Dedicated to my pinakamamahal na waype. :*
Perfect Mistake: Chapter 35
"Dy dalian mo naman maligo." Sabi ko sabay katok ng katok sa pinto ng CR.
"Bigla naman niyang binukas yung pinto at sumilip. "Bakit ba?"
"Dalian mo naiihi ako!" Sigaw ko sa kanya.
"Oh di magCR ka dito." Natatawa niya pang sagot. Bwiset, tinatawanan pa ko. >____<
"Naliligo ka eh." Nakabusangot ko ng sagot sa kanya.
"Hahahaha. Oh ano naman? Mag CR ka na." Sabi niya ulit sabay ngiting nakaloloko.
"Eh ayoko nga! Dalian mo na kasi!" Naiinis ko nang sabi, galing talaga mang-asar nito. >_<
"Nahihiya..... Hahahaha! Sige na CR ka na. Para naman hindi ko pa yan naki-MMMPH!"
Bwiset! ARGH! Binato ko nga ng towel, ang daldal daldal e. Kung sana binilisan na lang niya yung pagligo, bwiset talaga.
"Aray! Baby bakit ka naman nambabato?" Tanong niya.
"Bwiset ka kasi e, bahala ka dyan! Sa baba na ko magCCR!" Sigaw ko sa kanya tapos nagmamadali na kong bumaba. Nakasalubong ko pa si Mama Dea.
"Oh anak, ang aga aga nakasimangot. Bakit?" Bati niya sakin.
"Si Dylan po kasi nang-aasar." Parang nagsusumbong pa ko kay Mama.
"Hahaha. Nako anak, naglalambing lang yun sayo." Natatawang sagot ni Mama, napanguso na lang tuloy ako. Hindi paglalambing yung ginagawa nun, talagang inaasar niya ko. >_<
"Sige po Mama, naCCR po ako e." Paalam ko tapos halos patakbo na akong pumunta ng CR.
"Oh hija, dahan dahan baka madulas ka." Sabi ni Papa Zeus nung malagpasan ko siya. Grabe bwiset na Dylan kasi yun e. Wag niya ko kakausapin mamaya. Hmp.
Uwaaaa... my precious CR! Sa wakas nakapagCR na din. Kainis bakit ba madalas na lang akong tawagin ni Mother Nature? >_________<
Paglabas ko ng CR dumeretso na ko ng kitchen, ngayon naman gutom na ko. Waaaaah, baby gutom ka na ba? :3
"Oh ang aga mo naman yata bumaba? Nasaan si Dylan?" Tanong niya sakin habang naghahanda ng breakfast.
"Naflush na po sa toilet." Nakabusangot ko pa ding sagot.
"Oh bakit? Nagtalo na naman ba kayo?" Tanong niya sakin at tinulungan ko na siya maghanda ng pagkain.
"Aga po akong inasar e. Nakakainis." Sumbong ko na naman, para mamaya pagkain namin lagot siya. Wahaha! >:D
"Nako ikaw talaga. Binibiro ka lang nun, maharot talaga yung bata na yun lalo noon. Lagi ngang nasisita ni Zeus yan eh." Kwento ni Manang sakin.
"Bakit ano ano po bang ginagawa ni Dylan noon?" Tanong ko. Nacucurious kasi ako bigla kung paano ba magharot yung batang Dylan. Pang blackmail. :P
"Nako, nabasag niya noon ang salamin sa harapan ng kotse ng Papa niya. Naglalaro daw kasi siya noon ng golf eh. Hindi pa namin malalaman kung hindi pa umiyak at may dalang bag." Natatawang kwento ni Manang sakin.
"Maglalayas po?" Natatawa at nagulat ko ding sagot.
"Oo, ang sabi niya pa noon e itatapon na daw siya ng Papa niya sa basura pagnalaman ang kasalanan niya." Sagot ulit ni Manang.
BINABASA MO ANG
Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)
RomancePublished under Summit Media Pop Fiction Dylan and Sophia's first encounter might not be on the right foot as it involved beers, cigarettes and regrets. Sophia, mending a broken heart, made the worst mistake she had ever done her entire life, gettin...