"Better to write for yourself and have no public, than to write for the public and have no self." ― Cyril Connolly
I thank Cyril Connolly for this quote. Nakapag update tuloy na ulit ako! :) Happiness. :)
Perfect Mistake Chapter 59
*Sophia's POV*
"Can I come in?" Tanong niya na nakapagpabalik ng ulirat ko. Nagulat ako na siya yung nakita ko pagbukas ko ng pinto. Siya ang pinakahuling taong ineexpect ko na pupunta dito. Ano bang pakay niya?
"Uh..Sophia?"
"Ha?" Napatanga na naman pala ako ng hindi ko namamalayan. Parang wala talaga ako sa sarili ko nitong mga huling araw.
"Can I?" Tanong niya ulit kaya tumango na lang ako at binuksan pa yung pinto para makapasok siya.
Hindi ko naman itatanggi sa sarili kong may galit ako kay Alisha dahil bigla bigla na lang siyang bumalik sa buhay ni Dylan pagkatapos ng matagal na panahon. Kung kailan akala ko ayos na kami saka niya sasabihing may anak sila. Pero kahit na galit ako sa kanya pinatuloy ko pa din siya sa bahay namin. Gusto kong malaman kung anong pakay niya. Gusto kong marinig ang sasabihin niya kahit na natatakot ako sa posibilidad na baka masaktan lang ako.
"Upo ko muna. Gusto mo ba ng coffee? Juice? Tea?" Alok ko sa kanya habang pormal lang yung mukha ko. Uneasy ako dahil ito yata ang unang pagkakataon na mag uusap kaming dalawa ni Alisha, ng kami lang talaga.
Umiling siya. "No. I'm fine. Hindi naman ako magtatagal e, gusto lang talaga kitang makausap."
Umupo ako sa sofa na halos katapat ng inuupuan niya. Pakiramdam ko nanginginig yung buong katawan ko sa kaba pero sinusubukan kong hindi ipakita sa kanya. "Ano bang ipinunta mo dito?"
Huminga siya ng malalim bago sumagot sa tanong ko. "I know you may probably hate me for intruding to your life and Dylan's." Napangiti siya ng mapait bago magsalita ulit. "Pero wala na kasi akong ibang malapitan e, isa pa naisip ko na kailangan din ni Zion na makilala kung sino talagang Daddy niya."
Napakunot naman ako sa sinabi niya. Ano bang plano niya? Na ipamukha sakin na anak nga talaga ni Dylan si Zion? Alam ko naman e. "Yun lang ba?"
Umiling siya. "Sophia, I was diagnosed with leukemia."
"Ha?" Para akong nabingi ng konti sa sinabi niya o hindi lang talaga madigest ng utak ko yung mga salitang sinabi niya.
"Sophia, I'm nearly dying." Pagkatapos niyang sabihin yun bigla siyang yumuko. Nakarinig na lang ako ng ilang hikbi na sigurado akong galing sa kanya.
Leukemia? Mamamatay? Yun ba ang dahilan kung bakit bigla niyang dinala si Zion para ipakilala kay Dylan pagkatapos ng halos two years dahil sa malapit na siyang mamatay? Hindi ko agad nakuhang magsalita dahil sa sobrang gulat ko.
"Siguro karma ko na 'to sa pangloloko ko kay Dylan noon. Sa pagtatago ko ng anak namin sa kanya. Madami akong naging kasalanan kay Dylan noon Sophia. Kaya ngayon ginawa ko yun para maitama kahit papaano yung mga mali ko."
Tuloy tuloy siyang nagsalita at ako naman nakikinig lang sa kanya. Bukod sa nagulat ako at hindi ako makapagreact o makapagsalita sa mga sinabi niya hindi ko din alam ang dapat kong sabihin sa kanya ngayon.
"Tinakwil na ako ng family ko dahil sa mga ginawa ko noon. Yung partner ko na akala ko susuporta sakin dahil sa sakit ko iniwanan ako. Wala ng natira sakin Sophia, si Zion na lang." Nakita kong umiiyak na siya nung inangat niya yung tingin niya.
BINABASA MO ANG
Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)
RomancePublished under Summit Media Pop Fiction Dylan and Sophia's first encounter might not be on the right foot as it involved beers, cigarettes and regrets. Sophia, mending a broken heart, made the worst mistake she had ever done her entire life, gettin...