Dedic ulit sa paborito kong kuting! Hahahah. Kawaii! Natutuwa talaga ako sa tuwing nag uupdate ka ng Trust Me, Mr. Cold. Una at kaisa isang story na tungkol sakin! <3
Perfect Mistake Chapter 60
*Sophia's POV*
"Sophia, thank you ha? Medyo nakakahiya man dahil first time natin mag usap tapos ganito pa." Sabi ni Alisha habang tinutulungan na din akong mag-ayos ng mga gamit.
"Wala yun. At least ngayon mas nagkakaintindihan na din tayo. Salamat din sa pag aabala mong sabihin sakin 'to." Sagot ko sa kanya. Hindi niya kasi ako tinigilang kumbinsihin hanggang sa hindi ako pumayag na umuwi na sa bahay kasabay niya.
"I realized that you should know about this." Maikling sagot niya bago ngumiti at sinara yung bag ko. Hindi niya din ako tinigilan hanggang hindi ako pumayag na tulungan niya ako mag ayos ng ilang gamit namin ni Aian. Yung mga importante lang. Paraan niya daw 'to sa pagtanggap ni Dylan kay Zion at sa pagpayag ko na doon sa bahay tumira yung bata.
Pagkatapos naming magligpit ng mga gamit tinulungan na niya din akong magbaba nito habang binuhat ko naman si Aian. Nasa sala si Mama at Shane.
"Nandyan na yung taxi sa labas." Nakasimangot na sabi ni Shane samin. Alam ko na naiilang siya sa presence ni Alisha at naiinis siyang maiiwan na naman silang dalawa dito ni Mama sa bahay.
"Tumawag kayo anak pagkadating niyo doon, mamimiss ko itong apo ko." Sabay halik ni Mama ko sa pinsgi ni Aian na as usual ay tulog na naman. Kaya lalo siyang lumalaki e.
"Opo. Dadalaw po kami dito next weekend." Sagot ko kay Mama para naman hindi siya mag tampo sakin, pati na din si Shane. Isasama ko na din si Dylan.
"Oh sige. Isama niyo na din itong si hija sa susunod na pagdalaw pati iyong anak niya ng makita ko naman." Nakangiting sagot ni Mama kay Alisha. Isa sa mga bagay na hinahangan ko kay Mama ay yung lawak ng pang unawa niya. Pinaliwanag namin sa kanya lahat ng napag usapan namin ni Alisha kaya naiintindihan niya kami. Hindi din siya mapagtanim ng sama ng loob sa mga tao kaya madali siyang magpatawad. Sana namana ko yun sa kanya.
"Opo." Maigsing sagot lang ni Alisha.
"Yung taxi naghihintay na." Pagsusungit na naman ni Shane kaya ginulo yung buhok niya.
"Bbye tito Shane." Pang aasar ko sa kanya habang ginagalaw galaw yung kamay ni Aian na parang kumakaway. Umismid lang si Shane pero ngumuso pagtapos ay sumagot din.
"Bye baby."
*
"Oh bakit ka kinakabahan e uuwi ka lang naman sa bahay mo?" Natatawang tanong ni Alisha pagkatapos kong magdoorbell. Ewan ko ba kung bakit din. Siguro kasi hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Dylan pag nagkaharap na kami.
"Relax." Sabi niya sabay ngiti sakin. Huminga lang ako ng malalim bago ibalik yung ngiti sa kanya.
Nagmamadali namang magbukas ng pinto yung kasama namin sa bahay nung nakita niya akong kumaway.
"Nako ma'am mabuti naman po at bumalik na kayo!" Tuwang tuwa niyang sabi habang inaabot yung bag na dala ni Alisha.
"Nasan si Dylan?" Palingon lingon kong tanong nung papasok na kami sa front door.
"Nandyan lang po sa sala Ma'am."
Pagpasok namin sa loob naabutan ko si Dylan na naglalakad galing yata sa kusina habang buhat si Zion.
BINABASA MO ANG
Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)
RomancePublished under Summit Media Pop Fiction Dylan and Sophia's first encounter might not be on the right foot as it involved beers, cigarettes and regrets. Sophia, mending a broken heart, made the worst mistake she had ever done her entire life, gettin...