Perfect Mistake Chapter Eleven
//Third person POV//
Everything is all set accordingly to its supposed arrangement.
Nakahanda na ang magbabarkada sa stand by area ng racetrack na exclusively para sa amateur races na ginaganap. Usong-uso kasi sa lugar nila, lalo na sa Hillsdale High & Colleges, ang ganitong klase ng racing.
"Dude, nasan na yung mga yun?" Inip na inip na tanong ni Dylan sa mga kasama. Usapan kasi nila at ng mga kalaban ay 6 pm pero halos 6:30 na ay wala pa din yung mga humamon sa kanila.
"Baka naman paasa lang yun. Mamaya hindi na sisipot. Umuwi na nga lang tayo." Napipikon na ding sagot ni Nate.
"Wait guys. Let's just wait for a while. If they won't show up until 7 then we'll split." Suggestion ni Enzo sa kanila. Sa ilang beses na din kasi nilang nakalaban ang grupo ni DK alam nilang madalas itong malate. Pero kahit ganun naiinis pa din sila pag sadya itong nagpapalate. Nakakapuno ng pisi.
"Si Cyril ba hindi susunod?" Tanong ni Brix sa tatlo niya pang kasama. Si Cyril na lang kasi ang kulang sa grupo nila, isa pa man din yun sa mga kayang kaya na lumampaso sa kakalabanin nila.
Umiling si Nate bilang sagot. "Hindi yata pupunta, hindi naman sumasagot sa text ko. Hayaan mo nga siya, baka nambababae na naman."
"Akyat muna ko kila Ate, baba na lang ako pag nandyan na yung mga duwag. Naasar lang ako lalo." Paalam ni Dylan sa mga kaibigan bago umakyat sa bleachers.
*
"Sissy, bakit parang ang tagal magstart ng laban?" Medyo naiinip ng tanong ni Janna sa kaibigan na si Sophia. Isinama na din kasi nila ito sa panonood ng laban dahil gaya ni Sophia, hindi pa siya nakakapanood ng ganitong klaseng race.
"I think wala pa yung mga kalaban nila eh." Sagot ni Zea kay Janna. Sumama na din siya para mapanood ang kapatid at para samahan sila Sophia. Sanay din naman kasi manood si Zea nito dahil madalas siyang manood sa previos races ng kapatid pag hindi siya busy.
"Di ba 6 ang laban nila? Eh malapit ng mag quarter to 7." Sabi ni Sophia pagkasilip saw wristwatch na suot niya.
Nagkibit balikat naman yung dalawang kausap niya.
"Uy, si Dylan oh." Turo ni Janna sa dalawa ng matanaw niya si Dylan na paakyat papunta sa pwesto nila.
"Inip na ba kayo?" Tanong ni Dylan sa tatlong babae nung makarating siya sa pwesto nito.
Umusod sa susunod na upuan sa tabi niya si Zea para mabigyan ng vacant seat si Dylan sa tabi ni Sophia. Agad din naman umupo si Dylan sa upuan na inalisan ni Zea para sa kanya.
"Dy, hindi pa ba magsisimula?" Tanong ni Zea sa kapatid niya.
Umiling si Dylan. "Wala pa sila eh. Pag 7 na tapos wala pa din uuwi na tayo."
"What?! Ngayon nga lang ako makakanood ng race tapos postponed pa? No way!" Pagkontra ni Janna. Excited pa man din siya kanina pa tapos sasabihin na baka hindi dumating ang kalaban, naasar siya.
"Oh gusto mo ikaw na lang lumaban sa kanila para matuloy." Natatawang biro ng bestfriend niyang si Sophia sa reaksyon niya.
"De joke lang pala! Uwi na tayo pag wala sila ah?" Nakairap at sarcastic na sagot ni Janna.
Natawa naman tuloy yung tatlo sa inasal niya.
"Dude, nandyan na yung mga kumag." Napalingon sila sa lalaking nagsalita. Si Nate. "Oh hi girls." Bati pa nito sa tatlong babae na kasama ni Dylan.
BINABASA MO ANG
Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)
RomancePublished under Summit Media Pop Fiction Dylan and Sophia's first encounter might not be on the right foot as it involved beers, cigarettes and regrets. Sophia, mending a broken heart, made the worst mistake she had ever done her entire life, gettin...