Hi! I dedicated this chapter to you kasi natuwa naman ako sa sobrang habang comment mo sa last chapter. Muntik ako malunod, pero sobrang natuwa ako. Thank you! <3Si baby sa multimedia! Puro pisngi po yan. Hahaha. :D
Btw, nagpalit ulit ako ng book cover. Last na to promise! Credits to my bispren. :P
Perfect Mistake Chapter 44
*Dylan's POV*
"Ano po ba yun?" Kinakabahan ko pa ding tanong. Wala akong ibang iniisip ngayon kung hindi sana okay lang ang anak ko.
"Well, we all know na kulang pa sa buwan ang baby niyo. The good news is hindi na natin siya kailangan iincubator kasi he's fine. In fact he's healthy."
I felt relieved nung narinig ko yung sabi nung doktor.
"But just to be sure I suggest pakuhanin niyo siya ng new born screening and the like para malaman natin kung may epekto sa kanya yung pagiging kulang sa buwan. May mga effects kasi na hindi pa lumalabas at an early stage." Pagpapatuloy nung doktor.
Napatango naman ako. "Sige po, kahit anong tests po yan basta lang po makasigurado na okay yung anak ko."
"Good. Kailangan na lang isign niyong mag-asawa ang waver para sa tests. Excuse me." Pagkatapos ay umalis na din siya.
Naramdaman ko namang tinatapik ni Nate yung balikat ko. "Okay lang yan dude, think positive healthy yang anak mo." Pag eencourage niya. Kung hindi siguro anak ko ang pinag-uusapan dito tatawanan ko si Nate, hindi ako sanay ng ganyan yung tono niya.
"Di pa pwedeng makita si Soph?" Nakangusong tanong ni Janna sakin.
"Nasa recovery room na siya, puntahan na lang natin mamaya pag nailipat na siya sa room niya." Sagot ko sa kanya.
"Oh Zey." Biglang bati ni Nate. Napalingon ako at parating na nga yung Ate ko.
Bakit nakasimangot 'to? Anong problema niya?
"Nasan na yung dalawa? Ano nang nangyari?" Tanong niya pagkalapit samin.
"Lumabas na yung baby, mamaya lang pwede na natin siyang daanan sa nursery room." Sagot ko kay Ate. Excited na din ulit akong makita yung baby ko.
Tumango lang siya, hindi sumagot. Ano bang topak niya? Samantalang kanina sa phone nung magkausap kami ang ingay ingay niya.
"Dude nagugutom ako, tara sa cafeteria manlibre ka muna tutal tatay ka na eh." Aya ni Nate, kahit kelan talaga 'to puro pagkain nasa utak.
"Sige makapagcoffee muna, pagtapos siguro daanan na natin yung baby bago pumunta kay Soph." Pag agree ng ate ko kaya pumunta muna kaming apat nila Nate sa cafeteria para kumain. Kahit sa totoo hindi ako makakain ng maayos kasi naeexcite na akong makita ulit silang dalawa.
Pagtapos dinaanan na namin si baby sa nursery, tinuro naman samin nung nurse kung sino yung anak ko dun. Pag baby kasi halos lahat magkakahawig pa.
"Waaaaa! Ang cute niya!" Tuwang tuwa na sabi ni Janna. Syempre ngiti ngiti din ako, proud eh. Haha.
"Dude di mo naman kamukha, mas kamukha ni Soph eh!" Pangontra ni Nate. Binatukan ko nga.
"Epal ka e no? Syemre kamukha ko din, anak ko yan eh." Tapos binatukan ko pa siya ulit, di naman nagrereklamo eh. Hahaha
BINABASA MO ANG
Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)
RomancePublished under Summit Media Pop Fiction Dylan and Sophia's first encounter might not be on the right foot as it involved beers, cigarettes and regrets. Sophia, mending a broken heart, made the worst mistake she had ever done her entire life, gettin...