pero anong ginawa mo? You wrecked it all Nate! Damn you! You don't know how huge the chaos you created. Why Nate?" Nakita kong punong puno ng galit at pagkadismaya sa mukha ni Enzo habang sinasabi niya sakin yan. Sa dami ng problemang nasa utak ko hindi ko mapagkabit kabit yung mga sinasabi niya. Ni hindi ko makuha sa utak ko kung ano bang ikinagagalit niya at kung ano yung sinasabi niyang ginawa ko dahil sa pagkakaalam ko nagpakabusy ako sa girlfriend kong gusto naman akong mawala sa buhay niya.
"Is this how you're biting us back for not telling you about it years ago? Is that it? Then screw you Nate, you should've bitten me literally coz I can take that better than what you did." Tinalikuran na niya ako at nagsimulang maglakad pero huminto din siya at nilingon ako habang malaungkot na nakangiti sakin. "I'm such a jackass for trusting you in the first place; I knew how you keep on messing things and waiting till others patches it up for you."
His words hurt. Totoo nga naman. Magaling lang akong gumuwa ng gulo na hindi ko naman kayang gawan ng solusyon. Parati na lang akong nakaasa sa iba na sila ang gagawa ng paraan para maayos yung gusot na ako naman ang gumawa. Gaya ngayon, hanggang kelan pa ako aasang may ibang aayos sa problema ni Janna dahil lang natatakot akong harapin siya. Natatakot ako sa sarili kong kagaguhan.
BINABASA MO ANG
Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)
RomancePublished under Summit Media Pop Fiction Dylan and Sophia's first encounter might not be on the right foot as it involved beers, cigarettes and regrets. Sophia, mending a broken heart, made the worst mistake she had ever done her entire life, gettin...