Chapter Twenty Two *part 2*

188K 1.8K 77
                                    


Perfect Mistake Chapter Twenty Two II


*Cyril's POV*



"Stalker ba kita?! Saan mo nakuha yung number ko ha?!" Inis na inis kong tanong. Akala ko pa naman hindi ko na maririnig yung maingay na bibig ng babae na 'to tapos bigla tatawagan niya ako?

"Hihihi! Nung nakatulog ka sa bahay ko idinial ko yung number ko gamit ang phone ko! Brilliant ng idea ko di ba?! Hihihi!" Hagikhik na naman siya ng sa kabilang linya.

"Wala! Walang batman dito! Nakipagtanan na kay Darna! Wag ka ng tatawag dito, naiintindihan mo? Ipapasapak kita kay Hulk!"

Inend call ko na bago pa ako mabwisit ng tuluyan.

Hindi ko pa naibabalik sa bulsa yung cell phone ko nag vibrate na naman.

Incoming Call...

Unregistered Number


Priness ko na lang din ulit yung red button para mag end call.

Pero sadyang may lahing kiti kiti yata yung babae na yun!

Incoming Call...

Unregistered Number


Para hindi na siya matakatawag pa ulit pinatay ko na lang yung cell phone ko. Hahahahaah! Akala niya dyan ah, mautak 'to!

"Hah!"

Dahil nandito na din naman ako sa parking lot naisipan ko ng hindi na lang din ako babalik sa loob dahil baka hindi na ako ulit makatakas dun sa babaeng nakalimutan ko ang pangalan. Uuwi na lang ako o kaya magdridrive thru dahil wala naman akong lulutuin sa unit ko. Kinuha ko na yung susi ko at inunlock yung kotse ko.

*beep!*

Pasakay pa lang ako nung kotse ko nung...

"Pssst."

Dahil natural na instinct ng tao na pag may sumisitsit lilingon, ganun ang ginawa ko. At nagsisi ako. Napasapo ako sa noo ko nung nakita ko kung sino yung sumitsit.

"Wah! Hello batman!" Sabi nung baliw na babae na parang nanggulat pa siya. Hindi naman ako nagulat, nabwiset lang ako.

"Ano na naman ha?! Paano mo nalaman na nandito ako?! Sabi na nga ba't stalker ka eh!" Inis na inis ko ng tanong at sabi sa kanya pero nagpipigil pa ako dahil baka makutusan ko 'to sa bumbunan niya.

"Nag install kasi ako ng call tracker sa phone ko tapos ginamit ko nung tinawagan kita. Nadetect agad kasi nandun lang naman ako." Sabay turo niya sa isang upuan sa gilid ng sidewalk. "Nakatambay ako dun kanina. Hihihi! Galing 'no?!"

"Tssss! Kamalas malasan naman oh." Bulong ko sa sarili ko habang napapailing na nakatingin dun sa babaeng may topak. Tinakasan ko nga yung humaharot sakin sa loob tapos may isa pang may topak na nakaharang sa'kin ngayon dito.

"Uy uy! Tara kain tayo?!" Sabay higit niya sa sleeves ng polo ko.

Pinalis ko kaagad yung kamay niya, makahawak siya sa damit ko parang close na kaming dalawa."Tsk! Dun ka na nga, umuwi ka na sa inyo. Bawal ng gumala ang may sayad sa ulo."

"Eh! Sige na, kumain na tayo! Please please please please!"

"Hindi ako nagugutom!" Pagsisinungaling ko, pero kumontra yung tyan ko.

Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon