"Teka, saan ba tayo pupunta?" inis na tanong ni Laude. Kanina pa sila palakadlakad habang hawak nito ang kamay niya. Muntikan pa siyang madapa dahil sa paghila nito.
"Ano ba! Bitiw nga! Tsansing ka, Braces!" reklamo niya habang binabawi ang kamay niya.
Ngumisi ito. "So, you chose me over Josh?" nang-aasar nitong sabi.
"Asa ka!" inirapan niya ito saka sinilip sa bakanteng room. "Jea, please let's talk."
Napalingon siya sa pinto nang bigla itong sumara. Pinilit niyanv buksan iyon pero sa kamalas-malasan sira ang door knob nito.
Hayop! Ayokong makasama itong Braces na'to.
"Buksan mo! Hoy! Braces!" inritado niyang sabi.
Tinaasan siya nito ng kilay. "Hindi mo nga nabuksan, 'di ba?"
"Baka gusto mo kasing subukan?! Nakakainis ka naman. Paano na tayo?"
Lumapit si Pablo sa kaniya habang pilit niyang binubuksan ang pinto. "Bakit, ano ba tayo?"
"Ay! Gago ka! Matalino ka pero bobo ka rin. Paano tayong makakalabas dito?" ani Laude habang namumula sa galit.
"Kita mo 'yan? Sira 'yong door knob. Ibig sabihin makakalabas lang tayo rito kung may magbubukas niyan mula sa harap," paliwanag nito.
"Hay! Malas talaga. Bakit ba kasi sa'yo pa ko sumama?!" Lumakad siya pabalik sa puwesto niya kanina at pasimpleng naupo sa sahig.
Sumunod sa kaniya si Pablo. "Then why didn't you choose Josh?"
"Hoy! Braces, for your information sabi mo dadalhin mo ko kay Jea, kaya sa'yo ko sumama," inis niyang sabi.
Tumawa ito. "Naniwala ka naman?"
"Hayup ka talagang Braces ka! Sana pala kay Josh na lang ako nagpasama!"
Biglang nag-iba ang awra ni Pablo at pasalampak na naupo sa upuan malapit sa kanila.
"Will stop calling me Braces? I have my name!" inis nitong sabi.
"Then, Pau. Mukha ka namang siopao," pang-aasar niya.
Lalong dumilim ang mukha nito. "No. You're not allowed to call me that!"
"Bakit? Bawal? Sino lang p'wede?" pang-asar niya rito.
Pumalatak ito bago sumagot. "None of your business."
"Si Sofia ba? Lagi kong naririnig kina Louise 'yon. Bawal kang tawaging Pau dahil sa kaniya? Ano bang kaartehan 'yon?" Huli na para mapigilan ni Laude ang bibig niya. Nasabi na niya.
"Tsismosa."
"Hoy, Braces! Ayan Braces na lang kasi bawal ang Pau. Kasalanan kong narinig ko 'yon? Saka ano naman? Past naman na 'yon. Bawal mag-move on?" inis niyang sabi.
Napakislot siya ng sipain ni Pablo ang upuan sa tabi niya. "Nasasabi mo lang 'yan dahil wala ka naman alam. Wala ka namang nakaraang hindi maganda. Hindi ikaw 'yong iniwan. Hindi ikaw 'yong pinagpalit at lalong hindi ikaw 'yong niloko ng mahal mo at kaibigan mo!" inis na sagot nito.
Napatigil si Laude. Emosyonal ang pagkakasabi nito at sa tingin niya ay umiiyak ito dahil sa nabasag ang tinig niya.
Minabuti niyang manahimik na lang. Hindi nagiging maganda ang takbo ng usapan nila dahil pareho silang high blood.
Naghintay sila matagal pero wala pa ring dumarating na tulong. Kinapa niya ang bulsa niya parahanapin ang phone niya pero sadyang malas yata siya dahil wala ang phone niya.
BINABASA MO ANG
HOW TO DEAL WITH AN IDOL (SB19 Fan Fiction #1) [COMPLETED]
FanficLumipat si Kim Laude ng tirahan para takasan ang mga ala-alang pilit n'yang kinakalimutan. Kasabay ng paglipat n'ya ay ang paglipat n'ya ng paaralang papasukan. Subalit sa pagpasok n'ya ng unibersidad ay makikilala n'ya ang limang kalalakihang pinag...