Chapter Eight

261K 2.8K 256
                                    

 

 

Perfect Mistake Chapter Eight

 

*Sophia's POV*

 

 

"Okay ka lang ba?" Tanong ni Ate Zea habang nagdridrive papunta sa bahay nila. Sinundo niya kasi ako at yung mga gamit ko sa bahay. Kahit na ayoko sana talagang iwanan sila Mama sa bahay, wala na din akong nagawa kung hindi pumayag.

"Okay lang po." Nakangiti kong sagot sa kanya.

"Pasensya ka na hindi na si Dylan ang sumundo sayo, may klase kasi siya eh. Isasabay na lang din kita mamaya pagpasok mo sa hapon." Sabi niya din ulit sabay sulyap sandal sakin.

"Ate Zea, may itatanong po sana kasi ako. Nasan po yung parents niyo? Kasi po parang hindi ko pa po sila nakikita. Alam na po ba nila?" Tanong ko dahil na din sa curiousity. Dapat sana kay Dylan ko itatanong 'to ngayon kaso wala naman siya. Gusto ko lang kasing malaman kung ayos lang bas a mga magulang nila na doon ako sa bahay nila titira. At kung alam na ba nila yung tungkol sa pagbubuntis ko.

"Hindi mo ba alam? Hindi pa naikwento sa'yo ni Dylan?" Gulat na tanong niya. Siguro ngayon nag iisip na si Ate Zea kung anong klaseng relasyon ba meron kami ni Dylan dahil madami kaming hindi alam tungkol sa isa't-isa.

Umiling na lang ako.

"Hindi siya siguro nasabi sayo kasi ayaw niya naman talagang pag uusapan ang topic na yun. Hindi kasi magkasundo ang parents namin ngayon. 2 years na silang nakahiwalay samin. Si Mama nasa France at pinagkakabusyhan na yung lumalaki niyang business dun kasama yung ibang relatives namin. Si Papa naman, nagtayo din ng business sa Norway dahil nandun yung lolo at lola namin, yung parents niya. Since then hindi pa sila umuuwi dito kaya nasanay na lang kami sa video calls, e-mails at mga padala nilang packages tuwing may occasion. Kaya ayaw na ayaw na pag usapan ni Dylan yun." Malungkot at seryosong kwento ni Ate Zea. Naiintindihan ko na ngayon kung bakit sila lang sa bahay nila. Nalungkot naman ako para sa kanila, sigurado akong miss na miss na nila ang parents nila.

"Namimiss niyo na siguro sila 'no?" Tanong ko kahit alam ko naman na yung siguradong sagot.

"Sobra. Lalo noong umpisa. Sanay naman kami kasi na lagi kaming magkakasama kaso mas ginusto na din naming 'to ni Dylan kesa nakikita namin silang parating nag-aaway. Mas masakit para samin yun tuwing nakikita naman na umiiyak sila parehas." Halos pabulong na lang yung mga huling sinabi ni Ate Zea. Masyado ngang personal at sensitive ng topic na 'to para sa kanila. Siguro parehas din ng pakiramdam ko pag napapagusapan ang Papa ko.

"Alam na po ba nila?" Huminto ako saglit. "Yung tungkol sa baby?"

Umiling si Ate Zea. "Nagsend ako sa kanila ng e-mail na may mahalaga akong sasabihin sa kanila kaya tatawag sila as soon as mabasa nila yun. Minsan kasi palipat lipat sila ng bansa dahil sa business deals kaya hinihintay na lang naming sila ni Dylan na tumawag. Sana pagnalaman nila ang tungkol sa baby, mapauwi silang dalawa." Hopeful na sabi ni Ate Zea. Kahit papano natuwa ako sa thought na mapapauwi ang parents nila. Siguradong mamatuwa si Ate Zea at Dylan.

Maya-maya pa nakarating na din kami sa bahay nila, agad naman kaming tinulungan nung mga kasambahay nila na magbaba ng mga gamit ko.

"Pakiakyat na lang sa kwarto nila yung mga gamit niya." Utos lang ni Ate Zea sa mga kasambahay nila na kumuha ng gamit ko.

"Zea, nakahanda na yung tanghalian niyo sa lamesa. Kumain na kayo at aalis pa kayo pagkatapos nito hindi ba?" Nakangiting salubong samin ni Manang Emmy.

Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon