Chapter Seven

232K 2.7K 183
                                    

Perfect Mistake Chapter Seven

 

*Sophia's POV*

 

Message: Si Dylan 'to, 5 PM after class mamaya yung schedule ng check up. See you later.

Sender: Dylan

Binasa ko ulit yung message ni Dylan kaninang umaga. Sinilip ko yung relo ko, 3: 47 na. Maya-maya siguro nandito na siya.

"Sissy, ang tagal naman ni Dylan! Di pa ba nila uwian? Anong oras ba yung check up?" Inip na reklamo ni Janna. Maaga kasi nagpadismiss yung professor namin kaya 2:30 pa lang nakaupo na kami dito sa may cafeteria para kumain.

"Hinaan mo naman yang boses mo! Bibig mo talaga ang sarap istapler, mamaya may makarinig sayo dyan eh." Sita ko sa kanya bago sumubo ng melon ice cream.

"Nakakatatlo ka na niyang ice cream na yan ah. Pag sumakit tyan mo bahala ka dyan." Pinanlakihan pa ko ng mata ni Janna.

Hindi ko na lang siya pinansin at tinuloy ko na lang yung ice cream ko. Naiinip na din kasi ako, at wala akong magawa kung hindi kumain.

Saktong kakaubos ko lang nung ice cream ko nung tumunog yung cellphone ko.

Message: Tapos na yung klase ko. Nasan ka?

Sender: Dylan

Nagtype din kaagad ako ng reply para makapunta na siya kaagad dito. Ayoko naman na malate kami sa schedule sa magiging Obstetrician ko.

Recipient: Dylan

Message: Nasa canteen lang ako kasama si Janna.

Hinintay lang namin siya ni Janna, malamang nakalabas na siya sa klase niya kaya nakapagtext na siya sakin. Maya maya pa kinakalabit na ko ni Janna.

"Sissy nandyan na yung prince charming mo." Tukso sakin ni Janna. Kanina pa yan asar ng asar sakin. Akala naman niya natutuwa ako, e wala naman akong gusto kay Dylan. Hanggang ngayon, kahit na niloko niya lang ako, si Andrei pa din yung gusto ko.

"Tumigil ka nga dyan, may makarinig pa sayo sabihan pa tayong nag aassume." Sita ko na naman sa kanya.

"Fine." Nakanguso niyang sabi.

"Tara na?" Aya niya samin pagkadating niya sa tapat ng inuupuan namin ni Janna.

"Sige." Tumayo na ko para makaalis na kami.

Pero itong si Janna hindi pa tumayo. "Sige Soph, mauna na kayo. May dadaanan pa ko eh."

"Ha? Eh di sumabay ka na samin." Pilit ko sa kanya. Akala ko kasi sasama siya samin sa check up kaya naghintay din siya dito.

Todo iling siya. "Sige na mauna na kayo, I can handle my self with care. Hahahaha! Bye, balitaan mo ako Soph."

Tumango na lang ako sa kanya. Loka loka talaga yung babae na yun, sinamahan lang pala talaga akong maghintay.

Sabay lang kami ni Dylan na maglakad papunta sa parking space. Akala ko tapos na yung mga iniissue nila samin pero hindi pala. Madami pa din akong bulungan na narinig habang naglalakad kami.

"Magkasama na naman sila? Siya din yung dati di ba?"

"So sila nga? Kelan pa?"

"Hayaan niyo na, magbrebreak din yan."

"Akala ko mahinhin yung babae, maflirt pa din pala yan."

Naiirita na ako sa mga pinagsasabi nila sakin. Makapanghusga agad sila ni wala naman silang alam. Kung masama lang talaga ang ugali ko sinabunutan ko na sila isa-isa. Pasalamat sila at gusto kong makagraduate sa Academy na 'to ng malinis ang record ko.

Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon