Puro buntong hininga ang naririnig ni Laude sa mga kasama niya. May interview ang boys kaya naman naiwan sila sa dressing room.
Nakakunot ang noo ni Jhoana habang badtrip naman si Kyzha. Tahimik naman na nags-scroll ng cellphone si Kyra habang nakangiti sina Louise at Jea. So Nica naman ay nagsusulat sa kan'yang notebook.
Baliw na yata 'tong mga ito.
"Bitch! Nakakainis!" iritableng sabi ni Kyzha.
Si Jhoana naman ay hahawakan ang phone, maya maya ay ibaba sa lamesa, tapos mag-ce-cellphone ulit tapos padabog na iababa ulit ang phone.
"Ano bang problema niyo? Nakaka-distract kayo," bati ni Laude.
"None of your business," masungit na sabi ni Kyzha.
"Ang gulo niyo eh. Ikaw bulong na bulong, ito namang si Jhoana hindi mapakali," iritableng sabi ni Laude.
"Ate Kim, si Jah kasi," panimula ni Jhoana.
Titigan ito ni Laude. "Anong ginawa sa'yo ni Jah?"
Tumitingin muna si Jhoana kay Kyzha tapos ay kay Laude. "Sikreto siyang nakikipagkita kay Nadyne," halos maiyak nang sabi ni Jhoana.
"What?!" sabay na savi ni Kyzha at Laude.
Tumayo si Kysha at susugot na sana nang pigilan siya ni Laude. "May interview sila. Gusto mong mapagalitan?"
Bumaling siya kay Jhoana. "Paano mong nalaman na nakikipagkita siya? Baka naman aksidente lang?"
Pinunasan ni Jhoana ang luha sa pisngi niya. "Napapadalas kasi 'yong pagtawag ni Nadyne kay Jah. Inisip kong wala lang 'yon, dahil ate naman ang turing niya kay Nadyne. Kaya lang dalawang beses ko na silang nahuling nagkita."
Nilapitan ni Laude si Jhoana at niyakap ito. "Kailangan mo siyang kausapin. Baka mamaya mali lang 'yang iniisip mo."
"Kung mali, bakit kailangan pang itago? 'Pag talaga napatunayan ko 'yan, malilintikan sa'kin 'yang boyfriend mo!" inis na sabi ni Kyzha.
"Galit na galit?" sabad ni Louise.
"Manahimik ka, Louise! Baka gusto mong madamay na masunog kasama si Jah at Jerica!"
"Jerica?!" gulat na tanong bi Louise.
"Oo! Higad na makati pa sa gabi. Naka-block na nag, gumawa pa ng bagong account, nag-chat na naman. My Ghad! Ang sarap kalbuhin!"
"Itali mo na lang sa katawan mo si Ken, para sure ka," pang-aasar naman ni Jea.
"Duh! No need. Loyal sa akin ang baby ko," maarteng sabi ni Kyzha.
"Loyal, kaya pala asar na asar ka sa Jerica na 'yan," alaska ni Louise.
"Oo. Loyal si Ken. May malandi lang na humaharot."
"Ky, ayos ka lang? Napapadalas ata pagiging tahimik mo ah?" tanong ni Laude kay Kyra na tahimik na nagse-cellphone.
"Huh?" tanong nito.
"Ay! Natulala na. Kaka-cellphone mo 'yan," pang-aasar ni Louise. Inirapan naman siya ni Kyra. "Aba, umiirap na. Lalaban ka na, 'te?" pang-aasar niya pero hindi ito umepekto.
Makalipas ang halos isang oras ay lumabas na ang boys. Agad silang nag-ayos ng gamitnlara umalis na roon at bumalik ng school.
Dahil nag-aaral pa sila ay kailangan nilang balansehin ang pagpasok at ang kanilang engagements.
Sa iisang van sila sumakay dahil kasya naman sila. Habang nasa daan ay may tumawag kay Louise.
"Hello?" sa malambing nitong boses. "Oo, pupunta ko. Basta magsusuot ako ng red para madali mo kong makilala. Yes. Sige. See you."
BINABASA MO ANG
HOW TO DEAL WITH AN IDOL (SB19 Fan Fiction #1) [COMPLETED]
أدب الهواةLumipat si Kim Laude ng tirahan para takasan ang mga ala-alang pilit n'yang kinakalimutan. Kasabay ng paglipat n'ya ay ang paglipat n'ya ng paaralang papasukan. Subalit sa pagpasok n'ya ng unibersidad ay makikilala n'ya ang limang kalalakihang pinag...