Perfect Mistake Chapter 62
HONEY's POV
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon sa harapan ko. Si Cyril.
Hawak niya yung isang kaliwang kamay ko at yung isang kamay niya naman nasa kanang balikat ko. Paano niya nalaman na nandito ako?
Nakatingin lang siya sakin ng deretso pero hindi siya nagsasalita. Wala siyang kahit anong sinasabi, kahit ako pakiramdam ko hindi ko kayang magsalita ngayon sa harapan niya. Tinitignan ko lang siya habang nagpipigil ako ng luha ko. Nakatingin lang ako sa kanya habang nanginginig yung kamay niyang humawak sa pisngi ko. Nagpipigil na din pala siya ng luha niya, pero hindi niya nagawa yun.
Napapikit na lang ko. Ayokong makitang umiiyak siya ng dahil sakin. Kahit hindi niya sabihin sigurado akong dahil sakin yun. Alam na ba niya lahat? Galit kaya siya sakin?
Mas lalo pa akong napaiyak nung naramdaman kong nilapat niya yung noo niya sa noo ko at narinig ko siyang umiiyak na. Mas masakit palang marinig ko siyang umiyak sa harap ko. Sana inaway na lang niya ako, hindi yung ganito pa siya sakin. Mas lalo akong naguiguilty sa mga nagawa ko sa kanya, sa pang iiwan ko sa kanya.
Iaangat ko na dapat yung kamay ko para hawaka siya sa mukha pero napadilat at napalingon ako nung may narinig akong pumapalakpak sa gilid ko.
Si Drake na nakangiti ng parang nang-aasar habang nakatingin siya samin ni Cyril. Pero maya maya ay sumeryoso din naman siya ng tingin at lumapit samin. Hinigit niya ako mula kay Cyril papalapit sa kanya.
"Sorry pre, pero binabawi ko na yung sakin." Matigas na sabi niya kay Cyril habang mahigpit na mhigpit niyang hawak yung kamay ko.
Wala namang ginagawa si Cyril kung hindi tumitig lang samin na parang walang expression sa mukha pero hindi naman tumitigil yung luha niya sa pagtulo. Alam kong naaalala niya si Drake, yung picture niyang nakaipit dati sa book ko. Nasasaktan lalo ako sa nakikita ko. At naiinis ako kay Drake. Sobrang naiinis ako sa kanya. Sino ba siya para sabihin na binabawi niya ako? Kailan lang wala na siyang pakialam sakin halos e. Hinayaan niya nga akong gamitin ni Kuya para sa mga masasamang balak niya tapos ngayon sasabihin niyang binabawa niya ako?
Binawa ko yung kamay kong hawak niyaat ginamit ko yun para sampalin siya. "Drake, matagal na tayong tapos. Simula nung pinabayaan mo ko sa ere."
Hindi ko na siya hinintay na makabawi galing dun sa sampal ko sa kanya at tinalikuran ko na siya. Hinila ko na kaagad si Cyril palabas ng bahay na yun. Hindi naman siya nagreklamo kaya tuloy tuloy lang kami sa labas.
"Nasan ang kotse mo? Nasan yung susi?" Tanong ko ng hindi ko siya tinitignan. Naguiguilty pa din kasi ako talaga. Parang hindi ko yata kakayanin na tignan ulit siya sa mata.
Inabot niya naman sakin yung susi at tinuro yung kotse niya. Kaya pala hindi ko nakilala dahil ibang sasakyan ang gamit niya. Pinasakay ko siya sa shotgun seat tapos ako na sa driver seat.
Tahimik lang kaming dalawa habang nagdridrive ako pero alam kong nakatingin siya sakin. Hindi niya inaalis yung mata niya sakin, parang halos ayaw kumurap. Pinilit ko na lang siyang wag munang pansinin dahil baka mabangga kami pag umiyak na naman ako.
Hanggang nakarating kami sa tapat ng tinitirahan kong apartment. Bumaba din siya nung nakita niya akong bumaba pagkatapos hinila ko na naman siya paakyat sa hagdan. Hindi na naman siya pumapalag. Nakarating kami sa 3rd floor ng building at pumasok ako sa loob ng maliit na apartment na pinaglipatan ko.
BINABASA MO ANG
Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)
RomancePublished under Summit Media Pop Fiction Dylan and Sophia's first encounter might not be on the right foot as it involved beers, cigarettes and regrets. Sophia, mending a broken heart, made the worst mistake she had ever done her entire life, gettin...