Perfect Mistake Chapter 34
*Zea's POV*
"Saan ba tayo pupunta?" Nainip na tanong ko kay Brix. Mula kasi kaninang sinundo niya ako sa bahay binubulabog ko na siya kung saan kami pupunta pero ni isang sagot wala akong nakuha. Naputulan ng dila?
Hindi na ko nakatiis at binatukan ko na siya, pag gantong hindi niya pinapansin yung pinagsasabi ko nangangati bgla yung kamay ko at gusto ko siyang sapakin.
"Aray naman Zee! Nakabatok ka na naman, nagddrive kaya ako." Sabi niya sabay himas sap arte ng ulo niya na binatukan ko. Di pa ba siya sanay? Hindi kaya kumpleto araw namin pag hindi ko siya nababatukan.
"Saan ba kasi tayo pupunta? Kanina pa ko tanong ng tanong. Para kang walang naririn ig eh." Reklamo ko na sa kanya.
"Relax Zee!" Pacool niya lang sa sabi sakin habang ngingiti-ngiti pa.
"Relax? Paano 'ko magrerelax e mahigit isang oras ka nang nagddrive dyan! Malay ko ba kung nasaang lupalop na tayo o kung naliligaw na tayo." Inis na inis kong sabi sa kanya. Bwibwisitin niya araw ko, akala ko pa naman free ako sa pagkabwiset ngayon.
"Actually Zee, we're kinda lost." Agkarinig na pagkarinig ko nun agad na naningkit yung mga mata ko.
"Pero don't worry, mukhang ala m ko na yung daan." Cool niya ulit na sabi samantalang ako bwiset na bwiset na. Pero nanahimik na lang muna ako, pag sinabi kasi ni Brix na alam na niya sigurado na siya dun.
Pagkatapos ng halos 15 minutes pa sigurong byahe nakarating din kami sa pupuntahan namin, Pagkababang-pagkababa pa lang namin nagtanong na kaagad ako.
"Ano 'to Brix?" Nagtataka kong tanong.
"Surprise Zee! Happy Valentine's Day." Sabi niya sabay yakap sakin. Aaminin ko na kahit nabwiset ako kaninang unaga natuwa naman ako sa surprise niya sakin. Sorang nakakatouch.
"Thank you Bee. Happy Valentine's day." Sagot ko sabay yakap sa kanya.
"Halika, pasok na tayo!" Aya niya sakin at pumasok na kami agad sa loob, sinalubong naman kami nila sister.
"Ready na po ba sila?" Tanong ni Brix dun sa mga madre .
"Ready na sila Brix." Masiglang sagot ni Sister Cara habang inaassist nila kami papunta sa activity hall.
"Goodmorning Ate Zea. Goodmorning Kuya Brix." Sabay-sabay na sabi nung mga bata pagkapasok namin sa maliit na activity hall.
"Goodmorning kids! Happy Valentine's Day! " Bati sa kanila ni Brix.
"Happy Valentine's Day din po." Sagot ulit nila.
Nagsimula na kaming mamigay ng pagkain sa kanila at pagkatapos nun naisipan namin na mag story telling na lang.
"Gusto niyo ba ng beauty and the beast?" Tanong ko sa mga bata at lahat naman sila sumang-ayon kaya nagsimula na ko.
"Sa isang malayong kaharian may isang gwapong prinsipe na nag pangalan ay Bee.." natatawa akong sumulyap kay Brix tapos natawa din siya ".. Kaso salbahe si Bee, sobrang sama ng ugali niya.. Minsan may isang pulubi na kumatok sa mansyon ni Bee at nanghihingi ng tulong.. pero hindi siya tinulungan ni Bee.. Ipinagtabuyan pa siya. Ang hindi alam ni Bee fairy pala yun na nagpapanggap lang na pulubi. Nagalit kay Bee yung pulubi kasi masama ang ugali niya kaya naman sinumpa siya nung pulubi, ginawa siyang halimaw. Isang panget, napakapanget, ubod ng panget na halimaw.. Mga kasing panget ni..." huminto ako sandali sabay tinuro si Brix. ".. niya! Kasing panget niya nga." Natawa naman yung mga bata pati yung mga madre.
BINABASA MO ANG
Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)
RomancePublished under Summit Media Pop Fiction Dylan and Sophia's first encounter might not be on the right foot as it involved beers, cigarettes and regrets. Sophia, mending a broken heart, made the worst mistake she had ever done her entire life, gettin...