Bagot na bagot si Justin sa buong klase. Bukod kasi sa puro introduce yourself ay introduction lang ng subjects nila. Bored na bored siya, kasi naman expected niya na may discussion or quiz na agad.
He is really smart. Kaya naman nababagot siya sa klase tuwing madali ang lessons or walang pinapagawa ang teacher.
Nakuha ang attention niya ng research teacher niya.
"Tomorrow,we'll have your groupings in your research project. You are going to have four members each group. Malinaw?" tanong nito.
Nagtaas siya ng kamay. "Ma'am, kami ang maggu-group or kayo po?"
Ayaw naman talaga niyang magtanong. Kaya lang ay gusto niyang mapaghandaan. Ayos sana kung sila ang pipili ng makakagrupo.
"Advance mo naman, Jah." kumento ni Ken na kinukutkot ang kuko.
"Para lang mapaghandaan," paliwanag niya.
"Basta ako kahit sino. Sana si may maganda akong maka-group," pilyong sabi ni Josh.
"Puro ka landi. Makati ka pa sa gabi," biro ni Jah rito.
"Gago!"
Inayos ni Ms. Guerrerro ang salamin niya at matalim na tiningnan ang gawi nila, kaya awtomatiko silang umayos.
"Ako ang maggugrupo sa inyo para fair. Lahat ng magrereklamo, mag-i-individual!" pinale nitong sabi na naging sanhi ng mga ungol at reklamo sa room. "Nasa palengke kayo?" dagdag niya kaya natahimik ang klase.
"It's okay, ma'am. It's better you divide us to make it fair," komento ni Pablo.
"Paepal," bulong ni Laude.
"Oh 'di ikaw na!" ani Josh.
Nagkatinginan sila dahil dito. Mabuti na lang at hindi sila narinig ni Pablo.
Kinuha ng teacher ang mga gamit niya at tumayo na. "If you don't have questions, you may now take your break," anito saka tuluyan ng lumabas.
TUMAYO na Laude at kinuha ang bag niya. Ginugutom na siya kaya pupunta na sana siya sa cafeteria.
"Hey! Wait for us, mare," pahabol na sabi ni Louise, kasunod naman niya si Kyra.
Nagtuloy lang siya sa paglalakad at hindu ito pinansin.
Binilisan ni Louise ang lakad para mahabol ang nauna. "Wait kasi, mare. Wala kang kasabay kaya sasabayan ka na namin."
Hindi na niya ito pinansin at nakisabay na lang sa mga kaklase niya palabas. Hinayaan na lang niyang nakasunod ang dalawa sa likod niya.
NAUNANG lumabas si Ken na sinundan naman ni Josh at Jah. Dahil nag-uunahang lumabas ang mga estudyante ay nasiksik ni Jah si Laude kaya naapakan niya ang paa sa likuran niya.
"Bullshit! Bakit kasi nagtutulakan?!" napasigaw ang lalaki sa likuran niya.
Parang alarma ang mga kaklase nila kaya mabilis pa sa alas kuwatrong nagsialisan ang mga ito.
"Bakit mo tinapakan ang sapatos ko? Bulag ka ba?" Mahahalata sa boses nito ang pagkairita.
"Natulak lang ako. Hindi mo ba nakita? Baka ikaw ang bulag!" pagdadahilan ni Laude.
Ginulo ng lalaki ang buhok niya at hinarap siya. "Bakit kailangan mong makipagsisikan diyan?! Sana naisip mong may nasa likuran."
"Wow! Bakit ka kasi sumunod? Dapat mamaya ka na lumabas. Sa 'yo ba itong daan?" ayaw patalo ng dalaga.
"Ang tapang mo. Bakit, kaya mo ba 'ko?"
Naikuyom ni Laude ang kamao niya.
Isa pa. Masasapak na talaga kitang braces ka! Required bang 'pag may braces masungit? Hinayupak!
Lumapit si Jah at sinubukang kausapin ang lalaki. "Pablo, it was my fault. Natulak lang din kasi ako."
"Am I talking to you? Ikaw ba ang nakatapak?" mahina pero may diin nitong sabi.
"I was just explaining what had happened. Hindi naman niya..."
"The hell I care! Dapat kasi hindi kayo nagsisiksikan. Ang luwang ng daan, oh!"
Lumapit na sina Ken at Josh gayon din si Stell para awatin si Pablo.
"Bakit ka ba nagagalit? Wala namang may gusto no'n," singit ni Josh sa usapan.
Napabuga ng hangin si Pablo. "Sana kasi tumingin kayo sa daan. Hindi niyo ba alam na may nasa likod?"
"Pau, tara na," yaya ni Stell. Napatingin siya kina Kyra at Louise na halatang natatakot na.
"Kaya nga nag-e-explain," walang ganang sabi ni Ken.
"What is the purpose of explaining if everything is done? At sa inyo pa talaga nanggaling?" Napatawa pa ito.
"Okay, pasensya na. It was my fault. Let's settle this matter. Natatakot na sila," turo ni Jah kina Kyra.
"Wow! Settle. Sana may chance din akong i-settle lahat no'ng may chance pa," anito sa pagitan ng malalim na paghinga.
Lumapit na si Josh na halatang inis na rin. "Hanggang ngayon ba naman, Pau? Move on!"
"Gago ka ba? Alam mo ba 'yung pinagdaanan ko?" tanong ni Pablo.
"Ano ba?! Kung mag-uusap kayo rito tungkol sa past niyo, p'wedeng paraanin niyo kami?! Ikaw, braces!" Tinuro niya si Pablo. "Hindi ako natatakot sa 'yo kaya tigil tigilan mo ko ng kayabangan mo. Ikaw, Stell tama ba? Sabihan mo 'yang braces na 'yan at baka mabalatan ko 'yan ng buhay. Kayo namang tatlo, 'wag patola. Kalalaking tao, nakikisawsaw. Tabi nga!" inis na inis na sabi ni Laude sabay tulak sa nasa harap para patabihin.
Sumunod sa kaniya sina Kyra at Louise na hindi makapaniwala sa ginawa niya.
DAHIL badtrip sina Josh at Ken ay si Jah ang pumila sa cafeteria para mag-order ng pagkain. Kilala na niya ang dalawa. 'Wag kausapin 'pag badtrip para hindi madamay.
Nasa kalagitnaan siya ng pila nang may makita siyang pamilyar na mukha. Agad siyang ngumiti at kinawayan ito.
"Jhoana!"
"Jah!" bati nito at ngumiti rin sa kaniya. Lumapit ito sa kaniya. "Kamusta?"
Nginitian niya ito. "Ayos naman. Tagal nating hindi nagkita. Ikaw kamusta?"
"Ayos lang din. Kayo kasi, hindi na napupunta sa amin." Napanguso ito.
"Alam mo naman 'yung nangyari. Saan ka pala pupunta?"
Inayos ni Jhoana ang buhok na tumabing sa mukha niya saka ngumiti. "Do'n sa table namin nila kuya. Nauna na si Kyzha ro'n. Baka nga nagagalit na sila."
"Ang sungit ng mga kapatid mo. Buti na lang naiba ka sa kanila," pagbibiro nito.
Hinampas niya sa braso si Jah. "Oy! Grabe. Hindi naman ganyan dati si kuya."
"Sabagay. Tama ka naman. 'Pag bumait ba sila, palalayasin na sila ni Satanas sa impyerno?" ani Jah sa pagitan ng pagtawa.
"Hoy! Ang sama mo sa kanila. Sige na mauna na ko," pagpapaalam nito.
"Ingat ka. Baka ma-fall ka...sa akin," banat nito.
"A-Ano?" hindi na naiwasan ni Jhona-ng pamulahan ng mukha.
Ngumit si Jah. "Wala. Ingat ka kako. Baka madapa ka sana."
Hinampas ulit siya ni Jhoana kaya natawa na lang siya. Iniwan na siya nito sa pila kaya naman umayos na siya para makabili na ng pagkain nila.
A/ N
Hi! Hehehe update ulit. Para naman kiligin ang isa r'yan. Hahaha ito na muna. Wala pa kong na-type sa drafts ko, pero mamaya magta-type ulit ako. hehe
HAPPY BIRTHDAY, STELL! Hindi mo naman 'to mababasa, pero happy birthday pa rin.
This chapter is dedicated to Jhoana and Luna. 😘
![](https://img.wattpad.com/cover/273673255-288-k896356.jpg)
BINABASA MO ANG
HOW TO DEAL WITH AN IDOL (SB19 Fan Fiction #1) [COMPLETED]
FanfictionLumipat si Kim Laude ng tirahan para takasan ang mga ala-alang pilit n'yang kinakalimutan. Kasabay ng paglipat n'ya ay ang paglipat n'ya ng paaralang papasukan. Subalit sa pagpasok n'ya ng unibersidad ay makikilala n'ya ang limang kalalakihang pinag...