KABANATA 7

64 10 19
                                    

Prenteng nakaupo si Pablo buong oras ng klase. Last period na at ito na ang oras na sasabihin ang groupings nila sa kanilang research.

"Wala si ma'am," anunsyo ng isa sa kaklase niya. "May meeting daw sila. Kaya library work daw tayo ngayon."

May inilapag itong papel sa lamesa. Kumuha ito ng tape at idinikit ito sa board.

Tumayo si Pablo upang tingnan ang nakasulat. 

Groupings sa research? 

Gamit ang hintuturo ay pinalandas niya ito sa nakapaskil na papel at hinanap ang pangalan niya.

Napasabunot siya nang mabasa kung sino ang makakasama niya.

"Malas. Bakit sila pa?" anito habang tumingin sa direksyon ng kagrupo niya. Kinuha niya ang bag niya at lumakad na palabas ng classroom.

NAPATAYO si Louise para tingnan ang kagrupo niya. 

"Mare, tara na."

Kahit nagsisiksikan ay nakisiksik pa rin siya para tingnan ang gagawin nila at kung sino ang makakasama niya.

"Excuse me, dadaan ang maganda. Teka ako muna," maarte niyang sabi.

Dahil hindi naman siya katangkaran ay kumasya siya at napunta agad sa unahan.

"OMG! Totoo ba 'to? Kagrupo ko si Josh?" gulat niyang sabi. 

Natulala siya ng ilang sandali dahil sa pagkabigla.

"Pakibilisan." Nagsitaasan ang balahibo niya sa katawan nang maramdaman niyang may bumulong sa likuran niya. Hindi niya malaman ang gagawin dahil masyadong malapit ang mukha nito sa tainga niya.

J-Josh?

"Ano, aalis ka ba, o bubuhatin pa kita?" bulong ulit nito.

Dahil sa taranta ay nagtatakbo siya palayo roon at lumabas na ng classroom.

NAKABUSANGOT si Laude habang naglalakad. Kasabay niya si Kyra na kinukulit naman ni Stell. Papunta sila sa library para mag-isip ng research topic at RRL na rin.

"Stell, ang kulit mo naman, eh," reklamo ni Kyra.

"Pansinin mo na kasi ako," sagot naman nito.

"Pinapansin naman kita. Kaso ang kulit mo kasi," ani Kyra.

Umakbay ito sa kaniya. "Gusto ko ganitong pansin." 

"Alam mo nakakainis ka na talaga..." inangat ni Kyra ang paningin niya para pagalitan sana si Stell. Pero hindi niya inaasahang nakayuko ito at nakatingin din sa kaniya.

Parang tumigil ang ikot ng mundo. Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Kyra. Ito ang unang beses na naramdaman at nangyari ito sa kaniya. Hindi niya maipaliwanag pero parang nahirapan siyang huminga.

"I'm sorry," sabi ni Stell na agad na lumayo sa kaniya. Napayuko ito at pinamulahan ng mukha.

Tulala namang naglakad si Kyra. Hindi pa rin nagsi-sink in ang pangyayaring iyon.

"Malambot ba ang labi ni Stell?" basag ni Laude.

Nakita niya? 

"H-Ha? Anong sinasabi mo?" 

Tinaasan niya ito ng kilay. "Nakita ko. Lagot ka kay Louise."

SABAY na naglakad sina Jah at Ken papuntang library. Nahiwalay si Josh ng grupo. Naging kagrupo nito sina Stell, Kyra at Louise, habang minalas silang makagrupo si Pablo at si Laude.

"Nasaan na ba kasi si Pablo?" tanong ni Ken matapos i-tap ang ID niya sa scanner ng library para makapasok.

"Ewan. Hayaan mo na. Kaya naman natin kahit wala siya," kampanteng sabi ni Jah.

HOW TO DEAL WITH AN IDOL (SB19 Fan Fiction #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon