KABANATA 26

52 10 9
                                    

Inis na iniligpit ni Laude ang ganit niya. Simula nang lumabas siya sa dea's office ay bad trip na siya. Hindi niya gustong mapasama sa ShowBT pero wala siyang choice. 

Nag-text siya kay Jea na hindi siya sasabay umuwi dahil na rin sa meeting nila ngayong hapon. Nauna na rin si Louise dahil sinundo siya ni Chael. Tanging si Kyra na lang ang kasama niya.

"Saan ka?" tanong niya kay Kyra.

"I'll wait for Stell," sagot nito.

Nginitian niya ito. "Go with me. Wala naman sigurong masama."

Tumango ito at sumama sa kaniya papuntang auditorium.

May malaking stage sa harapan at may nakahilerang upuan na parang nasa sinehan na kulay pula. Inilibot niya ang paningin at namangha talaga siya.

Nandoon na ang lima nang dumating sila sa loob. Awtomatikong sinalubong siya ni Stell kaya kusa nang humiwalay si Laude at humanap ng mauupuan.

"Boss, dito ka," ani Josh kaya naman agad siyang lumapit sa gawi nito at naupo.

Katabi ni Josh si Jah habang katabi naman ni Jah si Ken. Nasa gawi naman ni Stell si Pablo na nasa opposite raw nila.

Ilang sandali pa ay dumating na si CJ suot ang pamoso nitong Red corporate attire. Katulad ng dati ay nakaisang pusod ang buhok nito.

"You're all complete. Buti naman at nakarating kayo," panimula nito na umakyat sa stage.

"As if we have a choice," sabay na sabi ni Laude at Pablo. Nagkatinginan sila at sabay rin nag-irapan.

Napangisi si CJ. "It seems like you have found your match, Pau. Opposite talaga sila ni Sofia."

"Shut up and proceed with the meeting. I have so much things to do," Pablo stated coldy.

Ngumiti ito. "Fine, but before that, who are you?" tanong niya kay Kyra.

Agad itong tumayo. "Sorry po. Aalis na po ako," aniya. Pero hinawakan ni Stell ang kamay niya para pigilan siya.

"Stay, then. I'll give you something to do later."

Inilibot ni CJ ang tingin bago nagsalita. "Would you occupy the seats here in front? Para naman kayong magkakaaway sa puwesto niyo." 

Labag man sa loob ay umupo sila sa unang raw ng upuan.

"That's good. Before we proceed with the meeting, I want Pau to perform your come back song," aniya na nagbabantang tumingin kay Pablo.

"Can't I do it later?" reklamo nito.

Tumaas ang kilay niya. "Don't waste our time," banta niya.

Padabog na umakyat si Pablo sa stage at naupo sa harap ng  puting Pianong nakapuwesto roon. Huminga muna ito ng malalim bago ito nagsimula.

Sa aking puso'y nag-iisa
Mayroong himig na
Kumakatok sa pinto ng aking ala-ala

Hindi maintindihan ni Laude kung bakit parang nahirapan siyang huminga nang magsimula si Pablo.

Bakit parang ang sakit ng kanta? Bakit parang nasasaktan ako?


'Di na dapat tumitig pa sa 'yong mga mata
Ngayon, ikaw na lang ang nakikita

Hindi namalayan ni Laude  na nakatitig na siya sa binata. Nakapikit ito habang kumakanta at parang damang-dama nito ang meaning ng kanta.


Ang ala-ala ko'y 'di nagbago
Sa panaginip ko ay naroon ka

Hayop! Bakit ang sakit naman ng kanta mo, Braces? Anong mayrron?


At kahit na ang mundo ay mag-iba
Ako'y laging nandirito
'Di man ako para sa 'yo
Puso'y hindi magbabago
Walang iba, walang iba
Wala nang hahanapin pa
Pag-ibig ko'y sa 'yo
Sa iyo hanggang sa huli

HOW TO DEAL WITH AN IDOL (SB19 Fan Fiction #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon