Si Honey na pinepester si Cyril sa multimedia! =)Perfect Mistake Chapter 29
*Cyril's POV*
"Coz you're the apple to my pieeee.... You're the straw to me beeerryyyy.. You're the smoke to my high.. and you're the one I wanna mar-"
"PWEDE BA??!" Hindi ko na mapigilan hindi lumakas yung boses ko. Kanina pa kasi eh.
"Huh?" Napatingin naman siya sakin at mukhang clueless pa.
"Pwede ba tigilan mo nga yan?" Inis na inis koong sabi sa kanya. Hindi naman ako madaling mainis e, dito lang talaga sa babaeng 'to.
"Ha? Alin po President?"
Sumpain naman talaga oh! Makakasapak ako ng hindi oras eh.
"Yang pagkanta kanta mo, ang ingay mo kaya hindi ako makapag-isip dito." Nakakunot na sigurado yung noo ko. Kanina pa kasi nag iingay 'tong babae na 'to e nagmamadali na nga akong matapos 'tong ginagawa ko.
"Ahihi. Sorry po." Tatawa-tawa niyang sabi sabay peace sign. Napailing na lang ako. Abnormal siya walang duda.
"Greg!" Tawag ko kay Greg, siya na lang uutusan ko. Wala akong tiwala sa babaeng abnormal na 'to.
"Wala si Greg lumabas. May kailangan ka ba Batman?" Tanong niya sakin.
"Tss. Saan nagpunta? Saka pwede ba hindi Batman pangalan ko." Pagsusungit ko sa kanya. Dadaan ako sa clinic mamaya, papacheck ko Blood Pressure ko mukhang tumataas yata. Tsk
"May make up class yata sila. Teka! Di ba sabi mo sakin Batman panagalan mo?" Parang takang taka niyang tanong.
"Tanga lang Honey? Naniwala ka na yun pangalan ko?" Hindi ako makapaniwala sa level ng ka abnormalan ng babae na 'to.
"Hihihi." Mukha siyang sira na bigla bigla na lang humagikhik. Baka nga nababaliw na siya.
"Oy, anong nginingiti-ngiti mo dyan?"
"Hihihi. E kasi tinawag mo kong Honey eh. Hihihi." Hindi pa din siya tumigil sa paghagikhik.
"Oh ano ngayon??! Pwede ba wag kang feeling, pangalan mo yun di ba?" Ano naman kung tinawag ko siya sa pangalan niya, kinilig na siya dun?
"Hihihi. Wala lang para kasing endearment. Ahihihi." Pangiti-ngiti niya pa ding sabi.
"Oy. Wag kang ano dyan, di kita type. Para ka ngang pader dyan e!" Naiinis kong sabi sa kanya.
"Ha? Bakit?"
"Straight yang katawan mo. Wala kang hinaharap, kaya hindi kita type. Gets mo?" Deretso kong sabi. Hindi naman sa masama ugali ko, alam ko medyo lang. Pero totoo naman kasi yun.
Ngumuso siya bigla. "Grabe ka naman. Hmp." Sabi niya tapos tumalikod na at bumalik sa pwesto niya.
"Oy sandali, hindi pa ko tapos. Bilangin mo 'tong lahat ng invitations na hindi pa nabibigay. Kailangan 67 pa lahat yan ah." Sabi ko sabay lagay sa table niya nung mga invitations at nagpatuloy ako sa ginagawa ko sa computer.
"Aye aye captain!" Rinig kong sigaw niya, hindi ko na siya nilingon.
"1.. 2.. 3.. 4.."
"Shhh." Saway ko ulit. Magbibilang lang kasi para pang bata.
"Sorry,, hihi.." Bulong niya mula sa likod ko. Nasa likod ko lang kasi yung table niya.
"1.... 2.... 3.... 4.... 5... 6..." Pabulong niyang bilang.
BINABASA MO ANG
Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)
RomancePublished under Summit Media Pop Fiction Dylan and Sophia's first encounter might not be on the right foot as it involved beers, cigarettes and regrets. Sophia, mending a broken heart, made the worst mistake she had ever done her entire life, gettin...