Chapter Fifty Four

99.7K 1K 110
                                    

Chapter 54


*Cyril's POV*

"Text. Text. Tawag." Pabulong bulong kong sabi habang nakatitig sa cellphone ko. Peste lang, wala man lang bang tatawag?

"Hoy, tumunog ka nga!" Inis na inis kong sabi sa cellphone ko pero wala pa ding dumating na kahit ano.

"Arrrrgh!" Bwiset talaga! Ano? Wala na ba talaga siyang planong magtext man lang? Nyeta.

Sa inis ko inihagis ko sa paanan ng kama ko yung bwiset kong cellphone. Sana mabasag na siya dun, wala siyang silbi. Ah bwiset!

Ano bang plano ng may sayang na babae na yun at ilang araw siyang nagpaparamdam? Ano? Papamiss siya? Asa naman siya. Tss. Kung ayaw niya di wag, akala naman niya hahabulin ko siya? Tss. Bahala nga siyan dyan pag ako nanchiks iyak iyak na naman yun.

"Makatulog na nga lang. Bwiset."

Tinakip ko na lang sa buong mukha ko yung comforter ko at pumikit....

Pumihit ako sa kabilang side, tapos pihit ulit sa kabila...

"Bwiset naman talaga! Di ako makatulog oh!" Inis na inis kong hinagis naman sa sahig yung comforter ko. Nabuburyo na talaga ako sa buhay ko. Ewan ko ba, baka namimiss ko na yung abnormal na yun? Ay hinde. Baka naiinip lang ako talaga. Tsk.

Binuksan ko na lang yung TV sa kwarto ko at naglipat lipat ng channel. Naghahanap ng magandang mapapanood, pero napikon lang ako lalo. Wala. Walang magandang palabas. Tss. Pinatay ko na lang yung TV. Kaasar eh.

Tss. Ayokong maglaptop, ayokong makinig ng tugtog, ayoko uminom. Nakakainis naman, bakit ba ako di mapakali dahil sa babae na yun?

Pero kasi asar naman eh, dinate niya ako ng buong maghapon tapos hindi na siya nagparamdam pagkatapos? Ni hindi man lang magsabi kung ipagpapalit na ba niya ko? E di sana alam ko man lang. Asar talaga.

Sa inis ko nagderetso na lang ako sa banyo ko at nagshower. Kaso hanggang sa pagshoshower ko naaburido pa din ako. Din a yata ako matatahimik, kinulam ata ako ng honey na yun. Tss. Pagkalabas na pagkalabas ko ng banyo ko nagbihis lang ako kagad at dinampot yung susi ng kotse ko.

*

Tanaw ko na yung bahay niya, pero huminto pa ako. Mukha akong tanga ngayon dito na nagmamasid masid muna. Ewan ko ba kung bakit ako nagmamasid na parang stalker dito, gusto ko lang baka kasi lumabas siya eh. Atleast malaman ko lang na buhay pa pala siya at baliw pa din pwede na kong umuwi. Bahala na siya kung di na niya ako itext o tawagan.

Ang tagal kong naghintay sa labas, mga 7 minutes, pero hindi ko siya nakita. E sadyang mainipin pa din naman ako kaya bumaba na ako ng kotse. Bahala na, baka pagbukas niya ng pinto tatakbo na lang ulit ako pabalik ng kotse ko. Makita ko lang na okay siya, baka matahimik na ko. Atleast alam kong sinadya niya yung hindi pagtawag, ayoko man aminin sa sarili ko pero aaminin ko na nga na nag aalala din ako sa babaeng yun. Syempre alam ko naman may pagkaslow siya kaya nag aalala ako.

Huminto na ko sa tapat ng gate niya kasi pagtumuloy pa ko malamang mauuntog ako. Tss, sige pa Cyril gaguhin mo sarili mo. Tsk. Pinindot ko na yung doorbell at nagready na sa pagtakbo ko pabalik sa kotse ko.

Maya maya pa bumukas na yung pinto, patakbo na sana ako kaso nakita kong hindi naman siya yung lumabas sa pinto. Isang medyo matanda ng lalaki, medyo napakunot tuloy ako. Eto kaya yung umampon sa kanya? Kasi imposible namang pinagpalit niya ako dito 'no? Kukutusan ko talaga siya.

"Ano yun hijo?" Tanong nung may edad ng lalaki pagkabukas niya ng pinto.

"Nandyan po ba si Honey?" Tanong ko sa kanya.

Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon