"Ready na?" tanong ng wedding planner.
"Ready na," sagot naman ni Kyra at Stell.
"Siguruhin niyong masarap 'yan ah," sabi naman ni Pablo na tumabi kay Laude sa sofa.
Napatawa si Jah. "Ikaw bang ikakasal?"
"Hindi. Pero dapat kasing sarap ng pagkain no'ng kasal namin ang food," anito na umakbay kay Laude.
"Braces, lumayo ka nga sa akin. Ang baho mo!" galit na sabi ni Laude.
Gulat na napatingin si Pablo sa asawa. Inamoy pa nito ang sarili. "Wife, mabango naman ako. Naligo ako bago umalis, saka favorite mo 'tong pabango ko, 'di ba?" sabi pa nito at akmang yayakapin si Laude.
Agad itong umiwas sa kaniya. "Please, Pau. Nakakahilo 'yong pabango mo. P'wedeng lumayo ka?" tumayo si Laude at lumapit kay Ken.
"Ops! Dre, siya lumapit sa akin. 'Wag mo kong tingnan ng ganiyan," defensive nitong sabi.
"Buti pa si Ken, mabango," sabi pa ni Laude.
"Lagot. May mababalatan yata si kuya," sabi naman ni Jhoana.
"Mag food tasting na lang tayo. Baka mamaya may mabugbog pa," sabi naman ni Stell at itinuro ang mga pagkain sa lamesa.
Lumapit sila sa lamesa at tinikman ang mga pagkain. Isa-isang kumuha sina Jah, Jhoana, Kyzha, Ken, Stell, Kyra, Jea, RJ at Pablo.
"P'wede na 'to, baby. Masarap naman. P'wede na para sa wedding," sabi ni Kyzha.
"Wow! P'wede na? Ang hirap kayang lutuin niyan," parinig ni Stell.
"P'wede bang maglagay ka ng crabs, Stell? Parang masarap 'pag may crabs," suhestiyon ni Jah.
"Eh? P'wede ba 'yon sa wedding?" sabi naman ni Jhoana.
"Wala namang bawal na pagkain. Magsama ka rin ng ihaw-ihaw," sabi naman ni Laude.
"Eww! Ihaw-ihaw sa kasal? Bakit hindi na lang no'ng kasal niyo ni kuya kayo nagsama. 'Wag sa amin," sabi naman ni Kyzha na parang nandidiri pa ang itsura.
Inabutan ni Pablo ng pagkain si Laude sa isang platito. "Eat."
"Makautos ka, ah. Ano ko aso?" sabi nito sabay irap.
Napakamot si Pablo sa noo. "You should try this. Specialty ni Stell ang Adobo. Masarap."
"'Di si Stell na masarap magluto," aniya nago inabot ang platito at inirapan ito.
Napatawa naman si Stell. "Selos 'yan?"
Sinamaan ni Laude ng tingin si Stell bago kumagat sa adobo.
"Ano masarap, 'di ba?" tanong ni Pablo.
"Bakit ganito 'yon lasa? Parang mabawang," sagot ni Laude bago niya tinakpan ang bibig at tumakbo papunta sa CR at iniluwa ang kinain niyang adobo.
"Wife, are you okay?" tanong ni Pablo habang kinakatok ang pinto.
"I'm okay. 'Wag kang papasok. Mabaho ka, Braces," sagot niya. Hindi niya maintindihan kung bakit biglang ayaw na niya sa amoy nito, maging ang Adobo na isa sa paborito niya ay ayaw na rin niya.
Makalipas ang ilang minuto ay umayos din ang pakiramdam niya. Lumabas siya ng CR at halos lahat sila ay nag-aalala sa kaniya lalo na ang asawa niya.
"Ayos ka lang?" nakangiting tanong ni Pablo.
"Wow! Nakangiti ka pa, nasuka na nga ako sa luto ni Stell," reklamo ni Laude.
"Grabe ka. Hindi ba masarap?" tanong ni Stell. Napailing si Laude. "Ikaw lang hindi nasarapan."
"Teka, sina Josh nasaan?" tanong ni Laude kaya sumama ang mukha ni Pablo.
"Miss mo?"
"Lumayo ka sabi, Braces. Mabaho ka!" bawal niya rito nang akmang lalapit na naman ito.
Napakamot ng batok si Pablo at napangiti. "Ang sungit mo naman, wife."
"Baka may period," bulong ni Jea.
"Or you're pregnant?" nakangising sabi ni Pablo. Lahat sila nagulat na napatingin kay Pablo. "Anong nakakagulat do'n? We're married for almost half a year, hindi malabo. Tell me, wife. Magiging daddy na ba ko?"
Bago pa makasagot si Laude ay tumunog ang phone ni Pablo. "Tumatawag si Josh."
"Nasaa kayo?"
"Nasa restaurant ni Stell sa Makati, ang tagal niyo."
"Josh! Bilisan mo!"
"Hoy! Anong ginagawa mo kay Louise? Bakit sumisigaw?" naagaw ang atensyon nilang lahat kay Pablo.
"'Yon nga, hindi na kami makakapunta riyan. Papunta kaming ospital, manganganak na yata si Queen."
"Ano? Teka saan? Pupunta kami."
"Sa ospital malapit dito sa amin. Sumunod na lang kayo. Bilisan niyo, hindi ko alam gagawin ko."
"Kala ko astig ka? Bahala ka riyan," pang-aasar ni Pablo bago ibinaba ang telepono.
Tumingin siya sa mga kasama at mukha namang naintindihan na ng mga ito ang sitwasyon. Awtomatiko silang tumayo at nagkanya-kanyang sakay sa sasakyan patungo sa ospital.
"Josh Cullen, matagal pa ba? Lalabas na 'to," reklamo ni Louise habang pawis na pawis at halatang nahihirapan na.
Hinawak ni Josh ang kamay ng asawa. "Queen, p'wedeng pigilin mo muna. Malapit na tayo."
"Siraulo mo! Mapipigil ko ba 'to kung lalabas na?" lalong napasigaw si Louise nang maramdaman ang biglaang sakit sa tiyan niya.
"Sorry, Queen. Kasalanan ko 'to," sabi ni Josh habang nagpapapalit-palit sa kaniya at sa daan ang tingin.
"Kasalanan mo talaga 'to, bwisit ka! Ikaw may gawa nito sa akin," sisi ni Louise habang tinitiis ang sakit sa tiyan niya.
Hindi na lang kumibo si Josh. Nanatili lang na hawak niya ang kamay ng asawa sa pagbabakasakaling mababawasan nito ang sakit na nararamdaman.
Ilang sandali pa ay narating na nila ang ospital. Agad siyang bumaba at humingi ng tulong sa mga nurse.
Hindi niya binitiwan ang kamay nito hanggang sa makapasok ito ng delivery room.
Nagpakalakad-lakad siya hanggang sa dumating ang mga kaibigan niya.
"Kamusta si Louise?" nag-aalalang sabi ni Kyra.
"Nasa loob pa. Kanina pa nga 'yon," natatarantang sagot ni Josh.
"Relax ka lang," sabi naman ni Pablo.
"Pa'no ko makaka-relax, mag-ina ko 'yon."
"Akin 'yong tagpi," biro ni Jah.
"Puti 'yong sa 'kin," sagot naman ni RJ.
"Gago! Ano 'yon aso?" sagot ni Ken.
"Gusto niyong sapakin ko kayo?" sabi naman ni Josh.
"Joke lang! Ito naman," bawi ni Jah.
Matapos ang dalawang oras na palakad-lakad ni Josh ay lumabas na rin ang doctor. "Sino ang mag-anak ng pasiyente?" seryoso nitong sabi.
Lumapit si Josh at takang tingnan ang doctor. Hindi ito agad nagsalita kaya nagmadali siyang pumasok sa loob ng delivery room.
Parang may sariling isip ang mga luha niya, tuloy-tuloy itong tumulo sa mga mata niya. Hindi siya makapaniwala. Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya.
A/N
Maraming salamat sa mga nagbasa. HIHI pero pabitin pa rin ang special chapter. HAHAHAHA may next pa. Mga 2 pa siguro. HIHI Anyway, tulad ng nasabi ko na noon, may GA ako, pero 'wag kayong mag-expect ng bongga. WAHAHAHAHA kuripot talaga ko promise. Just comment your UN (Wattpad or Twitter) below. Do'n ako mamimili. HAHAHHA Thank you mga mare/ pare.
P.S. Merch/ load lang 'yon. WAHAHAHAHA wala akong pambili ng tickets.
BINABASA MO ANG
HOW TO DEAL WITH AN IDOL (SB19 Fan Fiction #1) [COMPLETED]
FanfictionLumipat si Kim Laude ng tirahan para takasan ang mga ala-alang pilit n'yang kinakalimutan. Kasabay ng paglipat n'ya ay ang paglipat n'ya ng paaralang papasukan. Subalit sa pagpasok n'ya ng unibersidad ay makikilala n'ya ang limang kalalakihang pinag...