KABANATA 62

38 6 15
                                    

6:30 ang simula ng talent showcase ng university. Gaya ng napag-usapan ay maaga silang gumayak kaya naman bago ang 6:30 ay nakaayos na ang boys.

Tulad ng boys ay nakabihis na rin ang staff. Ang pinagkaiba nga lang naka-T-shirt.silang itim na may tatak na ShowBT habang ang boys ay naka semi-formal attire.

"Ano ba naman si Ate CJ, hindi na naawa sa atin. Event to ng school tapos nakaganito tayo?" pagdidiwara ni Louise habang nilalagyan ng perdible ang likod ng T-shirt para magkaroon ito ng korte kahit papano.

"Ngayon lang ako nag-agree sa 'yo. Kainis. Sayang 'yong dala kong damit," sagot ni Kyzha habang ininatali naman sa likod ang T-shirt upang umiksi at humapit.

Umakbay si Ken sa kaniya. "That's better than your outfit in your bag. Kulang sa tela."

Napairap na lang siya.

"Hayaan niyo na. Alam niyo namang ampalaya si At CJ, malamang para hindi makadikit sa atin ang boys kasi ang laki ng tatak ng staff sa likod nito," sabi naman ni Jea na tinutupi ang manggas ng T-shirt.

"'Wag ka nga. Wala namang issue sa 'yo. Nasa kabilang banda si RJ," sabi ni Jhoana na nakaupo sa sofa habang nakatutok sa cellphone niya at nagbabasa ng Wattpad.

"May issue, baka mabalatan ko ng buhay 'pag lumagpas sa linya," biglang sulpot ni Laude. Nakasuot na rin ito ng T-shirt.

"You're so harsh, mahal. Pinsan ko 'yon," salubong ni Pablo sa kaniya.

"Sino may paki? Baka pinsan ko rin si Jea," taas kilay niyang sabi.

"Takot ka pala eh," pang-aasar ni Jah kay Pablo.

"Bakit ikaw hindi takot kay Jhoana?" basag naman ni Ken.

"Yari. Na-real talk," sabi naman ni Josh na nagsusuot ng sapatos.

"Bakit kasi tinitiis, pareho lang naman silang nahihirapan," sabi ni Stell na humarap sa salamin at nag-selfie.

"Bakit kayo ba hindi nagtitiisan? Nauna pa nga kayo sa amin eh," bawi naman ni Jah rito.

Napahinto at napatahimik ang lahat. Walang gustong sunagot dahil sumeryoso si Stell. "Joke lang!" bawi ni Jah sabay yakap kay Stell.

"Ayos lang. Hayaan na. 'Wag nang pilitin ang ayaw."

Bigla namang may kumatok sa pinto. Tumayo si Laude at siya na ang nagbukas dahil abala pa sila sa pag-aayos.

"Kay Jhoana po," sabi ng isang estudyante na may iniabot na bouquet ng pulang tulips. May kasama pa itong malaking Pikachu.

"Salamat," sabi ni Laude.

"Kanino galing 'yan?" taas kilay na tanong ni Pablo habang nakahalukipkip.

"Malay ko," sabi naman ni Laude na lumakad na sana pagawi kay Jhoana pero hinarang siya ni Pablo. "What?"

"Sinong may sabing tumanggap ka ng ganiyan?" inis nitong sabi.

Tinaasan niya rin ito ng kilay. "Inaabot eh, anong gusto mong gawin ko itapon ko?"

"At gusto mo naman. Hoy, babae, may boyfriend ka na, pinapaalala ko lang!"

"Hoy, Braces! Hindi ko nakakalimutan na may boyfriend ako!" inis na ring sabi ni Laude kaya naman napasigaw na rin siya.

"T-Teka-"

"Manahimik ka, Jah!" sabay pa nilang putol kay Jah.

Napatahimik na lang mga nandoon sa loob ng kuwarto. Kabisado na nila ang dalawang ito kaya hindi na sila nagsalita, baka sila ang mapag-initan.

"Kanino ba galing 'yan? Mabalian ng buto!" iritadong sabi ni Pablo.

"Ang kulit mo, hindi ko nga alam!"

"Give it to me," utos ni Pablo

Pero iniiwas ito ni Laude. "No!"

"Abat ayaw mo? Gusto mo talaga 'yang mga ganiyan?!"

"Ang OA mo, Braces!"

"OA na kung OA. Kainis! Magsama kayo niyang nagbigay na 'yan, mukha namang enjoy na enjoy ka! Magsama kayo!" inis na sabi ni Pablo sabay madabog na naupo sa sofa.

Inirapan niya ito. "Makitid ang utak! 'Wag kang lalapit lapit sa akin ah! Buwisit ka!"

Padabog siyang lumapit kay Jhoana. "Oh, may nagpapabigay daw. Tingnan mo kung kanino galing para hindi ako napagbibintangan ng kung ano-ano. Letse!"

Tinalikuran niya ang nga ito at diretso nang lumabas.

"Yare! False alarm pala," sabi ni Josh na napatingin kay Pablo. Mukha itong naistatwa sa gulat.

"Sa 'yo ba 'yan?" tanong niya kay Jhoana.

Lumapit siya rito at nakumpirma na para kay Jhoana nga. "F*ck! Kanino galing 'yan?"

Lumapit si Jah. "Kanina ko pa gustong sabihin sa 'yo, kaso hindi ako makasingit."

"Damn you, De Dios! Kasalanan mo 'to," inis na sabi ni Pablo saka lumabas upang hanapin si Laude.

"Lagot ka, Jah. Minus points ka kay bayaw," pang-aasar ni Ken.

Napa-face palm si Jah. "Sinubukan ko namang sabihin, kaya lang binara nila ko."

"May pahatid ka pa kasi, p'wede namang ikaw na magbitbit," sabi ni Louise.

"Surprise sana. Kaso ako pala 'yong na-surprise, nag-away sila," sabi ni Jah.

"Ihanda mo na 'yong sarili mo, yari ka 'pag 'di sila nagkaayos," pananakot ni Stell.

"Gusto mo talagang manakot? Magkakaayos sila, kayo kailan?" sabi niya sabay irap.

"Sure ka na ba diyan sa tanong mo, Jah?" pagsakay ni Stell sa biro niya.

"Siraulo kayo, 'wag niyo kong takutin. Patay talaga 'ko."

Nabaling siya kay Jhoana. Hawak nito ang mga bulaklak at si Pikachu.

Agad itong lumapit sa kaniya at niyakap siya.

"Sorry," sabay nilang sabi.

"Sorry kanina," sabay ulit sila.

"Duet 'yan?" pang-aasar ni Kyzha. Nakatanggap naman siya ng masamang tingin sa dalawa.

"I was just jealous. Nainis ako no'ng nakita ko 'yung dalawang unggoy na lumapit sa inyo," paliwanag niya.

"I'm sorry too. Sana hindi ko sinabayan 'yong inis mo," nakangusong sabi ni Jhoana.

Ngumiti si Jah. "Stop pouting. You'll regret it if you won't stop." Napatakip si Jhoana sa sinabi ni Jah.

"Subukan mo, bad shot ka lalo kay kuya," tumatawang sabi ni Kyzha.

"Mamaya may mga press daw na darating. Baka hindi kami makalapit masyado sa inyo," sabi ni Josh.

"Oo, alam na namin ang set-up," sabi naman ni Louise.

"Pero, 'yung solo performance ko, para sa'yo 'yon, my queen," sabi ni Josh bago yumakap kay Louise.

"Ako rin, baby. Para sa'yo 'yong solo performance ko. I love you," sabi naman ni Ken kay Kyzha bago ito hinalikan sa noo at niyakap.

"Ako rin, sweetheart. Para sa'yo hindi lang 'yong kanta ko, lahat ng performance ko," sabi ni Jah na nakaakbay na kay Jhoana.

"Tara na. Masyado ng matamis," yaya ni Stell.

"Inggit kasi," sabi naman ni Jah.

"Di wow!" sagot naman nito.

Lumabas sila na magkakasabay ang boys habang nasa likod naman ang girls. Iyon kasi ang set-up na binigay sa kanila ni CJ para raw iwas sa issue.

A/N

Hello! Kamusta kayo? I hope you're all fine, mga mare. Nadadalas ang pag-ulan, sana ay safe kayo. Salamat sa pagbabasa. 😘

HOW TO DEAL WITH AN IDOL (SB19 Fan Fiction #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon