Perfect Mistake Chapter 55
*Cyril's POV*
Dahil wala din naman akong napala sa pagpunta ko sa bahay ni Pukyot, dismayado na lang akong nagdrive papunta sa kung saan. Bahala na. Sana maligaw din ako, baka sakaling hanapin niya din ako.
Paliko na ako sa kabilang kanto nung biglang umulan ng malakas. Great, nakikisabay pa sa mood ko yung ulan.
Nagdrive lang ako ng nagdrive papunta sa kung saan saan. Kung san ko matripan dumaan o lumiko dun na lang. Naiinis pa din ako sa babae na 'yon. Ano bang akala niya sakin para bigla niya akong iwan ng walang pasabi? Tss.
Tinuloy ko na lang yung pagdridrive ko habang tuloy din naman yung ulan. Ayoko pang umuwi sa unit ko, wala naman akong gagawin dun.
Paliko na ulit ako nung may napansin akong babae na naglalakad sa gilid ng kalsada. Tss. Emo din yun ah, damayan ko sana kung hindi umuulan eh. Lalampasan ko na sana yung babae nung napansin kong gegewang gewang siya ng lakad. Lasing ba 'to?
Nung tumapat ako sa babae napahinto ako ng kotse ko. Pakiramdam ko kasi kilala ko siya eh. Napailing na lang ako nung naisip kong baka si Pukyot 'to, pero bumaba na lang din ako ng kotse ko para lapitan yung babae. Parang si Pukyot nga.
Unti-unti na din akong nababasa pagbaba ko pa lang nung kotse ko. Hinanap ko yung babae sa paligid pero parang nawala na siya. Ang bilis naman nun. Ano yun ninja? O baka naman, napalunok ako, baka naman multo! Pakshet naman oh! Pasakay na dapat ako ulit sa sasakyan ko nung napansin ko na yung babae nakahandusay na pala dun sa gilid ng kalsada.
Nilapitan ko siya pero hindi ko nakita yung mukha niya kaya kinuha ko na lang siya mula sa sahig. Inalis ko yung mga buhok na nakaharang sa mukha niya.
Napakunot ako ng gwapo kong noo. "Janna?!"
*
Tinignan ko lang si Janna na tulog na tulog sa upuan ng kotse ko. Basang basa ng ulan, pati tuloy kotse ko nabasa. Ano bang nangyari dito? Ba't naglalakad 'to?
Naisipan kong tawagan si Nate para itanong kung nasaan siya at kung pwede kong dalahin ang girlfriend niya sa kanila. Kaso pagkapa ko sa pantalo ko, walang laman. Bwiset nasaan na ba yung cellphone na yun? Parang naiwan ko pa yata sa unit. Tss.
Nakita ko naman na hawak pa naman ni Janna yung cellphone niya kaya kinuha ko na muna yun. Sinubukan kong i-on pero mukhang ayaw din gumana.
"Tss. Basa pala eh! Nak ng tokwa naman oh. Dadalahin na nga lang kita kila Nate!" Sabi ko kay Janna kahit tulog naman siya.
Nagsimula na akong maghanap ng daan papunta kila Nate. Kasi naman kung saan saan ako napadpad, hindi naman na pamilyar sakin 'tong lugar na 'to. Tss.
Akala ko pa naman si Pukyot na yung nakita ko. Tss, baka naman namalikmata lang ako kanina. Kakaisip ko siguro 'to kaya Pukyot.
"Mmmmmmm....." Narinig kong umungool si Janna sa shotgun seat. Nanginginig pa siya, mukhang nilalamig ng sobra. Basang-basa kasi.
"Pst Janna, gising ka ba? Dadalahin kita kila Nate." Sitsit ko sa kanya.
Hindi naman siya agad sumagot, malamang 'to sleeptalking lang. Hindi ko na sana ulit papansinin si Janna kaso narinig kong bigla siyang humikbi.
Hininto ko tuloy yung kotse ko sa isang gilid. Sinilip ko siya, nakapikit namanh pero umiiyak nga. Sinukan ko siyang tapikin ng mahina.
"Uy Janna, gising." Pero hindi siya sumagot.
"Janna!" Nilakasan ko pa yung tapik sa mukha niya pero hindi naman siya nagising. Tuloy nga lang yung pag iyak niya.
BINABASA MO ANG
Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)
RomancePublished under Summit Media Pop Fiction Dylan and Sophia's first encounter might not be on the right foot as it involved beers, cigarettes and regrets. Sophia, mending a broken heart, made the worst mistake she had ever done her entire life, gettin...