Awkward pa rin ang pakiramdam ng lahat.
Walang nagbabangayan pero alam naman nila na ano mang oras ay p'wedeng magkagulo sa pagitan ng ilan sa kanila.
Natapos na ang tanghalian at magsisimula nang mag-record ang boys.
Ipinamigay na ni Pablo ang parteng kakantahin at ire-record nila gayon din ang sample recording niya para sa tono ng kanta.
Kaniya kaniya ng puwesto ng boys habang nag-uusap naman ang girls sa plano sa darating na assembly.
"Ayos na siguro 'yan," ani Jea na isinarado na ang notebook na sinusulatan nila.
"Kaya nga. After nang release ng comeback nila, malamang paliligiran na naman sila ng media," dagdag ni Kyra na kinuha ang cellphone at nag-ooen ng Twitter.
"Ano naman?" ani Laude. "Teka, tulungan mo nga ako, hindi ako makagawa ng Twitter. Hayop, bakit kasi kailangan pati ako may ganito," reklamo pa niya.
Kinuha ni Kyra ang cellphone nito at ginawan siya ng account.
"Ayan. Salamat, mare," sabi ni Laude nang magawan na siya ni Kyra.
"Pa'no ba 'to? Parang Facebook din? Bakit may follow follow? Saka bakit naka-follow na ko sa SB19 at sa inyo?" reklamo niya.
"Para updated ka. Don't worry, follow back ka namin," sabi naman ni Jhoana.
Nawindang na lang sila nang pumasok si CJ na mukhang beast mode.
Tulad noon nakasuot ito ng pulang corporate attire at pulang sapatos.
Napaayos sila ng puwesto nang tumayo ito sa harap ng lamesa at sumenyas na lumapit sila.
Lahat sila ay naupo sa mono block chairs na nakapwesto sa mahabang lamesa.
"Wala pa man kayong comeback song, mukhang pasaway na kayo," bungad nito habang nakataas anv kilay.
"Kailan ba kami tumino sa'yo?" sagot ni Ken.
"Shut up, Suson!"
Napatawa si Ken. "Hindi ka ba Suson?"
"I told you to follow rules!" galit na sabi ni CJ.
Napahawak si Kyra kay Laude dahil sa lakas ng sigaw nito.
"What's the meaning of these?" anito na padabog na hinagis ang envelope sa lamesa.
Lahat sila ay kabado at gulat sa nakitang mga litrato roon bukod siyempre kina Pablo, Josh, Ken at Laude.
Litrato iyon nang nangyari nang nagdaang sabado.
Magkayakap sina Stell at Kyra, Jah and Jhoana are kissing under the rain, RJ and Jea are walking in the shore while holding their hands, 'yong eksena nina Ken at Kyzha sa sinehan, 'yong parking lot scene nina Josh at si Laude at Pablo na nagsusubuan ng popcorn sa loob ng sinehan.
Wala na silang maitatago pa. Nagkaalaman na sila kung anong nangyari nang araw na iyon.
Kung may pinakaapektado, marahil ay si Pablo 'yon. Hindi niya in-expect na pati si Jhoana ay niloko siya.
"What's the matter?" si Pablo na ang sumagot dahil walang may balak.
Sarkastikong ngumiti si CJ. "What's the matter? Kung hindi ko nakontrol 'to malamang kumalat na 'tong mga litrato n'yo! Hindi n'yo naman sinabi na magkakalandian pala ang talents at staff ng ShowBT."
"Is there something wrong with that, Ate CJ? Nag-date kami dahil baka mahirapan na kaming ulitin 'yon 'pag bumalik na kami," ani Jah.
"Teka po. Bawal din po ba ako? I mean, nasa kabilang banda naman po si RJ," nahihiyang sabi ni Jea
"Then choose! It's either you stay here or go and transfer yourself there!"
"We have rules! You are not allowed to be in a relationship or to have any flings!" pag-uulit nito.
Tumawa si Pablo. "Even I'm in a relationship even before the comeback? Come on! You can't control me, CJ."
"What made you think so?"hamon nito.
"Because the company needs me. I create and compose music. Walang makakagawa no'n, kaya naman hindi n'yo ko mapipigil sa gusto ko," ani Pablo sabay hawak sa kamay ni Laude.
Tumayo sila at humakabang. Pero huminto si Pablo sa tapat ni CJ. "Nakalimutan kong sabihin, dare lang lahat ng dates nila. Kami lang ang seryoso kaya 'wag mo silang idamay. Kung may galit ka, ako na lang, CJ. 'Wag mo lalong gagalawin ang mga kapatid ko, dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko," banta ni Pablo bago sila umalis ni Laude.
Pumunta sila sa rooftop ng building nila. May concrete bench doon na inupuan nila.
"Congratulations," sabi ni Laude kay Pablo.
"Why?" taas kilay nitong tanong.
"Chona! Congratulations, you made a good decision," aniya saka ito nginitian.
"Hindi ako papatalo kay CJ. Hindi p'wedeng tayo ang sasalo ng galit niya sa mundo," anito saka sumadal.
"This has something to do with past again. Hay. Feeling ko ang dami niyong tinatago," ani Laude na inayos ang buhok niyang nililupad ng hangin.
"Iba naman 'yong sa kaniya, iba 'yong past ko, naming lima."
Hinintay ni Laude kung magkukwento ba si Pablo pero naghintay lang siya sa wala.
"Ano pa lang balak mo kina Jah at Ken?"
"Basketball. 'Pag natalo nila 'ko, hahayaan ko na sila," anito saka ngumiti.
"Ang yabang mo naman, boyfriend."
Tumawa si Pablo. Napangiti siya. Ngayon lang niya napansin na napakaganda ng ngiti nito. "Pumunta ka, girlfriend. Cheer mo 'ko. Alam ko mananalo ko 'pag nadoon ka."
Inirapan niya lang ito. "Mayabang ka, Braces. Tara na nga. Magta-time na," yaya niya rito bago siya tumayo.
Tumayo ba rin si Pablo at hinabol siya. "Hintayin mo 'ko, girlfriend. Sabay tayo," anito saka siya inakbayan.
A/N
Last UD para sa araw na ito. HAHAHAHA medyo inaatok na ko eh. Hahhaha sana nag-enjoy kayo. Bukas ulit. HIHIHI
BINABASA MO ANG
HOW TO DEAL WITH AN IDOL (SB19 Fan Fiction #1) [COMPLETED]
FanfictionLumipat si Kim Laude ng tirahan para takasan ang mga ala-alang pilit n'yang kinakalimutan. Kasabay ng paglipat n'ya ay ang paglipat n'ya ng paaralang papasukan. Subalit sa pagpasok n'ya ng unibersidad ay makikilala n'ya ang limang kalalakihang pinag...