Dea and Zeus sa multimedia. :)
Perfect Mistake Chapter 32
*Sophia's POV*
Pagpasok namin sa loob ng bahay...
"Zayn baby!" May babaeng biglang yumakap kay Dylan.
"Oh my baby I missed you so much! Ang laki laki mo na, at ang gwapo gwapo mo na lalo. Mana ka talaga sakin."
Yakap pa din siya nung babae tapos ako naman nakatingin lang sa kanila, pero hawak pa din ni Dylan yung kamay ko.
"Ma..."
Ma?? Mama nila 'to? What??
Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong kinabahan, kasi naman e Mama pala nila 'to. Ngayon pa lang kami magmemeet! Utang na loob parang gusto ng lumabas ng puso ko sa kaba!
"Ma.. saglit lang di na ko makahinga." Sabi ni Dylan, kasi nga naman sobrang higpit nung yakap sa kanya.
"Ay sorry anak!" Napahiwalay na si Tita? Mama? Hindi ko alam itatawag sa kanya e. Dun niya lang napansin yung presence ko at yung kamay ni Dylan na nakahawak sa kamay ko.
"Ma, si Sophia pala siya yung.." Hindi na natapos ni Dylan yung sasabihin niya kasi bigla na lang ako niyakap ng nanay niya. Nanlaki naman yung mata ko sa gulat habang si Dylan pasimpleng tumawa.
"Hija! Nice to finally meet you.." Tapos bumitaw na siya sa pagkakayakap sakin. "Nung nalaman ko ang news nagpabook agad ako ng flight pauwi, I'm so excited na makita ang apo ko!" Tuwang tuwa niyang sabi kaya medyo nabawasan yung kaba ko.
"Nice to meet you din po Tita." Nakangiti kong sagot tapos Tita na lang tinawag ko sa kanya, baka naman sabihin e ambisyosa ako dahil hindi pa naman kami kasal.
"No no! Don't call me Tita, Mama na lang din ang itawag mo sakin. Pwedeng Mama lang o kaya Mama Dea. Okay?" Sabi niya tapos ngumiti siya ulit, wow ang bait ng Mama nila!
"Sige po Mama." Nahihiya kong sagot. Tinignan naman ako ni Dylan sabay dila. Gumanti din ako.
"Dea? Andyan na ba sila?" May lalaki namang biglang lumabas galing sa dining room. Mukhang masungit at eto na naman yung kaba ko.
"Pa? Sabay kayong dumating ni Mama?" Nanlalaki pa yung mata ni Dylan habang nagtatanong, tama nga ako ng hula Papa nila yun. Kamukha kasi siya ni Ate Zea lalo sa mata.
"Unfortunately yes!" Sagot naman ni Mama Dea. Hindi pa ko sanay.
"Ma..." Parang saway ni Dylan sa kanya.
"Hay nako Dylan Zayn, ipakilala mo na lang si Sophia sa Papa mo. Titignan ko lang kung okay na yung lunch natin dun." Sabi ni Mama tapos pumunta na siya sa kitchen.
"Pa, si Sophia po." Sabi ni Dylan pagkalapit ng Papa niya samin.
"Hello po." Sabi ko na lang sabay ngiti sa Papa niya ng alanganin. Nakakanerbyos kasi eh!
Kahit mukhang masungit yung Papa nila ngumiti naman siya. "Hindi naman ba loloko loko 'tong anak ko?"
Natawa ako ng konti, mukhang okay naman sila. "Hindi naman po masyado. Hahaha."
"Pa..." Parang maktol ni Dylan sa Papa niya.
"Aba Dylan, sinsabihan ko lang 'tong magiging asawa mo. Hindi ko nga inakalang may makakatyaga sayo, tigas kaya ng kokote mong bata ka." Parang sermon ng Papa ni Dylan sa kanya. Palihim naman akong natatawa, ganyan pala si Dylan pag andyan mga magulang niya.
BINABASA MO ANG
Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)
RomancePublished under Summit Media Pop Fiction Dylan and Sophia's first encounter might not be on the right foot as it involved beers, cigarettes and regrets. Sophia, mending a broken heart, made the worst mistake she had ever done her entire life, gettin...