Chapter Fifty Seven

100K 1K 96
                                    

Perfect Mistake Chapter 57


*Nate's POV*


Nakasakay ako ngayon sa sasakyan ko habang hawak hawak yung envelope na may picture ni Janna at ni Cyril sa loob. Nandito ako ngayon sa tapat ng bahay nila Janna habang pilit kong pinapakalma yung sarili ko. Naiinis ako. Sobrang naiinis ako dahil sa laman ng envelope na 'to, ano bang gusto niyang mangyari samin?! Talagang bang ayaw na niya kaya ganito siya?! T*ngna!

Kinuha ko na yung envelope at pinatay yung engine ng sasakyan ko. Pababa na sana ako nung nakita kong lumabas si Janna sa gate nila ng mukhang nakabihis at paalis. Nakita ko pa siyang pumara ng dumaan na taxi at sumakay. Saan naman kaya pupunta yun?

Hindi na ako nagdalawang isip na sundan yung taxi na sinakyan niya. Kahit hindi ko alam kung saan siya pupunta. Tuloy tulo lang ang pagsunod ko sa sinakyan niya hanggang sa napansin kong pamilyar, mali, sobrang pamilyar nung daan. Nakumpirma ko lang na doon nga siya papunta nung huminto na yung taxi sa may parking space ng isang building. Sa tapat ng condo ni Cyril.

Naghanap lang din ako ng mapaparkingan ko at nagmamadaling bumaba ng kotse ko dala yung envelope. Halos madapa pa ko sa pagmamadali para mahabol ko siya. Paakyat na siya sa iilang steps ng hagdan bago makapasok sa main lobby nung nahawakan ko yung braso niya. "Saan ka pupunta?"

Halatang nagulat siya nung nilingon niya ako. "N-nate?! A-ano-"

"Sabi ko anong ginagawa mo dito?"

"A-ano kasi, paano mo nalaman na nandito ako?"

Napailing ako habang hawak ko pa din yung braso niya. "Akong unang nagtanong. Bakit di mo sagutin? Anong ginagawa mo dito?"

"M-may isosoli lang kasi ako kay Cyril." Nakayuko niyang sagot sakin.

Napangisi na lang ako. "May isosoli ka? O sasabihin mo sa kanyang success ang plano niyo?" Nginitian ko siya ng mapait nung inangat niya yung tingin niya sakin.

Nakita ko kung paano kumunot yung noo niya. "Ha? Anong sinasabi mong plano? Anong plano?"

Inabot ko sa kanya yung envelope at dali-dali naman niya yung binuksan. Bakas sa mukha niya na gulat na gulat siya nung inilabas niya lahat lahat ng laman nung envelope.

"Ano 'tong mga 'to? Panong... saan naman... hindi ko maintindihan... Nate!" Hindi maipinta yung mukha niya at kahit yung mga sinasabi niya hindi niya magawang tapusin habang isa-isa niyang binubuklat yung mga pictures nila ni Cyril. "Nate... nate, hindi ko alam ito! Mali ka, mali yang iniisip mo. Walang-"

Pinutol ko yung pagsasalita niya. "Oo alam ko. Walang kahit anong nangyari sa inyo ni Cyril. Malaki ang tiwala ko sa'yo, alam kong hindi ka ganung klase ng babae. Isa pa may tiwala din ako kay Cyril dahil alam kong hindi niya ako tataluhin."

Nakita kong narelieve siya dahil sa sinabi ko sa kanya. Totoo lahat ng sinabi ko, alam kong hindi nila magagawang pareho sakin yun. Pero...

"Kung iniisip mong papatulan ko 'tong mga pictures na 'to dun ka nagkakamali. Hindi mo ako maloloko. Hindi ako ganun katanga, Janna."  


Napakunot na naman siya ulit. "Ano bang sinasabi mong hindi kita maloloko? Hindi naman kita niloloko Nate! Ano bang problema mo ha?!"

"Ikaw! Ikaw ang problema ko! Aminin mo nga! Ikaw bang nagpadala nito sakin ha?!"

"What?!"

"Ano?! Alam kong set-up 'to Janna! Sinet-up niyo ba 'to ni Cyril ha?! Para magalit ako sa'yo? Para iwasan na kita? Para iwanan na kita ha?!" Gigil na gigil ko ng sabi sa kanya kaya napahigpit yung hawak ko sa braso niya.

Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon