Chapter Thirty Six

134K 1.3K 64
                                    

Belated Happy 7th month to me and wattpad. :) 

Dedicated to my tubs. Hahaha. Ayan na ang hiling mong dedic! Wag kang silent reader! Hahaha!

Perfect Mistake Chapter 36

*Sophia's POV*

 

 

Sira ulo kang Dylan ka!

"Huh? Anong sinasabi mo?" Patay malisya niyang sagot. Pinagloloko ako nitong Dylan na 'to.

Kinuha ko yung cellphone niya at pinakita ko sa kanya yung text nung Carlo na yun.

"Oh ayan. Deny ka pa!" Sigaw ko habang pinapabasa ko sa kanya yung text.

"Sorry na." Sabi niya sabay napakamot sa ulo niya.

"Sorry mo yang mukha mo! Kung hindi pa nagtext yan Carlo na yan hindi ko malalaman na nakipagkarera ka na naman!" Sigaw ko sa kanya.

"Shhh. Baby sumisigaw ka na naman eh. Sorry na oh." Sabi niya sabay hawak pa sa kamay ko.

"Hindi ka man lang nagpaalam sakin, kanina pa kita hinihintay." Nasabi ko ng mas mahina sa tonong nanunumbat. Sana naman kasi nagsabi siya sakin para hindi ako nag aalala. Sinabi niya kasing 7 ang uwi niya tapos late na siya dadating syempre nag aalala ako.

"Alam ko kasing hindi ka papayag." Mahina niyang sagot habang nakatingin sakin.

"Talagang hindi ako papayag. Nakita mo naman ang nangyari sayo nung last race mo di ba?" Binitawan ko yung kamay niya at naupo sa gilid ng kama. Naalala ko pa kasi yung huling beses na nagrace siya, yung kasama niya kami. Muntik na siyang maaksidente.

"Alam ko naman yun baby, hindi naman na un mauulit eh. Mag iingat naman ako." Sagot niya sabay tabi sakin.

Hinarap ko muna siya bago magsalita ulit. "Hindi mo ko naiintindihan Dylan." Malungkot kong sabi sa kanya. Siya lang naman kasi ang inaalala ko.

"Wag ka na mag-alala sakin baby ko. Kaya ko naman eh." Pilit niya pa din.

"Masasabi mo ba kung kelan mangyayari ang aksidente? Kahit nag-iingat ka pa napakadelikado pa din niyang ginagawa mo." Naiinis kong sagot sa kanya, bakit ba hindi niya makuha yung punto ko?

"Sorry na. Pagbigyan mo na ko baby ko. Ngayon lang naman e, paminsan-minsan lang naman." Patuloy niya pa din na pagpapaliwanag sakin.

Hinarap ko siya at tinignan sa mata. "Anong gagawin  mo pag naaksidente ka sa paminsan-minsan na sinasabi mo? Alam mo ba kung ano mararamdaman ko pag may nangyaring hindi maganda sayo? Alam mo ba kung anong gagawin ko? Ayoko lang na may mangyari sayong masama kaya ako ganito. Tutol ako sa ginagawa mo hindi dahil pinaghihigpitan kita o inuunder kita. Tutol ako kasi ayaw kitang mapahamak." Hindi ako umiiyak habang sinasabi ko yan pero halos papunta na din dun. Ang tigas naman kasi ng ulo ni Dylan, ayaw muna akong pakinggan. Noon nga na naaksidente siya takot na takot na ko eh.

Bigla na naman niya akong hinila palapit sa kanya at niyakap. Hilig talaga nito sa ganito.

"Sorry. Sorry kung hindi ako nag-iisip. Sorry kung nagrace ako ng walang pasabi. Sorry kung napag-alala pa kita. Sorry kung natakot ka. Sorry baby. Sorry." Tuloy-tuloy niyang sabi habang nakayakap sakin.

Unti-unti na ding gumaan yung pakiramdam ko. Sincere kasi sa pagsosorry niya si Dylan. Buti naman at naintindihan niya kung bakit ako ganito, siya lang naman talaga ang inaalala ko e.

Dahan-dahan  ko na ding inangat yung kamay ko para yakapin siya at i-tap yung likod niya.

"Galit ka pa ba? Sorry na." Tanong niya ulit at naramdaman kong humigpit yung yakap niya.

Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon