KABANATA 84

40 6 73
                                    

Kinakabukasan au naging abala na sila para sa paghahanda sa concert. Kaniya-kaniya ang mga girls sa pag-aayos ng props at costumes na gagamitin.

Nasa venue na sila kung saan gaganapin ang live concert ng boys. Nasa entablado ang SB19 at doon ay nagkaaroon ng rehearsals.

Nakaupo Jhoana at hinihintay matapos sina Jah nang tabihan siya ni Jea.

"Sure ka ba, best?"

Tumango siya. "Kailangan kong makausap si Jah. Ayoko namang maging one-sided sa nalaman natin."

Tinapik ni Jea ang balikat ni Jhoana. "Basta andito lang ako."

Ngumiti lang si Jhoana bago siya iniwan ni Jea.

"Ano 'yong pinag-usapan niyo?" kyuryosong tanong ni Kyzha. Naupo ito sa upuang pinanggalingan ni Jea. May hawak itong tablet at nag-che-check ng fan account sa twitter. "Parang seryoso."

Tumawa si Jhoana. "W-Wala 'yon. Para sa final requirements namin sa Accounting. Magkagrupo kami."

"Akala ko magsosolo na lang kayo?" takang tanong pa nito.

"Mahirap eh. Kaya nag-pair kami," sagot niya.

Nakahinga siya nang maluwag nang hindi na ito nagtanong pa at itinuon na lang ang pag-check sa Twitter.

Ilang sandali pa ay nag-water break na ang boys. Agad siyang tumayo at nilapitan si Jah. Inabutan niya ito ng tubig at towel.

"Thanks." Pasalapak itong naupo ito sa sahig. "Nakakapagod."

"Jah, p'wede ba tayong mag-usap?" bungad niya.

Ngumiti ito at t-in-ap ang ulo niya. "Bakit parang ang seryoso mo, sweety?"

"May itatanong lang ako sa 'yo. P'wede ba?"

"Okay, last rehearsal. Isang pasada na lang tapos bukas na ulit para sa final rehearsals," sabi ni Pablo na nakatayo na sa stage.

Tumayo na si Jah at hinawakan ang pisngi ni Jhoana. "Sige. Tapusin lang namin 'to. Then, usap tayo," nakangiti nitong sabi.

Iyon na yata ang isa sa pinakamahabang oras sa buhay ni Jhoana. Inip na inip siya dahil kating-kati na siyang malaman ang totoo. Gustong-gusto na niyang malinawan dahil maging siya ay naguguluhan sa mga pangyayari.

Sana lang talaga wala kang alam, Jah. Sana wala kang alam.

Nagpunta si Jah sa gawi niya matapos ang rehearsal. Pawisan pa ito kaya gaya ng dati ay inabutan niya ito ng towel.

"Ano ba 'yong pag-uusapan natin?" seryoso niyang tanong.

Luminga muna si Jhoana. "'Wag tayo rito. Sa labas na lang?"

Tumango si Jah at nagpunta sa parking lot. Hindi na sila pumasok sa loob ng sasakyan nito, sa labas na lang sila nag-usap dahil mukhang wala namang tao roon.

NATAPOS ang rehearsal para sa araw na iyon. Nagliligpit na sila.ng mga gamit ng mapansin ni Kyzha na wala ang kakambal niya.

"Si Jhoana?" tanong niya kay Jea. Nag-aayos ito ng bag niya.

"Magkausap yata sila ni Jah," sagot naman nito.

"Bakit kailangan pang sa labas mag-usap? Naku, mukhang may sikreto sila, Pablo," sulsol ni Josh.

Sinamaan siya ng tingin nito. "Siraulo?"

"Teka, kunin ko lang powerbank ko. Malo-low bat na 'yong phone ko," paalam ni Kyzha kay Ken. "Kuya, peram susi ng kotse mo? Naiwan ko sa kotse mo, eh."

Iniabot naman ni Pablo ang susi ng sasakyan. Napaalam lang ito bago lumabas at pumunta sa parking area.

Saktong pag-alis ni Kyzha au dumating naman si RJ para sunduin si Rea. Agad niya itong nilapitan at niyakap ito.

HOW TO DEAL WITH AN IDOL (SB19 Fan Fiction #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon