KABANATA 51

45 8 45
                                    

Naging aloof si Kyra kina Laude sa hindi malamang dahilan. Ramdam niya ito pero hindi siya nagpahalata dahil pasimple niya itong inoobserbahan.

Tapos ang long tests nila kaya naman naka-focus na sila sa preparation ng foundation day.

Hindi naman sila nahirapan sa paghahanda dahil bukod sa kanilang magkakaibigan ay may tumutulong din sa kanilang officers ng council at classrooms. Medyo hindi nga lang nakatutulong si Kyzha dahil abala ito sa paghahanda sa pageant dahil isinali siya sa Miss Foundation.

Sa ngayon ay nakaupo si Laude sa passenger seat ng sasakyan ni Pablo. Papunta sila sa Tagaytay para sa garden wedding nina Japs at Nadyne. Nasa likuran nila sina Kyra at Louise. Habang sa kabilang sasakyan naman sina Jah, Jhoana, Ken at Kyzha. Sinakyan naman ni Josh ang pulang sports car nito at doon nakisakay sina Stell, Jea at RJ.

"Gutom ka na ba, girlfriend?" tanong nito. Kasalukuyang natutulog sina Kyra at Louise kaya medyo mahina ang pagkakatanong nito.

Tiningnan niya ang relos niya. Halos isang oras na pala silang nagbabyahe.

"Mamaya na lang siguro. I think malapit na rin naman tayo," sabi niya.

"Anong sabi mo? Malapit nang maging tayo?" banat ni Pablo.

Alanganin siyang ngumiti. "Mahina na yata pandinig mo, Braces. Kung ano-ano na naririnig mo, eh."

Ngumuso ito. "Akala ko makakalusot."

Agad silang sinalubong ng staff ng ancestral house nina Japs.

Kaunti lang ang bisitang inimbita nila kaya dahil gusto nilang maging tahimik ang wedding ceremony.

December 10 pa lang, bukas pa ang kasal pero nagpunta na sila ngayong hapon dahil may simpleng party na inihanda sina Nadyne at Japs.

Nagpunta na sila sa kuwartong tutulugan nila. Magkakasama ang boys sa isang malaking kuwarto gayon din ang mga girls.

Naghanda muna sila at namahinga. Six thirty na ng gabi at dahil Disyembre na ay maagang lumulubog ang araw.

"Kamusta kayo? Ayos ba kayo?" tanong ni Nadyne na kinamusta sila habang nag-aayos. Nakabihis na ito ng isang white tube dress na hapit na hapit dito. Kung titingnan ay mukhang wala pa itong anak.

"Ayos lang kami, ate. Ang ganda mo naman," sagot naman ni Jhoana.

Nag-usap pa sila bago nila naisipang lumabas na para sa party.

Sa labas gaganapin ang party. Dahil hindi naman na rainy season ay nag-ayos na lang ng mga lamesa sa labas kung saan malaya nilang nakikita ang mga bituin.

Napangiwi si Laude nang nahigpit na napakapit si Kyzha sa kaniya. Nagpahuli siya ng kaunti upang obserbahan si Kyra pero hindi niya akalaing kakapit naman si Kyzha sa kaniya.

"Shit!" anito na napahawak sa sintido na animo nahihilo.

"Ang arte. Ayos ka lang ba?" tanong niya.

Tiningnan siya nito at agad na dumiretso ng tao. Inirapan pa siya nito bago mabilis na lumakad paalis.

Siraulo! Pareho kayo ng kuya mong may saltik.

Nagsisimula na ang party nang mapuwesto sila sa isang mahabang lamesa. Nakaupo na ang boys kaya naman sumunod na rin sila.

Tulad ng dati, naupo sila sa kaniya kaniyang kapareha, maliban kay Stell na katabi ni Pablo, si Kyra na tumabi kay Louise at si Laude na hindi pa nakakupo.

"Boss, dito ka may puwesto pa," bungad ni Josh.

Susunod na sana siya nang hitakin siya ni Pablo. Sa sobrang bilis nito ay napaupo siya sa kandungan nito.

HOW TO DEAL WITH AN IDOL (SB19 Fan Fiction #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon