Ilang araw nang napapaniginap ni Pablo ang nangyari dati. Naguguluhan siya kung sasabihin ba niya kay Laude ang lahat o hahayaan na lang ito dahil sa takot na magalit ito at iwasan siya.
"Sasabihin mo ba?" tanong ni Stell habang nakaupo sa hood ng sasakyan at umiinom ng fruit shake. Nasa parking lot sila hinihintay sina Josh para sa photoshoot nila sa isang endorsement.
"Hindi ko alam. Gusto kong sabihin sa kaniya, pero alam kong magugulo na naman ang lahat," sabi ni Pablo. Nakasandal ito sa sasakyan niya at nakatingin sa daan ng mga estudyante.
"Gets kita. Kaya lang alam malalaman niya rin 'yon p'wedeng sa iba."
"Hindi ko na alam. Sasabihin ko rin siguro. Kaya lang 'wag muna ngayon. Pakiramdam ko may problema siya. These past few days parang balisa siya," sagot ni Pablo habang kinuha ang cellphone nito para i-check ang oras.
"Pansin ko rin. Kahit si Jea madalas nakikita ko siya na may patagong kausap. Minsan nga pati si Jhoana," nagbibiro ang tono ni Stell.
"Si Jea napansin ko rin. Pero bakit pati si Jhoana?" takang tanong ni Pablo.
Nagkibit balikat lang si Stell. Hindi nagtagal ay dumating na rin ang iba kaya sumakay na sila sa kaniya kaniyang sasakyan at nagtungo sa studio.
Agad silang nagbihis at inayusan pagdating sa site. Kinukuhanan sila ng video nina Jea at Jhoana dahil isasama iyon sa vlog nila.
Ilang sandali pa ay isinalang na sila para sa photoshoot.
Naupo ang mga girls sa isang sulok habang hinihintay sila, habang sina Jea at Jhoana ay kumukuha pa rin ng video.
Si Kyra ay nakaupo sa tabi ni Laude habang nakikinig ng music habang sina Kyzha at Louise naman ay busy sa pag-uusap sa ayos na gagawin sa boys sa concert.
Napakunot ang noo ni Laude nang makatanggap ng text mula sa unknown number.
May park na malapit sa location mo. Meet me there. Mag-usap tayo.
Siraulo ba ito? Sino ba 'to?
Inignora niya ang mensahe pero hindi pa nagtatagal ay may natanggap ulit siya galing sa parehong numero.
Hey, Kim! Please let's meet. I won't harm you. Tinabuhan mo 'ko last time. I just wanna say goodbye and personally apologize. Please? I'll be leaving the country soon.
Itinago niya ang cellphone niya sa bag niya. Umayos siya ng upo at nag-isip kung pupuntahan niya ba ito.
Ilang minuto siyang nakatanga bago niya napagpasayhang puntahan ito. Kinuha niya ang bag niya at tumayo.
"Sa'n punta?" tanong ni Kyra.
"Diyan lang sa labas. Magpapahangin," sagot niya. Hindi na niya hinintay ang sagot nito at umalis na siya.
Ilang minuto lang siyang naglakad at nakarating na rin siya sa park.
Naupo siya sa swing at pasimpleng iniugoy ang sarili.
Naisip niyang makipagkita rito para maka-move on na siya. Alam niya sa sariling kinasusuklaman niya ito pero nagbabakasakali siya na ito ang paraan para maghilom ang sarili niya sa pagkakasugat ng nakaraan.
"Hindi ka pa rin nagbabago, maganda ka pa rin," bungad ng lalaki. Naupo ito sa isang duyan at bumaling sa kaniya.
Binalot ng pagkasuklam ang pagkatao niya. Naalala niya ang ginawa nito dati. Sa totoo lang ay gusto na niyang tumakbo pero pilit siyang nagpakatatag lara harapin ito.
Napangiwi siya. "Hindi ka pa rin nagbabago. Mabulaklak pa rin ang dila mo."
Tumawa ito. "Yeah. Pero hindi naman tumatalab sa 'yo."
BINABASA MO ANG
HOW TO DEAL WITH AN IDOL (SB19 Fan Fiction #1) [COMPLETED]
Fiksi PenggemarLumipat si Kim Laude ng tirahan para takasan ang mga ala-alang pilit n'yang kinakalimutan. Kasabay ng paglipat n'ya ay ang paglipat n'ya ng paaralang papasukan. Subalit sa pagpasok n'ya ng unibersidad ay makikilala n'ya ang limang kalalakihang pinag...