Chapter Four

255K 2.9K 82
                                    

Ang makulit na si Janna sa gif! *u*

Perfect Mistake Chapter Four

 

*Sophia's POV*

 

 

Pagkatapos kong mag-ayos ng gamit at isara ulit yung bahay namin lumabas na kami ni Dylan at sumakay sa kotse niya. Hindi na ako umasang pagbubuksan ako ng pinto ng kotse nito, gawaing pangentleman lang yun eh.

Medyo hindi na ako touchy pagkatapos ko siyang masinghalan kanina. Siguro kasi nakapaglabas na din ang ng nararamdaman ko at simula nun tahimik na lang din siya. Mabuti naman, kesa ipilit na naman niyang may mapag usapan kami.

Saglit lang nakarating kami kaagad sa Hillsdale High & Colleges. Malapit lapit lang din naman kasi 'to sa bahay namin. Nagpark na kaagad si Dylan sa open space na nakita niya.

Pababa na sana ako ng kotse niya nung may naalala akong isang bagay. "Okay lang bang makita ako ng mga tao na bumababa sa kotse mo? Alam mo na kasi... ano..."

Nilingon niya ko. "Walang ibig sabihin 'tong pagsabay ko sayo pagpasok kaya wala kang dapat ipagaalala sa mga tao dyan. Wala naman silang pakialam."

Nagkibit balikat na lang ako at bumaba sa kotse ni Dylan. Nauna na ko sa kanya maglakad para makaiwas sa bulong-bulungan pero wala pa din akong ligtas.

"Oh my. Girls, nakita ko yung babae na yun bumaba sa car ni Dylan."

"Girlfriend niya ba yan? Di naman maganda eh."

"Di yan. Baka naisabay lang, di naman mukhang type ni Dylan yung babae. Di naman sexy eh."

Bwiset na mga chismosa 'to. Kung pag usapan nila ako parang di ko naririnig. Gusto ko sanang pagbuhol-buhulin yung mga dila nila kung hindi lang ako malalate sa klase ko.

Hindi ko na napansin kung saan pumunta si Dylan dahil nga nauuna na akong maglakad. Wala na din naman akong interes na alamin pa dahil sigurado namang ito na yung huling usap namin.

Tuloy tuloy na lang akong pumasok sa classroom namin at si Janna kaagad ang bumungad sakin.

"Sissy!" Tawag niya sabay yakap sakin. Niyakap ko din naman siya kahit na kahapon lang naman kami hindi nagkita. Gusto ko lang siyang yakapin dahil sa halo halong emosyon ko simula pa kahapon. Gusto ko ng maiknweto sa kanya lahat ng nanyari, kahit yung tungkol kay Dylan. Ganun kami kaopen ni Janna sa isa't-isa. Walang taguan ng sikreto, simula pa Grade 4 magbestfriend na kami kaya ganun kami kaclose.

"Bakla ka!  Hinanap ka ni Daddy kahapon. Daming pasalubong. Naloka kami ni Mommy kahapon sa baggages!" Daldal niya kaaagd sakin pagkaupo ko sa pwesto sa tabi niya.

"Madami bang inuwi na Quadratini at Chocolates?" Tanong ko kaagad. Sa sobrang close kasi naming pati pamilya naming close na din. At sa tuwing umuuwi ang Daddy ni Janna galing sa Australia madaming inuuwi para samin nila Mama.

"Naman! Alam mo naman na anak ka na din nun ni Daddy! Hahahaha. Tapos bakla, ang daming bonggang outfit! Nashock na nga ako sa taste ni Daddy, fumafashion!" Natatawa niyang kwento. Hindi talaga natitigil 'to pag madaming gusting ikwento.

"Gaga ka talaga!" Natatawa kong sabi sa kanya. Nagkwento pa siya ng mga nangyari sa kanila kahapon hanggang sa may babaeng sumigaw sa tenga ko.

"Soph!"

Halos mabingi ako sa tili ni Krista sa tenga ko. Pakiramdam ko nabingi nga yata ako ng ilang segundo dun eh.

"Babae ka! Saan ka nagpunta kagabi? Alam mo bang nataranta ako kakahanap sayo? Halos nalibot ko na yung buong lugar! Hanggang kaninang umaga hindi ako mapakali!" Mukhang natataranta pa ding sabi ni Krista. Hindi ko siya masisisi naiwanan ko nga naman siya sa bar. Kung hindi lang talaga ako nahilo ng todo baka nakabalik pa ko.

Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon