Ze characters at the multimedia. =)
Perfect Mistake Chapter One
"Wooo! Nice one Dude." Bati sakin ng barkada kong lagging bano na si Nate. Nanalo na naman kasi kami sa race laban sa grupo nung si DK.
"Sabi nga ba matatalo na naman yung mga yun. Tss bulok." Sabi naman ni Cyril, ang pinakamalapit sakin sa grupo.
"Tss. Kelan ba nanalo satin yang mga 'yan?" Pagyayabang ko naman sa kanila. May karapatan naman ako kahit papano magyabang pagdating sa pagkakarera, kasi kilala talaga ang grupo namin dahil ditto.
"Syempre. You're the great Dylan Elizalde. Ang rank 1 sa loob ng racetracks." Sagot naman ni Brix sa pagyayabang ko . Akala naman niya hindi ko napansin, nagpapalapad lang siya ng papel sakin dahil may gusto siya sa kapatid ko.
"So what now? Aren't you gonna treat us for a drink?" Tanong naman sakin ni Enzo. Ang conyo saming lima. Minsan gusto ko na 'tong batukan sa kakaenglish niya samantalang marunong din naman magtagalog. Tss, laki kasi sa US eh.
"Tara na, sa dating bar pa din. Ang mahuli manlilibre ng susunod ng set ng drinks." Hamon ko sa kanila.
"Call." Sagot naman nilang apat ng nakangisi.
Nagkanya-kanya kaming sakay sa mga kotse naming at nag-unahan papunta sa bar. Gawain na naming 'tong ganito tuwing mananalo kami sa laban, at madalas yun. Kilalang-kilala kami sa school na pinapasukan namin bilang Fast Five. Mga kapwa schoolmates namin at mga nakalaban namin ang nag bigay ng pangalan sa grupo namin. Nasanay na lang din kami. Mabibilis naman kasi kami talaga pagdating sa racetracks at sabi ng iba pati na daw sa babae. Tss, si Cyril lang yun kasi siya lang ang pinakamadaming babae samin.
Saglit lang nakarating kami agad sa bar, pinakahuli si Brix na dumating kaya manlilibra din siya.
Pagkapasok pa lang naming sa bar madami na agad lumapit na mga babae, eto yung sinasabi ko eh, Di naman kami babaero, kasalanan ba naming na sila ang lumapit samin?
"Dude sige, dun muna ko ah. Baka nangungulila na yung mga yun sa appeal ko." Nakangising sabi ni Cyril bago pumunta sa kabilang side ng bar kung saan nandun yung mga babae. Napakababaero talaga nito.
"Wag ka ng babalik dito." Asar sa kanya ni Nate. Nagtawanan tuloy kami.
Paupo na sana kaming apat nung may babaeng nakabunggo sakin.
"Hoy! Mag iingat ka naman!" Sigaw ko dun sa babae na nilagpasan lang ako. Hindi ko tuloy nakita kung sino yun.
"Ay Dylan! Sorry. Sorry talaga nabangga ka nung friend ko. Sorry ha?" Sabi ni Krista. Schoolmate namin at naging kaibigan ko na din. Madalas kasi siya dito sa bar.
"Kaibigan mo ba yun?" Inis kong tanong sa kanya. Di man lang kasi nag-iingat yung babae na yun.
"Oo classmate ko yun eh. Pasensya ka na talaga Dylan, may problema kasi yun kaya wala ng pakialam sa mundo. Kaya ayun. Sorry ulit." Pag ulit ni Krista.
"Sige na. Wala naman na magagawa kung maiinis pa ko." Sagot ko sa kanya. Sincere naman kasi ang pagsorry ni Krista kaya hinayaan ko na.
"Dude! Relax! We'er here to enjoy." Bati sakin ni Enzo nung naupo akong nakasimagot. Mainitin kasi talaga ang ulo ko, simpleng bagay lang masisira kaagad ang araw ko. Naiinis kasi ako dun sa babae, ang lakas makabangga kala ko mababali buto ko sa braso. Tss.
***
"Andrei ano ba? Ano bang problema mo?" Pilit kong hinahawakan ang balikat ng boyfriend ko pero pilit niya din yun na inaalis.
BINABASA MO ANG
Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)
RomancePublished under Summit Media Pop Fiction Dylan and Sophia's first encounter might not be on the right foot as it involved beers, cigarettes and regrets. Sophia, mending a broken heart, made the worst mistake she had ever done her entire life, gettin...