Chapter Thirty Nine

136K 1.3K 100
                                    

Dedicated to youuuu! Wala ng paluan ng pwet ah, salamat sa all through out na support sakin. :)

Perfect Mistake Chapter 39

 

[Sophia]

 

"Happy Birthday ulit Sophia." Bati ni Mama Dea sakin.

"Thank you po Mama." Sagot ko sabay beso sa kanya.

"Happy Birthday hija, mauuna na kami ha." Bati at paalam naman ni Papa Zeus.

Nagbeso din ako sa kanya bago sumagot. "Thank you po Papa, ingat po kayo ah."

Tumango naman siya bago pumunta kay Dylan para magpaalam.

"Ate, uuwi na din daw kami ni Mama." Sabi ni Shane pagkalapit niya sakin.

"Ihahatid na namin kayo ni Dylan. Sandali tatawagin ko lang po." Sabi ko tapos akmang aalis na nung pigilan ako ni Mama.

"Wag na anak, magpahinga na lang kayo. Pagod din yang asawa mo kasi siya nag-ayos nito. Magtataxi na lang kami ni Shane." Sagot niya sakin.

"Sigurado po ba kayo?" Tanong ko naman.

"Oo naman. Sus, ako bahala kay Mama. Nagkakamuscle na kaya ako." Entra naman ni Shane sabay pakita DAW ng muscles niya.

"Muscle e lampayatot ka pa din. Sige na, hahatid ko na lang kayo sa gate at ipag-aabang ng taxi." Natatawa kong sabi kay Shane, muscles pa daw. Nahiya naman ang muscles din DAW ng Dy ko. Hahahaha.

"Dy, uuwi na din daw sila Mama." Tapik ko kay Dylan na nakikipag usap kay Lara at si isa pang bago naming kasama sa bahay.

"Hatid na po namin kayo." Alok din ni Dylan sa kanila.

"Ay hindi na anak. Sige na, may mga naiwan pang bisita dito. Magtataxi naman kami ni Shane." Tanggi ulit ni Mama, alam ko medyo nahihiya din yan kay Dy pero okay naman sila. Nakausap na din niya sila Mama Dea at Papa Zeus kanina, grabe ang cute lang makita silang nagtatawanan.

Napakamot na lang si Dylan sa batok niya. "Oh sige po Mama. Mag-iingat po kayo."

Ngiti lang ang sagot sa kanya ni Mama samantalang tinapik naman niya si Shane sa balikat.

"Dapat kasi bayaw, may kotse ka na eh." Biro ni Dylan kay Shane.

"Next time bayaw, pag graduate ko ng highschool." Cool na sagot naman ni Shane. Napapailing na lang tuloy ako.

"Oh? Highschool ka lang? Ang tangkad mo ah." Parang nagulat pa na tanong ni Dylan, matangkad nga naman kasi si Shane para sa age niya.

"Syempre, mana ko sa Papa namin e. Si Ate hindi eh. Hahahaha." Sabi ni Shane na may halong tukso sakin.

*PAK*

"Aray ah! Brutal ka talagang kapatid." Nanlalaking mata na sabi sakin ni Shane.

"Naglalambing lang ako sayo, ang sweet mo kasi sakin e. Tsk." Nakanguso kong sagot sa kanya.

"Oh siya tama na yan, mamaya magpapaluan na naman kayo eh. Gagabihin na tayo Shane." Awat ni Mama samin, alam kasi niyan na pagnagkakapikunan kami ni Shane halos magsuntukan na kami e.

Sinamahan namin sila mag-abang ng taxi sa gate.

"Ingat po kayo Mama." Halos sabay na sabi namin sa kanila bago sumakay ng taxi.

"Sige salamat." Nakangiting sagot ni Mama pagkatapos ay sumakay na din.

Hinintay lang din namin na makaalis yung taxi na sinakyan nila bago kami pumasok. Sa sala pa lang nakasalubong na namin agad sila Ate Zea.

Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon