"Nasaan na ba sila? Nakakainis naman," ani Laude na paikot-ikot sa mall. "Pag nakita ko talaga 'yang pinsan mo, babalatan ko ng buhay."
"Nangangawit na 'ko. Sure ka bang nandito sila? Baka wala sila rito. Kanina pa tayo hanap nang hanap. Gutom na 'ko. Hindi pa ko nag-uumagahan," reklamo ni Pablo.
Tinaasan niya ito ng kilay. "Sino kasi may sabi na pumunta ka rito ng walang kain?"
"Minadali mo ko, girlfriend," pagdidiin nito.
Napakamot na lang si Laude. "Fine. Kumain na lang tayo, pero libre mo 'ko ha?"
"Ako pa maglilibre sa'yo? Ikaw na nga nagdala sa'kin dito?" kunot noong sagot ni Pablo.
"'Di 'wag kang kumain," ani Laude na akmang aalis na.
"Fine. Bakit ba 'ko nagpapauto sa'yo? Doon na kang tayo sa Jollibee," aya ni Pablo.
Naglakad na sila patungo roon nang makita ni Laude sina Ken at Kyzha.
Agad siyang nagpunta sa harap ni Pablo at hinatak ito sa braso. "Wait, boyfriend. Sa KFC gusto ko."
"Dito na. Nandito na tayo, eh." Lumakad si Pablo papasok.
Wala na siyang nagawa kung hindi harangan ang gawi nina Ken.
"Boyfriend, doon tayo sa gawi ro'n?" turo niya sa upuang hindi makikita sina Ken.
Sumunod ito sa kaniya at hinawakan siya nito sa kamay. "Girlfriend, you're acting weird."
"Ako nang o-order?" prisinta ni Laude.
"Kahit kailan hindi ko oa ginawang pag-order-in ang babae. Ako na," ani Pablo na pumila na.
Nilibang ni Laude si Pablo para maiiwas sina Ken pero nakita pa rin niya ito. "Ay, putang*na pala!"
Agad niyang hinawakan ang kamay nito. "Please, 'wag kang mag-eskandalo, boyfriend. Please. Hayaan mo muna sila."
Sa halip na maupo sa upuan nila kanina ay tumabi sila malapit sa mga ito. Hinawakan niya ito sa kamay. "Mapapahiya si Kyzha."
Nanatiling seryoso si Pablo habang nakamasid sa dalawang masayang nag-uusap.
"Project pala. Project Ken."
Nanatiling nakatingin si Laude kay Pablo na nagpupuyos sa galit.
"Eat. We'll follow them," utos nito.
Magpoprotesta pa sana siya pero wala na siyang nagawa kung hindi ang sumunod.
Baka rito pa ito magwala. Hay, Braces. Bakit ba hindi kita matiis?
Hindi na nila natapos ang pagkain nang makita nilang umalis na sina Ken.
Sumunod sila hanggang sa nakarating sila sa arcade ng mall. Magkahawak kamay na nagpapalit ito ng tokens.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Pablo kay Laude ng umalis ito sa tabi niya.
"Braces, 'wag OA. Magpapapalit ako ng tokens. Ikaw na magbantay sa kanila. Maglalaro ako."
Nagpapalit si Laude ng tokens at lumapit kay Pablo na nakabantay pa rin sa dalawa.
Nakaangkla ang kamay ni Kyzha kay Ken habang tumitira ito ng bola.
"Baby, you're really good," sabi oa ni Kyzha.
"Para sa'yo lahat yon, baby. Alam mo namang basta nand'yan ka gumagaling ako lalo."
"Tsk!" Pablo.
"Ikaw naman?" abot ni Ken sa bola.
Hinulugan niya ng additional tokens ang machine. Yumakap siya sa likod ni Kyzha habang nag-shoot naman ito ng bola.
BINABASA MO ANG
HOW TO DEAL WITH AN IDOL (SB19 Fan Fiction #1) [COMPLETED]
FanficLumipat si Kim Laude ng tirahan para takasan ang mga ala-alang pilit n'yang kinakalimutan. Kasabay ng paglipat n'ya ay ang paglipat n'ya ng paaralang papasukan. Subalit sa pagpasok n'ya ng unibersidad ay makikilala n'ya ang limang kalalakihang pinag...