After nito FINAL CHAPTER na tayo. So ngayon pa lang magthathank you na ako sa mga nag aabang pa din kahit matagal ang update. Baka medyo matagalan ulit ang FINAL CHAPTER kasi medyo mahaba at syempre final blow na 'yun kaya sisiguraduhin kong maayos siya. So sana konting patience pa, after naman nun tapos na eh. ;) Here goes...
Chapter 67
Sophia's POV
Masakit ang ulo ko at nahihilo akong namulat. Nagtataka pa ako kung nasaang lugar ako dahil hindi pamilyar ito sakin. Pinilit kong alalahanin ang mga huling nangyari bago ako mawalan ng malay.
Sa park. Si Alisha at ang mga bata. Yung puting van. Si Kuya Brix.
Napailing ako nung maalala ko ang mga iyon. Pakiramdam ko ay naghahallucinate lang ako. Ayokong paniwalaan ang nakita ko dahil wala akong maisip na dahilan kung bakit niya gagawin ito. Pero kahit ayokong maniwala, wala akong magawa. Ano pa nga bang explanation kung bakit nagising ako sa isang nakakatakot, madilim at bakaneng kwarto kasama si Alisha pero wala ang mga bata. Alam kong hindi na hallucinations ito.
Binalingan ko ang taong tanging kasama ko sa nakakatakot na kwarto na ito at galit na tinanong siya. "Nasaan ang anak ko Alisha? Saan siya dinala?! Nasaan ang anak ko?!"
Halata ko sa kanya na mukhang hirap siyang huminga pero hindi ko napigilan ang sarili ko na hindi mainis sa kanya.
"I don't know Sophia!" Malakas niyang sabi sa kabila ng hirap niyang paghinga.
Sinubukan kong tumayo o kumilos man lang pero mahigpit na nakatali ang dalawang kamay ko sa likod at pati na din ang mga paa ko. Ganun din si Alisha. Hindi na ako mapakali dito. Bukod sa hindi ko na alam kung nasaan kami, wala pa dito ang anak ko. Kailangan ko siyang makita, kailangan kong malaman kung ayos lang ba siya. Lumalakas ang kabog ng dibdib ko sa bawat segundong nakaupo ako dito at walang ibang magawa kung hindi maghintay. Kung ano man 'yung hinihintay ko, hindi ko din alam.
Gulong-gulo ako sa sitwasyon, marami na ngang bumabagabag sa isip ko ay lalo pa itong nadagdagan. Nabalingan ko na naman tuloy si Alisha. "Ano ba 'to Alisha? Ano bang nangyayari?! Nasaan na ba ako? Nasaan na si Aian?" Umiiyak at halos magmakaawa ko ng tanong sa kanya.
May mga namumuo na ding luha sa mata niya. "I seriously don't know Sophia! Pati naman ang anak ko wala dito!" Nainis ako sa tono ng pananalita niya.
Sinigawan ko siya. "Paanong hindi mo alam?! Ikaw ang nagpapunta sakin sa park na iyon! Ikaw ang may dala kay Aian! Ikaw 'yung nakasakay sa van! Ikaw 'yung kasama ni Kuya Brix sa loob! Paanong hindi mo alam kung nasaan ang anak ko?!"
"For God's sake Sophia! Kahit ako hindi ko alam ang nangyayari!" Sigaw niya habang umaagos na din ang luha sa mukha niya. Napatigil ako sa pagsigaw ko sa kanya at natauhan. Nakinig ako sa mga susunod niyang sasabihin. "Please wag naman ako ang sisihin mo dahil hindi lang naman anak mo ang nawawala dito! It's Brix's fault! Palabas na kami ng bahay ng dumating siya, sapilitan niya kaming sinama ng mga bata. I found it very odd dahil alam kong hindi niya ako gusto, wala sa mga kaibigan ni Dylan ang may gusto sakin, pilit akong tumanggi pero huli na, may mga kasama siya. Tatlo sila, hindi ko kilala pero lahat sila may mga dalang baril. Pinilit niya akong sabihin kung saan kita kikitain. Sa van pinagbabantaan kita through my eyes, I wanted to talk. I badly wanted you to take Aian and Zion with you and make you escape. Pero hindi ko masabi Sophia. Hindi na ako natakot noon para sa sarili ko, kasi kung papatayin nila ako they would only make it easy for me to die. Mamamatay din naman ako sooner or later. Natakot ako para sa'yo, para sa mga bata. Hindi ko din alam kung bakit ginawa ni Brix 'to. Hindi ko alam."
BINABASA MO ANG
Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)
RomancePublished under Summit Media Pop Fiction Dylan and Sophia's first encounter might not be on the right foot as it involved beers, cigarettes and regrets. Sophia, mending a broken heart, made the worst mistake she had ever done her entire life, gettin...