KABANATA 15

55 10 20
                                    

Nagmamadali si Ken na tumungo sa airport. Nagbabakasaling maabutan si Kyzha. 

Come on! Baka hindi ako umabot. 

Halos paliparin na niya ang sasakyan.  Pero hindi niya alam kung sadyang hindi ba nakikisama ang tadhana dahil nakasalubong pa siya ng traffic.

Wait for me, baby. Promise, I'll fight for you. Just wait.

Napahampas na siya sa manibela ng sasakyan niya. Hindi niya mapapatawad ang sarili niya sa oras na makaalis si Kyzha.

Bakit ba kasi ngayon ko lang na-realize lahat?

Ngayon lang niya napatunayang hindi niya pala kayang mawala ito sa kaniya. Nagkamali na siya nang bitiwan niya ito noon, at hindi na niya kakayanin kung makakawal pa ito sa kaniya.

Laking pasasalamat niya ng humupa ang trapiko kaya mabili niyang pinaandar ang sasakyan.

Malapit na siya sa airport ng bilang sumabog ang gulong ng sasakyan niya. Gumewang ito at hindi niya na-control kaya naman bumangga ang kotse niya sa concrete barrier.

Nakaramdam si Ken ng pagkahilo dahil tumama ang ulo niya sa headboard ng kotse. Napahawak siya sa ulo niya at napailing siya ng may maramdamanglikidong tumutulo mula roon.

No! Hindi 'to p'wede. Huli na ba 'ko?

Kinapa niya ang cellphone niya para tumawag ng tulong. Hinanap niya ang number ni Jah at tinawagan ito. Pero hindi pa nagtatagal ay may kumatok sa bintana.

Binuksan niya ang pinto ng sasakyan at nakita si Jah. Mababakas sa mukha nito ang pag-aalala.

"Ken, ayos ka lang?" anito na inalalayan siyang makababa.

Tumayo agad siya. Medyo hilo pa siya pero desidido siyang maabutan si Kyzha. "I'm okay."

"Teka, tatawag ako ng ambulansya. May dugo 'yang ulo mo," kinuha nito ang cellphone at tangkang tatawag pero pinigilan niya ito.

"May kotse kang dala?"

Sinamaan siya nito ng tingin. "Anong balak mo? Kailangan kang magamot."

"May sasakyan ka bang dala? Nagmamadali na ko, Jah," inis niyang sabi.

Wala itong nagawa kaya itinuro niya ang sasakyan ni Josh.

Dahil sa pag-aalala ay sinundan nila ito. Mabuti na lang dahil may ganito pa lang mangayayari.

Tumakbo si Ken papunta sa sasakyan ni Josh at agad sumakay. "Dre, sa airport tayo."

Kahit nag-aalangan ay pinatakbo na ni Josh ang kotse pagkasakay ni Jah. "Ayos ka lang ba? Dumudugo 'yang ulo mo."

Halos hindi mapakali si Ken. Hinayaan lang niya ang ulong basa ng dugo. "Galos lang 'to, dre. Kailangan kong maabutan si Zen."

Napatawa ang dalawa. "Pakipot ka pa kasi. Kailangan pa palang umalis para habulin mo," ani Josh.

"Gago! Bilisan mo na lang. 'Pag hindi lang natin naabutan 'yon pagbubuhulin ko kayo."

"Pa'no 'yung buhol?" ani Jah.

Sinamaan lang siya ni Ken ng tingin habang tumawa naman si Josh.

Mabilis bumaba si Ken nang marating ang airport. Sinundan siya ni Jah dahil nag-aalala ito habang humanap naman si Josh ng puwedeng pagparadahan.

Lakad takbo ang ginawa nila pero hindi nila nakita ang dalaga. Nalibot na nila ang buong waiting area pero wala ni anino ni Kyzha.

Sa huli ay nagtanong sila sa information desk officer kung nakaalis na ba ang flight papuntang L.A.

"Sir, kaaalis lang po ten minutes ago," sabi ng babaeng mukhang nagustuhan pa si Ken.

Parang lantang gulay na naglakad siya palabas ng airport. Nakasunod lang si Jah na alalang-alala para sa kaibigan niya.

Napasalampak si Ken. Nahihilo pa rin siya pero mas lamang ang sakit at panghihinayang.

Huli na pala 'ko. Bakit kasi late na 'kong naging matapang.

Hindi na niya napigilan ang luhang tumulo sa mga mata niya. Hindi niya lubos maisip na ganoon pala kasakit ang iwanan. Noon niya lang naisip na ganoon pala kasakit ang naibigay niya rito nang bitiwan niya ito.

"Bakit kasi ang duwag ko? Bakit ngayon ko lang na-realize lahat? Bakit kung kailan willing na kitang ilaban saka ka naman umalis? Huli na ba talaga 'ko?" ani Ken.Nakasalampak ito suot pa rin ang school uniform habang nakayuko at umiiyak.

"Kung sasabihin ka bang hindi ka pa huli, lalaban ka na?"

Hindi maipaliwanag ang saya ni Ken nang iangat niya ang tingin niya. Kanina ay umiiyak siya dahil sa panghihinayang pero ngayon ay dahil sa saya.

Agad siyang tumayo at agad itong niyakap. 

"I'm sorry, baby. Akala ko kaya kong mag-isa. Akala ko iyon 'yung mas makakabuti sa atin. I was selfish," aniya habang mahigpit na yakap ang dalaga na hindi na rin naiwasang maiyak.

"I'm sorry, too. Sinira ko 'yung buhay ko. I should have prove to you that I'm worth to fight for pero I showed you how useless I was."

"Shh. Hindi na 'yon mauulit. I promise I'll fight for you. I'll fight for this relationship at hindi na kita pakakawalan pa."

"No," sabi ni Kyzha. "We'll fight for this relationship. Hindi p'wedeng ikaw lang."

Napangiti si Ken. Humiwalay siya sa yakap nito at hinalika ito sa noo. "I love you, Kyzha Zen Nase. I always will, baby."

Pinunasan ni Kyzha ang luha ni Ken bago sumagot. "I love you more, Ken Suson. I always will, baby."

Pinunasan ni Ken ang luha sa pisngi ng dalaga. They looked at each other as if they were connected that way. Ken slowly closed his eyes as he claimed her lips. Kyzha hugged him tight as she passionately responded on his kisses.

"Sana all, PDA." Napamulat si Kyzha ng mata at napalayo kay Ken nang marinig si Jah sa tabi. Kasama na nito si Josh.

"Get a room, dre. Nakakahiya ka, naka-uniform ka pa," sabi naman ni Josh.

Sinamaan sila ng tingin ni Ken. "Gago talaga kayo! Panira kayo ng moment!"

"Welcome back, Zen," ani Josh.

"Hey! Don't call her Zen. Kyzha itawag mo sa kaniya. Ako lang may karapatang tumawag sa kaniya no'n," reklamo ni Ken.

"Seloso masyado. Tara na. Baka hinahanap na tayo sa school," ani Jah na nagpatiuna nang lumakad.

Napatawa naman sila habang pabalik sa sasakyan ni Josh. 

Hila-hila ni Josh ang maleta ni Kyzha habang nagrereklamo, habang nag-aalala naman ang dalaga sa sugat ni Ken sa ulo.


A/N

Hello! Pasensya na at medyo maiksi ang UD. HAHAHA medyo alanganin kung magsisimula ako rito. Sa next chapter na lang siguro. HAHAHAH sana ay ayos pa kayo.

This is dedicated to Zeyna. Ang haba ng hair. HAHAHA kamusta naman na nasama ang surname ni Pau sa 'yo. 

Next UD: KyLouStell


HOW TO DEAL WITH AN IDOL (SB19 Fan Fiction #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon