Special Chapter #1: ALISHA

91.1K 1K 60
                                    

Warning: Medyo SPG, konti lang naman. 

Indication: italicized parts ay flashbacks from Dylan's point of view! 

Perfect Mistake

Special Chapter #1: ALISHA

 

Dylan's POV

"Condolence, pare." Tinapik ni Cyril ang balikat ko. Nakipag-kamay lang ako sa kanya at pumunta na sila ni Honey sa tapat ng kabaong ni Alisha.

Pagkatapos ang dalawang taon niyang pakikipaglaban sa sakit niya, kaninang madaling araw bumigay na din siya.

Kaagad nagsipuntahan dito 'yung mga kakilala niya at kakilala naming dalawa. Lahat nalulungkot sa sinapit niya. Isa na ako doon. Kahit naman napakadami niyang kasalanan na nagawa sakin, sa mga huling buwan naman niya na nakasama naming siya, bumawi siya. Nakita ko din kung paano siya bumalik sa dati, sa totoong siya.

Naluluha ako habang inaalala ko kung paano ko siya nakilala.

*

Kanina pa ako nakatitig sa gitna ng bar na 'to kung nasaan madaming nag-sasayaw. Unang panalo naming kasi sa laban ng karera ng mga barkada ko kaya nagkayayaan kami na tumambay dito sa bar.

 

"Ano? Bubulukin mo sarili mo dyan sa sulok? Magpunta ka doon sa gitna, nandun ang mga chikas 'tol!" Natatawang hinila ako ni Cyril papunta sa mga babaeng nagsasayaw at nakihalu-bilo kami doon.

 

Kung kani-kanino lang naman kami nakipagpartner. Naging kasayaw ko 'yung isang babaeng may mahaba at kulot na buhok. Siya 'yun. Siya 'yung kanina ko pa tinitignan sa gitna. Kung sweswertehin ka nga naman.

 

Tawa lang siya ng tawa habang nagsasayaw kaming dalawa. Noong mapagod kami, inaya ko siyang sumama sakin sa table naming para uminom.

 

"What's your name?" Tanong niya sakin habang inuubos ang order niyang margarita.

 

Lumapit ako sa tenga niya para ibulong ang pangalan ko. "Dylan. Ikaw?"

 

Ngumiti siya. "Alisha."

 

Naging mabilis na 'yung mga susunod na pangyayari. Naging mas malapit ang mukha naming sa isa't-isa habang nag-uusap. Hinawakan na niya ako sa balikat, hinawakan ko naman siya sa bewang. Nagkakatitigan kami hanggang sa nagkahalikan na nga.

 

*

 

Doon kami nagsimula. Nothing special. Normal lang. Isang babae at lalaki sa bar. Kinabukasan noon, pumasok kami ng kami na. Pero hindi pa ako seryoso noon, sa tingin ko siya din naman.

"Hi, babe." Bati sakin ni Alisha sabay halik sa labi ko. Nagulat naman ako. Kalalabas ko pa lang kasi sa klase ko pero nandito na siya kaagad.

 

"Kanina pa tapos class mo di ba? Bakit nandito ka?" Tanong ko sa kanya nung nagsimula na kaming maglakad.

 

Ngumiti siya ng sobrang tamis. "Hinintay kita. Aayain sana kitang mag-dinner sa dorm ko. Ipagluluto kita. Gusto mo ba?"

Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon