Chapter Nine

219K 2.5K 85
                                    

Cute Sophilan moment sa gif!~ 

Gumawa talaga ako ng loveteam name! hahahah! 

Perfect Mistake Chapter Nine

 

*Sophia's POV*

 

 

"Baby, pakiabot ng nung unan." Nakangiting pang-asar na sabi sakin ni Dylan habang nakaupo siya sa sofa sa may sala.

Tinignan ko lang siya ng masama. Alam ko naman kasi na nang iinis lang siya at alam niyang hindi ako makakareklamo dahil nandito si Ate Zea. Sa ilang araw na pinagstay ko dito naging close na din kami ni Dylan, pero not in a good way. Close as in lagi niya na akong inaasar. Ewan ko ba sa lalaki na 'to, malakas yata ang topak sa ulo. Pero atleast masasabi ko na may nabubuo na ding friendship samin kahit papano. Nasasanay na din ako sa abnormal niyang presence.

Pilit ko lang siyang nginitian kahit na sa utak ko gusto ko na siyang sapakin. May paat at kamay naman siya inutos pa sa'kin. Pasimple ko siyang hinampas ng unan na hawak ko. "Oh ayan baby. Baon mo mukha mo dyan." Sabi ko sa tonong nang-aasar.

"You guys... so sweet!" Kinikilig na sabi ni Ate Zea. Napangiwi ako sa sinasabi niya. Kung alam niya lang kung paano kami magtratuhan ni Dylan pag kaming dalawa na lang.

"Syempre sweet talaga kami. Halika nga dito baby." Sabi niya sabay extend ng braso niya sakin. Ako naman si nakisakay lumapit ako at umupo sa tabi niya.

"Okay fine. Nainggit na ko! Punta muna ako sa kitchen, magpapaluto na ako ng merienda." Nakangusong sabi ni Ate Zea sabay alis papunta sa kitchen.

Pagkaalis na pagkaalis niya sinuntok ko agad si Dylan sa braso.

"Aray naman! Nananakit ka na naman." Reklamo niya habang hinihimas yung braso niya na sinuntok ko.

"Kasi naman eh!" Sure ako na bakas na bakas na sa mukha ko yung pagkainis ko sa kanya nung tumayo ako.

Dadaan na sana ako sa harapan niya nung itaas niya yung dalawang paa niya sa center table at harangan ako.

"Padaan." Angil ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin. Dinampot ko yung unan na inabot ko sa kanya kanina at hinampas siya sa mukha.

"Aray naman! Battered dad na ako sayo ah!" Reklamo sabay agaw nung unan na pinanghampas ko sa kanya.

"Oy mister! Battered na din ang utak ko sa pambwibwisit mo, tabi nga!" Binabangga bangga ko ng tuhod ko yung binti niya na nakapatong pa din sa center table.

"Pffft! Mister?!" Tawa siya ng tawa na parang baliw.

"Problema mo?" Tanong ko sa kanya at finally ibinaba na din niya yung paa niya kaya nakadaan na ako.

"So kung ako ang mister mo? Ibig sabihin ba nun ikaw ang misis ko? Pfffft. Hahahahaha!"

Nanlaki na naman yung mata ko sa narinig ko at kulang na lang yata umusok yung ilong ko sa inis. Naniningkit na naman yung mata kong nilingon siya. "Ang kapal talaga ng mukha mo! Isang asar mo pa tadyak ka na talaga sakin!"

"Tss. Ingay naman ng misis ko! Hahahahahaha!" Sabi niya habang tumatawa pa din. Lalong kumulo ang dugo ko sa lalaking 'to. Ewan ko ba pero parang parati akong gigil na gigil sa kanya. Minsan kahit wala na siyang ginawa naaasar pa din ako.

"Isa pang tawag mo sakin niyan tatakpan ko mukha mo ng unan mamaya pagtulog hanggang sa hindi ka na makahinga." Sabay irap ko sa kanya.

"Mumultuin naman kita. Pffft. Mister daw." Narinig ko pang natatawa tawa pa din siya pero hindi ko na siya sinagot at alam ko naman na ako lang din ang mapipikon at matatalo. Tuwang tuwa pa siya habang ako naman asar na asar na.

Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon