Chapter Forty Six

124K 1.2K 55
                                    

Thank you for all the love and support! Wah. Sorry sa errors ko. Last update may napuna yung readers. Oh my siomai, bukas ng umaga aayusin ko yun promise. TY TY! :*

Perfect Mistake Chapter 46

 

*Brix's POV*

 

"Anong ibig mong sabihin? Nakausap mo yung lalaking gustong ipakasal sayo at ayaw niya pa ding umurong?" Tanong ko kay Cathy. Nandito kasi kami ngayon sa isang asian restaurant malapit sa bahay niya, tumawag kasi siya at sabi niya kailangan niya ng kausap.

"Sadly, yes. Hindi ko nga matake ang ugali niya. Sabi niya wag na daw ako mag-inarte dahil hindi din naman niya daw ako gustong pakasalan." Magkahalong lungot at inis ang nababakas ko sa mukha ni Cathy.

"Sira ulo pala yun, kung ayaw niya bakit hindi siya umurong?" Nagtataka kong tanong sabay lait sa fiance niya. Ang gulo kasi nila eh.

"For business. Nakilala ko na siya years before pa kami ipagkasundo. He's got nothing on his mind aside from work. He's a monster to everybody. Ayoko sa kanya. I despise him too much na hindi ko kakayanin na masikmura na ikakasal ako sa kanya. If I'm gonna get married I'll make sure na ikakasal ako sa taong gusto ko." Pagkwekwento niya.

"That's the spirit. Pero paano mo ba nasabing monster siya? Mukhang halimaw ba? Hahahaha." Biro ko kay Cathy pero hindi siya natawa. Seryoso pa din siya, ang korny ko kasi. 

"Sakin oo. I should know kung ano ang ugali niya, lagi ako sa office nila because business partners ang family namin. Pero hindi ko siya agad nakilala kasi wala naman ako talagang interest sa business namin. Ni hindi ko sila pinapakialam regarding that matter."

Napatango ako. "Ngayon naintindihan ko na. Eh anong plano mo ngayon? Napag-isipan mo na ba yung suggestion ko? Uuwi ka na ba sa inyo?" Tanong ko. Magaling na din naman kasi yung sprain niya.

"Ewan ko, hindi pa yata ako ready na harapin yung lalaki na yun. Nag iipon pa ko ng tapang para maibalik ko sa kanya lahat ng sasabihin niya sakin." Sagot niya sabay yuko. Mukhang hindi nga talaga maganda ang ugali ng lalaki na yun. No wonder tinakbuhan siya ni Cathy.

"Excuse me Sir, Ma'am. California Maki and California temaki?" Tanong nung waiter na sumingit samin.

"Yes." Sagot ko tapos nilapag na niya yung orders namin sa table. Nagkwentuhan pa kami ni Cathy habang kumakain.

"Punta lang ako sa washroom ha." Paalam ni Cathy nung matapos kaming kumain. Tumango lang ako at naghintay sa table nung may nahagip ang mata ko.

"Zea..." Pabulong kong nasabi sa sarili ko nung nakita kong pumasok siya sa resto kasama yung assistant niya. "Zey!" Nilakasan ko na yung tawag ko sa kanya at napalingon naman siya. Mukhang nagulat din siya nung nakita niya ko dito pero ngumiti naman siya, ng pilit.

Tumayo ako at lumapit sa kanila nung kasama niya.

"Oh? Walang work?" Tanong ko nung nakalapit ako sa kanya kahit alam kong galit siya sakin, simula kasi nung nakita niya kaming dalawa ni Cathy alam ko na may iniisip na naman na iba yan. Gusto ko sanang magpaliwanag sa kanya kaso nilayasan niya din ako nun sa ospital.

"Meron, magtatake out lang kami ni Jan ng food." Tipid niyang sagot tapos ngiting halata naman na hindi genuine.

"May gusto kasi sana akong sabihin sayo, pwede ba kitang makausap?" Tanong ko sa kanya.

Bigla siyang tumingin dun sa assistant niya na parang nagtatanong kung oo ba ang isasagot niya o hindi.

"Sige Ma'am ako na lang po ang oorder." Sabi nung assistant niya tapos pumunta na sa counter para umorder. Naiwan kaming dalawa na nakatayo.

Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon